"Nagwapohan ka siguro sakin kanina kaya natulala ka. Naku iba na yan, ayoko pa naman sa mga magaganda" aniya ni Fred habang tatawa-tawang tinititigan si Shaira, pero namumula ang mukha nang babae nang banggitin ni Fred ang mga salitang iyon
Pilit mang itanggi ni Shaira na mataas ang atraksyon nang lalaki sa kanya ay hindi niya ito ipinahalata
Ayaw niyang magkasala sa kanyang asawa dahil sa kasal siyang tao. Nanumpa siya siya sa panginoon na aalagaan niya ang lalaki ang hanggang sa pagtanda at mamahalin sa hirap at ginhawa
Pero masaya siyang kasama ang lalaki. Natigil ang kanyang pagmumuni-muni nang tapikin siya ni Fred na siyang dahilan upang makabalik sa kanyang katinuan
"Ayan ka na naman. Tulala" saad ni Fred habang minamasdan ang maamong mukha ni Shaira "ano na naman ang problema mo?" Mahinhin na tanong ni Fred kay Shaira pero tanging napatango na lamang si Shaira na namumula ang mukha habang tinititigan ang mesa
"Nahihiya ako dahil sa gwapo ang kasama ko" at bahagyang napaangat ang ulo ni Shaira" kaso batang baluga nga lang"tatawa-tawang napagalpak nang tawa si Shaira
"Andito ka na pala, kumusta ang asawa mo iho?"tanong ni Donya Carmela kay James, pero pinangunotan lamang ni James nang noo ang kanyang ina
"Ma!! Out of nowhere si Shaira parin ang iniisip mo. Pwede ba minsan na nga lang akong umuwi pati ba naman pangalan nang babaeng yun maririnig ko rito" galit na sagot ni James sa kanyang ina
"Pero James, asaw--" napatigil sa pagsasalita si Donya Carmela nang magsalita si Don Manuel
"Pabayaan mo na si James, Carmela" bahagya namang napatingin si Donya Carmela sa kanyang asawa, pero bago magsalita iyon ay tiningnan muna niya si James kung nakapasok na ba ito sa kanyang silid
"Paano ako mananahimik. Matanda na tayong dalawa, ni hindi pa ako nagkakaroon nang apo!!" Napahawak ito sa kanyang noo at mariin namang nagmamadali si Don Manuel sa kanyang asawa upang gayakin ito sa pagupo"Ito na siguro ang kapalaran ko, ang mamatay na hindi ko pa nakikita ang mga apo ko"
"Bigyan mo muna nang oras si James, alam naman nating may plano sita. Pero huwag muna nating siyang pilitin sa ayaw niya" pasusumamo niya sa kanyang asawa
"Kung hindi lang sana tayo ang pumilit na magpakasal siya kay Shaira at pabayaan siyang pumili nang babae na gusto niyang makasama habang buhay edi sana meron na akong apo ngayon" iyak-iyak na aniya ni Donya Carmela habang pahid-pahid ang kanyang pisngi na wala namang luha ang lumalabas. Ibig sabihin nag iinarte lamang ang matanda
"I'm home!!"malakas na boses ang umalingaw-ngaw sa loob nang bahay nila. Agad namang napaangat nang ulo si Donya Carmela nang marinig ang boses na iyon. Dali-dali itong bumaba sa hagdan at palinga-linga ang tingin sa paligid
" totoo ba naririnig ko Manuel?"di makapaniwalang tanong ni Donya Carmela sa kanyang asawa
"Baka nga! Nanjan na ang anak natin" galak na saad sa kayang asawa
"Oh my God!"labis ang tuwa ni Donya Carmela nang makita nito ang isang anak
-----------------------------------------------------------
I need your Suggestion guys✌✌✌
Please press the button below
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)