5 years later
"Mommy, I wanna go home"pagmamaktol nang anak ni Shaira habang busy ito sa kakatipa nang kanyang laptop, agad niya naman ito binalingan upang pansinin ang anak. Napangiti na lamang siya nang makita ang mukha nito sa sobrang bagot na bagot
"Come here, baby"agad namang nagmamadaling lumapit ang anak ni Shaira sa kanya na may ngiti sa labi. Alam ni Shaira na gusto lang nitong mapansin ang kanyang anak kaya nagaaya itong umuwi nang bahay. Kinurot niya ang kanyang anak na siyang replika nang kanyang mukha. Tanging ilong lang ata ni James ang namana ni Claudette sa kanya
"Claudette, diba I told you already--"hindi na natapos ang sasabihin ni Shaira nang bigla na lamang nagsalita ang kanyang anak
"that you are busy so I behave"dagdag ni Claudette sa dapat sasabihin sana ni Shaira, nakasimangot naman ang kanyang anak dahil sa inip na inip na talaga ito "you keep on typing your laptop and accepting call the whole day"pagmamaktol niya na naman na siyang dahilan upang mapangiti na lamang si Shaira sa iniasal nang kanyang anak.
Labis namang naman ni Claudette ang ugali ni James kay di magkakailang naaalala niya ang dating asawa minsan. Ilang taon na silang naninirahan sa Amerika dahil sa kagustuhan nang kanyang ama. Siya ang nag mamanage nang isang branch nila dito sa Amerika habang ang kanyang ama naman ay kung saang lupalop nang mundo napunta "when si lolo coming back?"mahinang tanong ni Claudette sa kanyang ina pero agad namang napiisip si Shaira kung kailangan nga ba uuwi ang kanilang lolo
"Maybe next week"masiglang usal ni Shaira, na siyang dahilan upang bumalik ang sigla nang kanyang anak. Nakita niya itong patalon talon sa sahig nang opisina ni Shaira. Halos dalawang beses lang kasi umuuwi ang ama ni Shaira sa bahay kaya sabik na sabik ang kanyang anak na makita ang kanilang pinakmamahal sa lolo
"lolo is going back...... lolo is going back...." pakanta kanta si Claudette habang patalon talon ito sa sahig, ngiti na lamang ang tanging nagawa ni Shaira nang titigan niya ang kanyang anak na masayang masaya. Si Claudette ay isa sa mga dahilan kung bakit nakakangiti parin si Shaira, iniwan man nila si James pero hindi niya iyon pinagsisihan dahil wala siyang magagawa kung ang puso ni James ay hindi pala para sa kanya.
Mariin na lamang niyang tinapos ang mga kailangan niyang taposin, hindi man siya nakapagtapos nang pagaaral ay hindi iyon hadlang para hindi siya makapagtrabaho. Ilang oras na ang lumipas ay nakatulog na si Claudette kaya wala nang mangungulit sa kanya na umuwi. Mariin na lamang si Shaira na napakamot sa kanyang sentido dahil sa mababa na naman ang sales nila sa branch sa Pilipinas kaya napahilot sa kanyang sintedo. Kailangang malaman ito nang kanyang papa upang matugonan nang aksyon baka ito pa ang dahilan upang malugi sila dahil lang sa isang mansa nang kanilang negosyo.
Alas tres palang nanghapon pero hindi parin niya natatapos ang kanyang mga gawain, dahil pag iniwan na naman niya itong nakatambak sa kanyang mesa ay baka bukas wala na siyang maupoan dahil sa puno na nang mga folder ang table niya. Tinatad-tad siya nang kanyang ama nang trabaho dahil siya lang naman ang tanging tagapagmana nang kompanya nang kanyang ama dahil sa siya lang ang nagiisang anak.
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife