Hindi na nagaksaya si James nang panahon upang puntahan si Shaira sa kaniyang opisina dahil sa maraming dapat ipaliwanag si Shaira tungkol sa anak nila. Hindi niya matanggap na hindi siya kilalanin nang mga ito dahil sa anak niya ang dalawa at dugo niya ang siyang nananalaytay sa ugat ng kambal
Hindi pinansin ni James ang pagbati sa kanya nang gwardiya na siyang nasa labas nang building bagkus ay agad-agad siyang pumasok sa loob nang building at agad nagtungo sa taas dahil sa alam na niya kung nasaan ang room ni Shaira dahil sa nakapunta na siya rito nang utosan siya ni Arman na ihatid ang mga papelis kay Shaira
Nang bumukas ang elevator ay agad siyang nagtungo sa pintuan ni Shaira na tilay walang baling na tiningnan ang sekretarya ni Shair "sir, may appointment po kayo kay maa--" hindi na natapos ang dapat sasabihin ng sekretarya ni Shaira nang buksan ni James ang pituan at isinar ito pabagsak
Kausap naman ni Shaira ang kanyang papa ngayon dahil sa may tinanong ito sa kanya, pero bigla siyang napabaling nang tingin sa pintuan na siyang kumalabog kaya agad siyang nagpaalam sa kanyang papa at ibinaba ang telepono
"What are you doing here Mr. Villacorta" agad na napatayo si Shaira bago niya tinitigan nang masama si James
"You have to tell me something" saad ni James habang palapit ito kay Shaira
"Ano naman ang dapat kung sabihin sayo" mataray na saad ni Shaira at napaalis sa kanyang upuan upang salubongin si James
"Talaga bang wala" tigang bagang na saad ni James nang makalapit si Shaira sa kanya
Nagtitigan lamang silang dalawa nang ilang segundo pero si Shaira na mismo ang bumitaw sa kanilang mapanguyam na titig "tigilan mo na to Mr. Villacorta kung ayaw mong ang mga gwardiya diyan sa labas ang siyang kumaladkad sayo paalis rito" mayawtoridad na saad ni Shaira pero napatawa lamang si James sa kanyang sinabi kaya pinangunotan siya nang noo ni Shaira
"Yan ka naman palagi e, iniiwasan mo ko" saad ni James at napabaling sa mesa ni Shaira, pero nakita niya ang larawan ni Shaira at ni Fred kasama na ang mga bata kaya biglang nagapoy anang kanyang mata sa galit "ang gusto ko lang naman ay makilala ko ang ang mga anak ko"
"Wala kang anak sakin!!"agad agarang sagot ni Shaira kay James kaya napalapit si James sa kanya na siyang dahilan upang mapaatras siya. Pero hindi magawang maging matapang ni Shaira dahil sa nakikita niya ang galit na mukha ni James na siyang hindi niya nakalimotan, ilang hakbang ang nagawa ni Shaira ay bigla niyang naramdama ang matigas na pader na siyang nasa kanyang likoran kaya ang dahilan noon ay wala na siyang maatrasan
Agad naman napabaling si Shaira sa gilid nang macorner siya ni James sa pader ni gumalaw ay hindi na niya magawa. Nag lakas loob siyang tingnan si James pero bigla lamang siya nitong sinunggaban nang halik nang lalaki kaya wala siyang nagawa kundi ang maestatwa ang kanyang katawan at pabayaan na lamang ang lalaki sa kanyang ginagawa
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomansaHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife