Ayaw niyang lapitan ito dahil nahihiya siya sa ginawa nito sa lalaki, pero bahagya siyang napaurong ng lumapit ang lalaki sa kanya ngunit kinakabahan siya ng lapitan siya nito dahil sa seryoso ang mukha nito
Pero nang makalapit si Fred sa kanya ay mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata at handang tanggapin ang mga sampal ni Fred sa kanya. Tama lang nama sa kanya iyon dahil sa ginawa niyang kagaguhan sa lalaki. Pero ilang sandali pa ay wala siyang naramdaman ni isang matigas na kamay ang siyang dumapo sa kanyang pisngi kaya mariin niyang naibuka ang kanyang mata na siyang dahilan upang yakapin siya ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Shaira sa ginawang pagyakap sa kanya ni Fred.
Pero akma na sanang lalayo si Shaira dahil hindi tama ang ginagawa nila, gusto niyang sa oras na to ay maging totoo siya sa nararamdaman niya. Ayaw na niyang magsinungaling sa lalaki, ayaw niyang paasahin pa ito. Hindi niya nagawang ilayo ang sarili niya mula sa pagkakayakap rito dahil sa nagmatigas si Fred
"Pwede bang kahit sa huling pagkakataon ay mayakap kita" naramdaman niya ang maiinit na luha na siyang nagsibabaan sa kanyang balikat dahil sa manipis ang suot na damit ni Shaira kaya agad niyang naramdaman ang init ng mga luha ni Fred, hindi napigila ni Shair ang mapaluha sa narinig niya sa lalaki. Naging mabait sa kanya si Fred ni kahit ni isa ay hindi siya sinaktan nito, kaya madaling nahulog ang kanyang loob sa lalaki pero hindi niya ginustong manumbalik muli ang nararamdaman niya para kay James pero puso na niya mismo ang siyang nagtulak sa kanya upang mahalin na niya muli ang lalaki
Siguro tadhana na mismo ang siyang gumagawa ng paraan para sa kanila ni James "I'm so sorry" hagulgul ni Shaira habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Pero walang ibang ginawa si Fred kundi ang hagorin lamang ang likoran ng babae
"Shhhh" mariing aniya ni Fred kasabay nang pagharap niya kay Shaira "you don't have to say sorry" dagdag niya pa rito
"Pero malaki ang naging kasalanan ko sayo, sorry" walang tigil na aniya ni Shaira habang si Fred naman ay pinupunasan ang luha ng babae
"Alam kong mahal mo parin siya, kahit masakit ay tatanggapin ko" mariing napahawak si Fred sa mga kamay ni Shaira "sa sandaling panahon na nakasama kita ay naging masaya ako. Pinuno mo ng kasiyahan ang puso ko"
Mariing napatigil ng pagiyak si Shaira at mariing nakikinig sa mga sinasabi ni Fred sa kanya
"Pero ang lagi mong tatanodaaan ay nandito lang ako palagi sa tabi mo kaya handa kitang pakawalan para sa ikaliligaya mo. Kahit masakit pero kakayanin ko makita lang kitang masaya" matapos noon ay napayakap si Shaira sa lalaki habang may mga luhang tumutulo sa kanyang mata.
Isang mahabang yakapan sa pagitan nilang dalawa na tilay hindi nila alintana ang mga taong napapatingin sa kanila. Pero naramdaman niyang tumunog ang kanyang telepono sa pagaakalang mga police na iyon pero unknown number ang nakatatak. Kaya sinagot niya iyon sa pagaakalang mga police ang tumawag sa kanya, pero nang sagutin niya iyon niya iyon ay nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig niya ang boses ng kanyang dalawang anak
Please Vote and Follow me
@DancingFucker

BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife