Matapos nang isang araw na pagto-tour ni Shaira sa kanyang Special na visitor kamo ay inaya siya nitong samahan siya mamayang gabi sa fire dance na magaganap sa tabi nang dagat. Pero hindi nakatanggi si Shaira dahil sa malaki ang binayad ni James sa kanya
“Ang laki naman nito Sir.” gulat na pahayag ni Shaira dahil sa binigyan siya ni James nang limang libo “tinatae niyo ba sa inyo sir ang pera?”usal ni Shaira na siyand dahilan upang mapatawa ang binata na siya namang ikinakunot nang nuo nang dalaga
“ikaw talaga” mariin niyang ginulo ang buhok ni Shaira habang tinitingnan nang dalaga kung ano ang gagawin niya sa pera dahil sa malaki ito masyado “malaki ang binigay ko dahil sasamahan mo ko mamayang gabi”saad ni James na siyang dahilan upang agad mapaatras si Shaira.
“A-ano po?, mamayang gabi” bahagyang pinamulahan ni Shair si James dahil sa sinabi nang lalaki kaya hindi nakaiwas ito sa paningin ni James na sinyang dahilan upang mapangiti ang binata.
“Oo, mamayang gabi. Diba sabi mo kanina may Fire dance jan sa tabi nang baybayin mamaya?”saad ni James habang pinipigilan ang matawa dahil sa baka mali ang iniisip nang dalaga sa sinabi niya kanina. Tumango nalamang ang dalaga sa kanya bilang pagsang ayon sa pagpayag niya sa pagsama sa fire dance mamayang gabi.
“tol, ako na ang bahala kay Shane”hindi mapakali si James dahil sa andito na naman ang asungot niyang kapatid upang sirain ang happy vacation nito, kani-kanina lang ay kakarating lang ni Shane galing manila upang sundan ang kuya nito dahil sa nalaman niya mula sa kanyang magulang na nandito si James sa aklan upang magbakasyon.
BINABASA MO ANG
Devastated Wife[COMPLETE]
RomanceHindi mo man kayang tumbasan ang pagmamahal ko, pero kaya kung gawin ang mahalin mo ko The Revenge of a Wife
![Devastated Wife[COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/131673259-64-k803900.jpg)