Napatigil na lamang sila sa kanilang dalawa nang marinig nila ang mahinang tawa nang batang babae, kaya binalingan nila nang atensiyon si Claudette na siyang tumatawa habang tinatabunan ang kanyang mata ni Eman dahil sa ayaw nang kuya na makita ito nang kapatid
Napangiti naman ang dalawa nang makita nito ang dalawa. Tahimik lang si Eman at mahilig magbasa nang libro kaya laging nasa bahay ito kasama nang kanilang nanny, ayaw daw nitong sumama sa opisina ni Shaira dahil sa nababagot ito. Matalino at masungit ito dahil sa palagi itong nasa tabi at nagbabasa nang libro at hindi pinapansin kung sino man ang taong nasa paligid nito.
Agad na lumapit si Fred kay Claudette na siyang dahilan upang mapahagikhik ang bata nang kilitiin siya ni Fred “diba I told you kanina na, don’t ever enter the kithchen”parang nangangaral na saad ni Fred kay Claudette
“So I can’t see you kissing with mommy”pilyang saad ni Claudette na siyand dahilan upang pamulahan ito ni Fred, mariin na lamang napatawa si Shaira sa mga naririnig niya kay Claudette
Matapos ang haponan ay agad silang nagtungo sa sala, naglalaro naman si Claudette sa mga laruang binili ni Fred sa kanyan kaya hindi na siya pinansin ni Claudette habang si Eman naman ay tuwang-tuwa sa mga librong dala ni Fred.
“kumusta ang Pilipinas”napabaling naman si Fred kay Shaira nang tanongin siya nang babae
“Okay lang, Pilipinas parin”ngiting puna ni Fred, pero pinangunotan siya ni Shaira dahil sa hindi siya kombinsido sa sagot nito.
“I mean, your work”napangiti naman si Fred kay Shaira at agad itong niyakap, pero hindi naman tumanggi ang babae sa kanya.
“Okay lang, minsan nakakasakit nang ulo minsan naman okay lang”punang saad ni Fred kay Shaira habang pinagpatuloy ang pagyakap rito
Napatigil naman sila sa pagyayakapan nang maramadaman naman nilang yumakap sa kanila si Claudette “sama naman ako” napangiti naman si Shaira sa sinabi nang kanyang anak. Marunong mag tagalog si Claudette dahil sa tinuturoan ito nang kanilang nanny kaya hindi na nagaalala si Shaira
“mommy, daddy give me a gift”sabay ipinakita naman ni Claudette ang isang bilog na bagay, pinangunotan naman ni Shaira si Fred.
“Kalamay yan galing bohol, binili ko yan noong pauwi na ako nang manila” nawala naman ang pagtataka sa mukha ni Shaira habang kinuha niya ang kalamay sa kamay ni Claudette
Pinalapit niya si Claudette sa kanya “Baby, its a Calamay”paliwanag ni Shaira kay Claudette habang ang anak naman niya ay matamang nakikinig sa kanyang sinasabi habang pinapaliwanag at inilalarawan kung ano talaga ang itsura nang bohol, kasama niya na ring pinaalam kay Claudette na marami mga tarsier doon
Tinititigan ni Shaira ang kanyang dalawang kambal na mahimbing na natutulog, hinaplos niya ang pisngi nang bawat isa sabay hinalikan ang noo. Kasabay naman nitong natutulog si Fred sa tabi nang mga bata. Matpos noon ay agad namang nagtungo si Shaira sa kaniyang kwarto
Nang papahiga na sana si Shiara nang marinig niya ang kanyang telepono na tumutunog, agad niyang dinampot ito at tiningnan ang caller
---------------------------------------------------------------
Please Vote and Follow me @DancingFucker
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
Любовные романыHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)