~~~*~~~

9.3K 85 0
                                        

Buong araw niyang hinihintay si James dahil sa gusto niya itong makausap, dahil nagbabaksakali siyang mapaguusapan nila ni James ang problema nila ngayon, ngunit gabi ay wala paring James ang nagpapakita sa kanya. Hindi parin siya kumakain dahil sa wala itong ganang magluto ngunit kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura

Ilang araw nang nagaalala si Fred kay Shaira dahil sa hindi na niya ito nakakausap sa telepono. Hindi na niya naririnig ang boses nang dalaga dahil sa bawat galaw niya ay si Shaira ang palagi nitong naaalala, ni hindi ito makatulog nang maayos

Kanina niya pa tinatawagan ang telepono ni Shaira ngunit walang hindi siya sinasagot nito, nagaalala na siya dahil ilang araw na niyang kinokontak si Shaira at ni kahit 'hi' o 'hello" man ay wala siyang naririnig mula dito

Napasabunot na lamang si Fred sa kanyang sarili, mali ba ang magmahal nang isang tao. Dahil kahit anong pigil sa nararamdaman nito ay hindi niya magawa, pilitin niya mang alisin sa isip si Shaira ay talagang mukha nang babae ang nakikita niya kahit saan

"Shaira, answer your phone!"pero wala parin, bigo siyang naghintay na may sumagot sa kanyang tawag. Mariing napaupo si Fred sa sofa na nasa kanyang Condo unit at mariing napatitig sa kesami sabay ipinikit ang kanyang James

Halos hating gabi na pero wala parin si James sa bahay pero si Sharmaine ay kanina pa umuwi at tinanong pa siya kung nasaan si James pero iling lang ang nakuhang sagot ni Sharmaine kay Shaira

Matapos magluto ni Shaira nang haponana para kay Sharmaine ay agad siyang nagtungo sa labas upang pumara nang taxi. Nagkasagutan pa nga sila Shaira at Sharmaine dahil sa pilit siya nitong pinaluluto nang haponan na siya namang ayaw ni Shaira

Nang makapara siya nang taxi ay agad niya tinungo ang bar kung nasaan palagi si James pag wala sa bahay. Dahil sa palagi nitong sinusubaybayan ang asawa kung saan man ito mag punta kaya madali lang para sa kanya ang hanapin ito

Nang makapasok siya sa loob ay agad niyang kinausap si Arman na siyang may ari nitong bar. Alam niyang kilala na siya nito dahil sa magkaibigan sila ni James dahil kasama siya nito nang magbakasyon sila sa Boracay

Nang makalapit siya kay Arman ay agad niyang tinanong ang lalaki "nasaan si James?"hingal nitong tanong sa lalaki pero tanging iling lang ang natanggap niya pero hindi siya naniwala dahil sa alam niyang tinatago lang nito si James. Agad siyang napatalikod upang tunguin ang kwarto nitong bar pero na papikit siya nang muntik na siya mabangga nang isang lasing

Pero laking pasalamat niya nang may humila sa kanya na siyang dahilan upang makaiwas ito at manatiling nakayakap sa lalaki

-----------------------------------------------------------

Please Vote and Follow me💋💋💋

✌✌✌

Devastated Wife[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon