~~~*~~~

9K 133 8
                                        

Dali-dali siyang nagtungo sa sala at kinuha ang inutos ni James sa kanya. Hinanap niya muna iyon bago tiningnan kung ito ba. Nang mahanap niya ang kandila ay agad siyang mapaisip kung ano ang gagawin ni James sa kandilang pinapakuha niya, pero iwinaglit niya lang iyon sa kanyang isipan dahil sa baga maygagawin siya pagkatapos kumain.

Pagkarating niya sa loob ay nakita niyang nagtatawanan ang dalawa pero pinagsawalang bahala lamang niyang ang kanyang nakikita. Nakita niyang hawak ni James ang lighter, pero napangiti naman siya nang biglang balingan siya ni James at tinitigan na siya namang ikinatuwa ni Shaira.

Ngumuti si Shaira kay James pero hindi nagalit ang lalaki sa kanya, dahil sa ilang taong pagsasama nila ni James ay ayaw nito na nakikita si Shaira na ngumiti. Kinuha ni James ang kandilang hawak ni Shaira pero iniwas na nito ang pagtitig sa dalaga.

Mariing napaupo si Shaira sa pagitan nila Sharmaine siyang dahilan upang magkaharapan silang tatlo, nakikita niyang masayang nagngingitian ang babae at lalaki, pero siya pasakit ang nararamdama niya sa tuwing nakikita niya ang dalawa

Madali niyang ipinahid ang luha na siyang tumulo sa kanyang mata. Pero pinipigilan niya ang maiyak, ayaw niyang magmukhang kaawa-awa sa harap ni James"thank you nga pala dito babe"napawi ang kanyang atensiyon nang magsalita si Sharmaine pero ang ikinagulat niya nang makita niya ang pink diamond ring na siyang nakita niya sa labahan kamakailan lang nang busisiin niya ang mga labahin ni James. Pero suot ito ni Sharmaine dahil hindi pala ito para sa kanya at hindi din pala ito para kay Donya Carmela

"Your welcome, para sayo ibibigay ko ang lahat"saad ni James bago binigyan nang mapupusok ma halik si Sharmaine

"T-teka!!"napatigil naman ang dalawa sa paghaharotan at mariing niyang tinuro ang singsing na siyang nasa daliri ni Sharmaine" Akala ko sa Mama mo yan"labis namang nagtaka si James sa mga sinasabi ni Shaira dahil sa baka ito nababaliw

"Excuse me!!"tatawa tawang saad ni Sharmaine habang taas kilay itong napahalakhak "James bought me this, cause we are going to get married" may ngiti sa labing saad ni Sharmaine habang si Shaira namang ay parang nawalan nang dugo dahil sa akala at paasa. Dahil sa akala niya okay na sila ni James matapos siyang ngitian kanina, akala niya para sa kanya ang singsing at hihingi ito nang tawad sa mga nagawa niya dahil sa magbabago na ito para sa kanya pero mali dahil ang mga akalang iyon ay siyang nagtulak sa kanya sa bangin na puso nang pait at pasakit

Hindi niya naramdaman ang pagagos nang kanyang luha bagkus ay napahawak na lamang siya nang bibig at patakbong umakyat nang hagdanan patungo sa kanyang kwarto. Pagpasok niya sa kanyang kwarto ay agad siyang napahagulgul labis niyan pinagsisihan ang mga akala niya na siyang dahilan upang mabalot siya nang sakit "Bakit ang tanga-tanga ko"patuloy parin siyang napahgulgul sabay sabunot sa kanyang sarili

Tulala parin si Shara sa kanyang nalaman kanina, hindi siya makatulog at patuloy paring tumutulo ang kanyang luha pero hindi niya magawang pigilan iyon.

Dahil kung ang puso na mismo ang masasaktan, hindi mo na mapipigal ang iyong luha kundi ang punasan

-------------------------------------------------------------------

Please vote and follow

Promise naiyak talaga ako sa ginawa ko. Feel na Feel ko ang story habang nagsusulat  naku naman!!!

By:DancingFucker

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon