Chapter 7💋💋💋

10.2K 144 1
                                    

Bahagyang tumigil ang mundo ni Shaira nang magtama ang mata nila ni James, pero hindi lang si Shaira ang nagulat dahil bahagya ring nagulat si James dahil nanlanki ang mata nito at hindi makapaniwalang magkikita silang apat sa iisang lugar

Napabaling naman ang atensiyon no Shaira sa kasama nitong babae na si Sharmaine kung saan kitang-kita ang mga malademonyong ngiti nito at labis na pagkagalak sa mga nagyayari

"Shai!!!"iwinasiwas ni Fred ang kanyang kamay upang maagaw ang atensiyon ni Shaira sa kanya at agad namang napunta ang atensiyon ni Shaira kay Fred " sino ba ang tinitingnan mo jan, na para yatang nakakita ka ata nang multo. Ang aga-aga pa, wala naman atang magpakitang multo ngayong maliwanag?"pagbibiro ni Fred at agad namang napatingin sa Fred sa deriksyon kung saan sila naka upo ni James

"Wala"plastik na ngiti ang iginawad ni Shaira sa lalaki "parang may nakita lang akong kakilala ko"tapos agad siyang napatingin sa mesa kung saan ngayon niya lang napansin na punong puno ito nang mga pagkain. Hindi niya inaasahan na bibilhin niya halos lahat nang iba't-ibang klaseng pagkain ng Jollibee

Napangiti na lamang si Fred nang makita ang reaksiyon ni Shaira habang naktitig sa mga pagkaing binili ni Fred " ang dami naman nito, sigurado ka bang kaya mong ubosin lahat yan?"tanong ni Shaira na siya namang tinanguan ni Fred

"Tangek binili ko nga yan para satin ehhh!! Sige na kuha ka lang wag ka nang mahiya" nahihiya si Shaira dahil sa nakatitig palagi si James sa kanya, kaya hindi siya makafucos sa kinakain niya

Pero hindi niya pinahahalata na naapektohan siya sa mga titig ni James habang ang katabi naman nitong babae ay hindi na halos mapinta ang mukha dahil sa nakabusangot ito at di na halos mapansin ni James

Pinipigilan niyang masamid sa pagkain dahil ayaw niyang mahalata ni Fred na hindi ito komportable sa ngayon







"Salamat sa pagsama mo sakin, at least hindi ako na bored ngayon"inirapan siya ni Shaira at agad inilahad ang kamay nito habang taas kilay

" Akin na"sabi ni Shaira habang inaantay na ibigay ni Fred ang hinihingi niya pero pinangunotan ito ni Fred " Cellphone ko"

Napangiti naman ang binata tapos ay kinapa kapa ang bulsa nito, nanlaki ang mata ni Fred "teka, dito ko lang yun ibinulsa ehhhh"tapos kapa-kapa naman siya sa kabilang bulsa niya

"Huwag mo na akong pag antayin Fred, sasapakin talaga kita" pagbabanta ni Shaira kay Fred

"Isa" simulang bilang ni Shaira

"Wala nga" inilabas pa nang lalaki ang kanyang bulsa pero wala ito

"Dalawa" kapa-kapa parin ni Fred ang bulsa niya. Pero aakma na sanang sasapakin ni Shaira si Fred nang ilabas nito ang cellphone habang naka pikit ang dalawang mata

"Bibigay mo naman pala ehhh, tinagalan mo pa" akma sanang kukunin ni Shaira ang Cellphone nang ilayo ito ni Fred

"Basta promise, meet uli tayo" parang batang pakiusap ni Fred kay Shaira

"Gago, nanjan nga yung asawa ko kanina tapos magkikita pa tayo ulit"nagulat naman sa sinabi ni Shaira si Fred

" ikaw may asawa, e kibata-bata mo pa. No!! Hindi ako naniniwala" di kombinsing pahayag ni Fred

"Oo nga! Tsaka akin na yang phone ko"kukunin sana ni Shaira nang ilayo uli ito ni Fred

"Basta meet tayo ulit, bayaan mo na yang asawa mo. Hindi naman niya ako sinunggaban nang suntok kanina, kaya parang understanding ang asawa mo ha"

-------------------------------------------------------------

Please click the button below✌✌✌

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon