Chapter 30💋💋💋

10.3K 111 0
                                        

Matamang nakatitig si Shaira sa babaing dumaan mula sa harapan niya kaya hindi niya mawari kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Magkahalong galit at poot ang siyanv nararamdaman niya nang makita muli ang babae. Matatalim na titig ang siyang ipinukol niya kaya Sharmaine habang may kausap itong isang babae at halata itong galing sa flight

"Ma'am, akin na po yung mga gamit niyo" napatigil na lamang si Shaira sa kanyang pagtitig dahil sa lumapit pala sa kanya ang lalaking nagsundo sa kanya. Pero hindi iyon nahalata nang lalaki na tinititigan niya si Sharmaine dahil sa suot-suot niya ang shades na regalo ni Fred sa kanya noong kaarawa niya

Hinayaan naman ni Shaira na kunin nang lalaki ang pushcart na siyang tulak-tulak niya kanina at mariin na lamang siyang napasunod sa lalaki, pero hindi niya napansin na nakaalis na pala si Sharmaine dahil pagbaling niya sa kinaroroonan ni Sharmaine kanina ay bigla na lamang itong nawala na parang bula

Tahimik lamang na nagbabyahe si Shaira na tila bored na bored na siya sa mga nakikita niyang billboard na siyang nakabalandra sa may highway. Halos hindi niya kilala ang mga taong iyon tila bago lamang sa kanya ang mga mukhang iyon

Pero isang billboard ang nakaagaw nang kanyang atensiyon nang makita niya ang logo nang kompanya ni James na di niya malilimotan sa tuwing pumupunta siya doon sa opisina niya. Hindi niya mawari kung si James ba ang nasa larawang nasabing billboard pero napalaki ang kanyang mata nang makita ang larawan sa malapitan

Tila'y nagsibalik ang mga ala-ala sa kanyang isipan na siyang matagal nang kinalimotan ang inilibing nang mahabang panahon pero hindi ang umiiyak na Shaira ang nakikita sa tuwing naaalala niya ang panyayaring iyon kundi ang Shaira na siyang nagaapoy ang mata sa galit at uhaw sa paghihiganti

Mariin naman siyang napangiti matapos nilang malampasan ang malawak na billboard na yun, kaya napansin ito nang driver ni Shaira na siyang nagsundo sa kanya kanina sa Airport"kilala niyo po siya?"mariing tanong nang lalaki sa kanya kaya bilingan niya iton nang tingin at sabay umiling

"Hindi" matabang na aniya ni Shaira sa lalaki "sa pagkakaalam ko siya ang may-ari nang Villacorta Inc."napatango naman ang driver

" Siya po si James Manuel Villacorta. The successful businessman in the Philippines"puna nang lalaki kay Shaira kaya pinakinggan na lamang ni Shaira ang sinabi nang lalaki dahil sa bored na siyang kakatingin sa mga billboard na di naman niya kilala kung sinu-sino ang mga taong nakapaskil roon "sa naririnig ko kasal na siya pero wala akong nababalitaan tungkol sa asawa nito. Siguro dahil sa ayaw niyang masangkot ang pamilya niya sa mga isyu nang kompanya nila" napangiti naman si Shaira nang mapakla, napaisip na babae na masaya na si James sa buhay niya ngayon dahil sa natupad na ang pangarap nito na pakasalan niya si Sharmaine.

"Talaga ba, ang bait niya naman" sarkstikong aniya ni Shaira sa lalaki "his a protective father and husband" tatawa-tawang aniya ni Shaira kaya pati ang lalaki ay napatawa rin kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi ni Shaira

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon