Flash Back
Naguusap si James at si Arman matapos silang maigala ni Shaira pero malaking ngiti sa labi ni Arman ang siyang nakapinta rito. Pero pilyo niyang tinitigan si James na siyang dahilan upang mapakunot nang nuo si James “what are you looking at?”takang tanong ni James na tila naiilang sa mga titig ni Arman “Tol, kung nababaklaan ka humanap ka nang iba huwag ako” nangangating umalis si James sa harap ni Arman. Pero agad naman itong sinundan ni Arman at inakbayan pero
“Alam kung type mo yung babae kanina” usal ni Arman pero masamang titig ang natanggap niya kay james na siyang dahilan upang mapahalakhak naman ang lalaki “pero may deal a--”hindi natapos ni Arman ang dapat niyang sasabihin dahil sa siniko siya ni James na siyang dahilan upang mapatigil ito sa dapat niyang sasabihin
Napaalis si James mula sa pagkakaakbay nito kay Arman pero hindi parin tumigila ang lalaki bagkus ay pinilit niya parin si James na gawin ang pinagagawa niya kay Shaira “ano ang price ?”pilyong ngiti ang pinakita ni James matapos siyang mapilit ang kanyang kaibigan, bahagya namang napaisip si Arman “kailangan masatisfied ako ahhh” ngigniti-ngiting tumango si Arman
“Deal!!”masiglang saad ni Arman nang pumayag si James sa usapan nila. Ngiting aso namang ang pinahayag niya ni James dahil sa pagnatapos niya ang kanyang mission ay siguradong makukuha at magsasaya siya nang buong linggo dito sa Boracay
Simpli lang ang pinapagawa ni Arman kay Shaira, una ay kailangan niyang mapa-oo ang babae sa isang date, pangalawa kailangan niyang maging GF ito with in a week dahil sa isang linggo siyang magpapakasaya rito sa Boracay at pagnagawa niya ang lahat nang iyon ay mapapasakanya ang Ferrari na siyang kabibili lang ni Arman.
“Paano pag nalaman yun ni Sharmaine” tanong niya sa kanyang kaiban na may pagaalala. Napangiti naman si Arman sa kanyang kaibigan.
“Hindi naman malalaman ni Sharmaine kung walang magiingay sating dalawa”puna nitong saad na tilay kampanting kampante na tila’y hindi magagawa ni James ang mission na kanyang pinapagawa.
Kilala si James na isa sa mga torpe sa kanilang paaralan, kaya kampante si Arman na hindi niya iyon magagawa dahil sa torpe ang kaibigan niya. Kung hindi dahil kay Arman ay hindi sila magkakakilala ni James at Sharmaine. Pero dahil may pagtingin din si Sharmaine kay James kayaa naging madali ang pagkakaroon nang relasyon nilang dalawa.
Simula pa lang nang lumipat si Sharmaine sa paaralan nila James ay nakuha na nito ang atensiyon nang lalaki, kaya hindi mawari ay nauwi ito sa pagkagusto ni Sharmaine. Matagal nang Graduate si James sa kursong BS Business Management dahil sa iyon ang gusto nang kanyang ama. Kaya sinunud niya ito dahil sa ayaw nitong madisappoint ang kanyang ama sa kanya. Ilang taon nang magkaibigan si Arman at James pero tanging silang dalawa lang ang siyang nagtutulongan sa isa’t-isa. Si James ay siyang matino sa kanilang dalawa habang si Arman naman ay siyang palaging wala sa klase at madalas itong lumiliban, pero punapasok ito pag may exam. Madalas naman itong nagtatambay sa bahay nila James tuwing weekend kaya hindi malabong hindi ito kilala nang pamilya nila James.
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
Любовные романыHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)