Bahagyang pinupunasan ni Shaira ang mga braso ni James na siyang nakahilata sa hospital bed. Halos anim na buwan na ang nakalipas ay hindi parin siya gumigising kaya nagaalala na si Shaira dahil sa baka kung ano at baka ano na ang nangyayari kay James
"James" aniya niya habang pinapatuloy ang pagpupunas sa lalaki "simula nang makilala kita sa beach, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sayo. Parang pinapasaya mo ang damdamin ko, napapasaya mo ako sa tuwing ginugulo mo ako noong mga panahong kasama kita sa beach" matapos noon ay pinunasan naman niya ang mukha ni James
Mariin siyang napatitig sa mukha ni James pero naramdaman niya ang pagbabadya nang kanyang luha na nanggaling sa kanyang mata. Mariin niyang pinahid ito at pinagpatuloy ang pagpupunas sa lalaki
Hindi mawari ni Shaira kung bakit niya sinasabi ang mga katagang iyon, para siyang nasasaktan sa tuwing nakikita niya si James na nakaratay sa kama. Kasalanan niya ba kung bakit nakaratay si James sa kamang iyon ' kung hindi lang sana nakita ni James ang nagyari sa amin ni Fred hindi siya dapat magkakaganito' mga katanongan na siyang bumabagabag sa kanyang isip
Nalaman ni Shaira na nakita ni James ang nangyari sa kanila ni Fred dahil sa isinalaysay ng secretary ni Shaira na tuliro si James nang umalis sa opisina, pero hindi niya inaasahan na ito ang resulta sa ginawa ni Shaira
Napahawak si Shaira sa mga braso ni James at sinusuri ang lalaki dahil sa nakikita niyang nangangayayat si James ibang-iba noong masaya pa siya nitong kinukulit nang lalaki
Siya muna ang nagbabantay ngayon dahil sa umalis muna si Donya Carmela dahil sa bakat sa kanyang mukha ang pagod sa pagbabantay ni James, kaya nagpresenta si Shaira na siya muna ang magbabantay kay James upang makapagpahinga naman ang matanda
Minsan lang naman si Shaira bumisita kay James dahil sa busy rin ito sa kanilang opisina at baka malaman pa ni Fred na siyang dahilan upang magdulot pa ito nang ayaw sa pagitan nilang dalawa
Ilang sandali pa ay narinig ni Shaira ang pagbukas ng pinto kaya mariin siyang napabaling sa pintuan upang tingnan kung sino ang pumasok. Pero hindi na siyang magtataka kung si Sharmaine man iyon, kaya ibinalik na lamang niya ang pagtitig kay James pero hindi nagtagal ay nagsalita si Sharmaine dahil sa hindi mapigilan nito ang nangangating dila
"Akala ko ba umalis ka na, diba nasa ibang bansa ka para layuan si James at iwan ito" hindi lamang sumagot su Shaira at tilay panapakiramdaman ang paligid. Ayaw niya nang away dahil sa nandiyaan si James "bakit ka pa bumalik kung iniwan mo na siya"walang salitang lumabas sa bigbig ni Shaira na tilay ayaw nitong gumawa ng gulo
"Ang landi mo Shaira, nagawa mo na nga siyang iwan sa para sumama sa iba. Tapos babalikan mo na siya kapag nakahilata na" mariing napahagakhak si Sharmaine na siyang dahilan upang ang matinis na halakhak nito ang siyang umukupa sa loob ng silid
"Sa tingin mo ba magtatagumpay kang makuha si James matapos sa lahat nang ginawa mo sakin"
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
Любовные романыHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife