~~~*~~~

9.2K 121 0
                                        

"Makakaalis na po kayo, hindi naman kayo si Mr. Rodriguez kaya wala tayong dapat idiscuss" malulutong na aniya ni Shaira bago ibinalik ang pagkakatitig sa papel na siyang hawak-hawak niya kanina pero hindi umalis si James bagkus ay patuloy parin niyang tinititigan ang babae at malamang ay ramdam na ramdam ni Shaira iyon kaya hindi siya makapag-focus sa binabasa niya

"Stop staring at, wala akong utang sayo" sita niya nang hindi siya makatiis sa mga titig nang lalaki

"We need to talk Shai-" saad ni James na parang nagmamakaawa, napangiti naman siya

"About what Mr. Villacorta, you are the competitors of our company so we don't have any business to talk here!!"matigas na aniya ni Shaira na tila'y hindi nagbago ang ekspresyon nito sa pagkakasabi niya

'No, tungkol ito satin!!" mahinang usal ni James kay Shaira na siyang dahilan upang magapoy ang mga titig ni Shaira sa kanya pero hindi yun pinansin ni James ang gusto niya lang ay mapatawad siya ni Shaira

"There was never an us Mr. Villacorta" galit na aniya ni Shaira at ibinaling muli ang titig sa ibang direksyon "sa pagkakaalam ko wala na tayong relasyon sa isa't-isa dahil simula nang umalis ako ay iniwan ko at kinalimotan ko ang lahat nang nangyari sakin dito sa lupang ito"

Malalim na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa sa loob nang opisina ni Shaira tila'y naputolan silang dalawa nang dila at hindi  makapagsalita

Samantalang nasasaktan si James sa mga salitang narinig niya kay Shaira, ang mga salitang ayaw niyang marinig mula sa babaing minamahal niya

Naramdaman na lamang nang lalaki ang pagtulo nang kanyang luha kaya agad niya itong pinahid pero hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Shaira dahil nakita niya ang pagpatak nang luha ni James na siyang dahilan upang magbago rin ang kanyang ekspresyon na tilay naawa siya sa nakikita niya. Pero sa tuwing naalala niya ang mga ginawa nito ay hindi niya magawang mapatawad ang lalaki

"Mas mabuting umalis ka na lang, wala kang makukuha sakin Mr. Villacorta" napatayo naman si Shaira sa kanyang upuan upang magtungo sa pintuan at buksan ito para paalisin siya pero hindi niya ito nagawa nang biglang humarang si James at lumuhod sa kanyang harapan

"Pakiusap, alam kong ang gago-gago ko sa lahat nang ginawa ko sayo" panimula ni James at umiiyak na ito pero hindi parin umimik si Shaira at hinintay ang susunod na sasabihin nito "patawarin mo ko sa lahat nang mga kasalanang ginawa ko, patawarin mo ko sa mga kahayopang nagawa ko sayo" dagdag niya at hinawakan ang kamay ni Shaira bago inangat ang ulo ito. Kitang-kita ni Shaira ang umiiyak na James. Masaya dapat siya na nakikiya ang lalaki sa ganitong kalagayan pero nasasaktan parin siya sa tuwing nakikita niya si James

Napailing iling naman si Shaira "Kung sakaling ginawa mo pa yun nang mas maaga ay mapapatawad pa kita pero huli ka na jame. Huling-huli ka na! Nasaktan mo na ako! Nasaktan mo na ako nang sobra sobra!!"napaluha naman si Shaira sa mga sinabi at pinipigilan ang humikbi "umalis ka na James!" dugtong niya pero hindi parin nakikinig ang lalaki

"Umalis ka SABI!!!!!" tinulak niya ang lalaki sabay nagtungo sa pintuan

--------------------------------------------------------------

Please Vote and Follow me ✌✌✌

@DancingFucker💋💋💋

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon