Chapter 26💋💋💋

10.3K 116 0
                                        

“Dad”agad niyang sinagot ang caller habang nakangiti itong nakaharap mula sa madilim na bintana, ilang linggo narin ang lumipas pero ngayon lang muli tumawag ang ama ni Shaira

“I heard may problema tayo sa isang branch natin in the Philippines”mariin namang napabuntong hininga si Shaira habang pinapakinggan ang ingay sa kabilang linya. Naririnig niya ang ingay nang mga sasakyan.

“Yes dad” mahinang saad niya sa kanyang ama habang pinaglalaruan ang kanyang buhok na kulot

“Kailangan mong maaksyonan yan Shaira as soon as possible”mariin na lamang na patango si Shaira habang napapahilamos sa kanyang mukha “kailangan mong pumunta nang pilipinas when I came back home” puna nang ama ni Shaira pero hindi lamang siya nakaimik dahil sa iniisip niya ang mangyayari kung uuwi siya nang pilipinas. Baka magtagpo na naman ang kanilang landas, makakaya niya kayang harapin si James muli .

Nagbalik siya sa katinuan nang magsalita ang kanyang ama “Shaira, are you listening” pukaw nang kanyang ama.

“Yes dad, I’m sorry may naalala lang kasi ako. Ano nga ba yung sinabi mo ?”tanong ni Shaira sa kanyang ama. Napatawa naman ang kanyang ama sa kanyang sinabi 

“Naalala mo na naman ba ang asawa mo?”puna nang kanyang ama, pero hindi naman nakaimik si Shaira matapos sabihin yun nang kanyang papa “it’s okay iha, may mga bagay talagang hindi natin madaling kalimotan”

“No dad, wala na dapat akong alalahanin sa kanya. Matagal na kaming tapos at matagal na kaming wala”napakumot na lamang si Shaira sa kanyang kamay “At kung meron mang makaalala sa aming dalawa ay siya yun, yung mga kasalanan niya na dapat niyang pagsisihan”

“Basta bago kayo umalis kailangan makarating pa ako, namimiss ko na kasi ang dalawa kong apo”saad nang kanyang ama. Kahit gaano ito kabusy sa kanyang trabaho ay pinaprioritized niya parin ang mga apo nito. Tanging ang mga anak lang ata ni Shaira ang nagpapasaya sa kanyang ama

Ilang minuto pa silang naguusap nang kanyang ama bago ito naputol dahil sa may meeting pa ito na kailangang taposin, nang sasampa na siya sa kama ay napansin niyang kumatok si Fred sa pintuan dahil sa nakaawang ito kaya madali niya itong nakita

Pumasok naman si Fred matapos niyag kumatok at lumapit kay Shaira “can I sleep beside you”parang batang aniya ni Fred na siyang dahilan upang mapangiti si Shaira. Tinapik ni Shaira ang kabilang side nang kama at agad sumampa si Fred sabay humiga sa tabi nang babae. Mariin namang napayakap ang lalaki sa kanya habang ang ulo naman ni Shaira ay siyang nasa dibdib nang lalaki.

Nang makatulog si Shaira dahil sa pagod ito sa trabaho, kaya mataman namang tinitititigan ni Fred si Shaira. Masaya siyang kasama ang babae sa piling niya kahit minsan nagkakalayo sila ni Shaira ay pinipilit niya paring puntahan ito sa Amerika upang makita lang ang dalaga. Hinalikan niya ang dalaga sa noo bilang simbolo nang buong pusong pagmamahal niya kay Shaira.

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon