Chapter 8💋💋💋

10.8K 130 2
                                        

Napaatras si Shaira anang itaas ang kamay ni James at agad naman itong napapikit habang nagaantay sa lumanding ang kamay ni James sa kanyang mukha

Ilang sandali pa ay iminulat niya ang kanyang mga mata. Bakas ang pagtataka sa mukha ni James nang makitang nakapikit si Shaira ngunit laking gulat niya nang makita ang mukha ni James na nakasalubong ang kanyang mga kilay

"Anong ginagawa mo? Kuha mo kong tubig" agad nagtungo ang babae sa kanilang ref at kinuha ang petsil na tubig. Kaya pala napataas ang kamay nang lalaki dahil sa tinuro nito ang ref dahil sa nabulunan ito

Matapos ang kumain ay walang imik paring umakyat si James sa taas habang naglilinis si Shaira sa pinagkainan ni James

Paakyat nang kwarto si Shaira at narinig niya ang boses ni James na sumisigaw na tila may kaaway ito sa kabilang linya

"Okay, okay. I'm sorry" mahinahong saad ni James habang pinapakalma ang boses nito "I'm sorry if naramdaman mong nakatitig ako sa kanya kanina, ayoko ko lang kasing may nakikipag kita sa kanyang ibang tao. Baka kung----"hindi na tinapos ni Shaira ang pakikiisyoso sa usapan ni James at kausap nito sa kabilang linya

Agad naman itong nagtungo sa kanyang kwarto habang may dalang ngiti sa labi, hindi ma-imagine ang mga sinabi ni James kanina. Bagkus ay nabuhayan ito nang loob at mariing napakagat sa kanyang unan. Abot langit ang kilig ang nararamdaman ni Shaira

Napatagilid siya nang higa at matamang minamasdan ang ding-ding sa pagitan nang kwarto nila James

Kahit isang taon sa silang mag asawa ni James ay hindi man lamang nito tinabihan ni minsan, kahit sa honeymoon nila ay hindi ito tinabihan ni James

Ngunit masaya parin siya dahil umuuwi parin ang asawa sa kanya, napagsisilbihan niya ito, naaalagaan at nakikita sa araw-araw na paggising











Labis ang pagmamadali ni Shaira patakbo papuntang elevator, labis itong kinakabahan habang pinipindot ang floor kung saan siya pupunta. Labis ang pamamawis ni Shaira at halos hindi niya marinig ang paligid dahil sa lakas nang kalabog ng kanyag dibdib

Ilang sandali pa ay agad bumukas ang elevator at agad niyang tinakbo ang rooftop. Pagbukas niya nang pintuan ay agad niyang nakita si Fred habang nakatalikod ito sa kanya

*BANG!!!!* labis na umalingaw-ngaw sa tenga ni Shaira nang marinig ang putok nang baril habang kitang kita niya si Fred na unti-unting napahiga sa malamig na sahig

Napamulat si Shaira habang hingal na hingal na binuksan ang lampshade sa tabi nang kanyang higaan

Napabango si Shaira at agad na nagtungo sa kusina upang kumuha nang tubig. Pagdating niya sa kusina ay agad itong kumuha ng tubig at agad itinongga ang pitsil nitong hawak

Nagluluto si Shaira habang inaantay na maluto ang pinakuloan niyang baka upang lumambot ito. Nagplano siyang lutoan si James nang beef steak para sa agahan nito. Pero hindi parin malis alis sa kanyang isipan tungkol sa narinig niyang usapan kagabi nila James

Nagising si Shaira dahil sa tumatama ang sikat nang araw sa kanyang mukha, mariin naman itong napabalikwas at agad nagtungo sa kusina upang suriin kung kinain ba ni James ang kanyang niluto. Ngunit labis itong nanlumo at pagtataka dahil sa hindi naman ito umaalis na walang laman ang sikmura

"Galit kaya iyon dahil sa ginawa ko kahapon?"mariing napatanong si Shaira sa kanyang sarili

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon