1:JOYCE

5.9K 115 2
                                    

Bata pa lang ako ng maranasan ko ang pagmalupitan ng mayamang pamilya ng tatay ko.Anak ako sa labas ni tatay.Kaya naman ganun na lang ang pagkamuhi sa akin ng asawa at anak niya ng malaman nilang nagkaanak si tatay kay nanay.Dati kasing kasambahay si nanay sa pamilya ng naging asawa ni tatay.Nagkakilala sila duon habang dumadalaw si tatay sa pamilya ng babaeng pilit pinakasal sa kanya ng mga magulang nya.

"Walang hiya kang babae ka,malandi ka!Lumayas kayo ng anak mo.Ang kapal naman ng mukha mong tumuntong dito matapos mong ahasin ang asawa ko!Malandi...Mang aagaw ng asawa!_Mrs. Clemente.Asawa ni tatay.Nagpunta kami sa burol nuon ni tatay.

"Parang awa nyo na Mrs.Clemente,Gusto lang makita ng anak ko ang tatay nya kahit man lang sa kahuli hulihang pagkakataon.Pakiusap po._Nanay.
Halos lumuhod na ang nanay sa pagmama kaawa pero hindi pa din kami pinapasok sa loob para masilayan man lang si tatay.

"Ang kapal ng mukha mo!Gusto mo pang mag eskandalo dito at ipahiya ang burol ng asawa ko?Lumayas kayo ngayon din ng anak mo at wag na wag kang magpapakita sa akin kahit na kelan!Layaas!_Mrs Clemente.
Nandudumilat sya sa pagsigaw kay nanay at pilit kaming pinagtutulukan

"Mrs.Clemente,pakiusap naman po.Kahit na ang anak ko na lang.Sya man lang sana,makita at masilip ang tatay nya sa kahulihulihang pagkakataon man lang._Nanay.Pero wala na kaming nagawa ng ipakaladkad kami sa mga tauhan nila papalabas ng burulan.

Hindi pa dun nagtatapos ang kahihiyang inabot namin sa pamilya ni tatay,
Ilang buwan matapos ang libing niya,Pilit naman kaming pinaaalis sa bahay na binili ng tatay para sa amin nuong nabubuhay pa sya.

"Amin ang bahay at lupa na ito.Ito lang ang kaisa isang alaala namin kay Jose kaya magkamatayan na hindi kami aalis dito._Nanay.

"Hah!Ang kapal din naman talaga ng mukha mong ahas ka noh?Alam mo bang pera ko ang pinambili ni Jose sa bahay na ito,kaya wala kang karapatang tumira dito dahil ni isang kusing wala kang naiambag dito!Kaya lumayas kayo ngayon din kung ayaw nyong sa kulungan kayo puluting mag ina!_Mrs.Clemente.Agad syang pumasok sa bahay namin at saka pinaghahagis amg mga damit namin sa labas.

Wala namang nagawa si nanay kundi ang pulutin ang mga damit naming nagkalat at saka kami luhaang umalis sa bahay na yun.
Habang papalayo kami sa bahay na kinalakihan ko,unti unti ding nabuo sa mura kong isipan ang galit at pagkamuhi para sa pamilyang umalipusta sa amin ni nanay.

Natira kami sa malayong kamag anak ni nanay na si tiya Dolores,Meron syang anak na babae na halos kapatid na din ang turing sa akin.Si ate Zeny.Pero namatay sa aksidente si Tiya Dolores at kami na lang din ang itinuring na pamilya ni ate Zeny.

"Ate Zen,Pagkatapos mo dyan sa binabasa mong magazine ako naman ha.
Meron kasi akong inaabangang fashion article dyan.Tungkol sa latest fashion every month._AKO.Mahilig kasi ako sa magagandang damit.Kaya nga din plano ko sanang mag apply sa mall bilang saleslady.Pero ayaw ako payagan ni nanay magtrabaho na,mag aral daw muna ako.

"Oo pagkatapos ko sayo na.Bakit di ka na lang mag modelo Joyce,Maganda ka naman at matangkad?Malay mo maging daan pa yun para yumaman ka._Ate Zen.Magkatabi kami sa upuan habang nagbabasa sya.

"Hahahaha.As if naman makakapasa akong model ate?Gumising ka nga!
Maganda lang ako sa paningin nyo ni nanay,pero sa ibang tao wala akong ka dating dating ate.Ni wala ngang nagkakagusto sa akin eh.__Ako.

"Asus,pa humble pa toh!Hindi ka lang kaputian gaya ng iba pero maganda ka.At saka anong walang nanliligaw?Anong tawag mo dun sa mga ka klase mong padala ng padala sayo ng mga bulaklak aber?_Ate Zen.

"Mga nanti trip lang yung mga yun.Palibhasa walang magawa sa mga pera nila kaya kung anong maisipang bilhin,gastos dito gastos duon._AKO.
May mga kaya kasi ang mga ka klase ko sa college,kaya lang haters ako ng mayayaman kaya hindi ko sila pinapansin lahat.Para sa akin,sila yung mga taong wala lang magawa sa kayaman nila kundi maglaro sa damdamin ng kapwa.

"Alam mo ang bitter mo sa mga mayayaman.Hindi naman lahat ng taong de kotse,kagaya nung maldita mong madrasta.May mga mababait din naman.Nagkataon lang na naka angat ngat sila sa buhay pero may mababait pa din naman._ate Zen.

"Kagaya nino?Si Mrs.Robles na nakapag asawa lang ng Briton,kaya hindi na namamansin sa atin?O kaya ni Mrs.Ong na nung nalaman na anak ako sa labas,hindi na tayo pinautang dahil baka daw ahasin din ni nanay yung asawa nya?Baka naman si Mr.Ventura na de kotse nga pero manyakis naman at muntik na akong hipuan nung nag aapply ako sa hardware nya._AKO.
Ilan lang yan sa mga naging karanasan ko sa mga mayayamang tao.

"Joyce,Naiintindihan kita sa nararamdaman mo.Pero hindi ka dapat nagtatanin ng galit sa kapwa.Masakit sa damdamin,mabigat sa puso at malungkot kapag dinala mo sya sa dibdib.Gawin mo syang inspirasyon para magtagumpay hindi para pasanin.I enjoy mo ang buhay habang bata kapa._Ate Zen.Totoong parang ate ko na sya talaga.

Kung kelan sana gusto ko ng kalimutan ang masamang nakaraan sa buhay namin at mag move on na,Saka naman dumating ang masamang balita.
May sakit na diabetes ang nanay at kapag hindi ito naagapan,maaaring mauwi sa seryosong sakit at kumplikasyon.Kaya naman ng matigil si nanay sa pagta trabaho sa pabrika,Napag pasyahan kong magtrabaho na lang at wag ng magpatuloy sa pag aaral.

"Anak,Pagpasensyahan mo na ang nanay ha.Hindi na nga kita mabigyan ng maayos na buhay,nadagdagan kapa ng suliranin dahil sa pagkakasakit ko._Nanay.Kagagaling lang namin sa hospital.

"Nanay naman,wag ka pong magsalita ng ganyan.Walang may gusto na magkasakit ka.Wag kang mag alala,kakayanin natin tong lahat ng magkasama.Hinding hindi kita pababayaan nay._AKO.Saka ko sya mahigpit na niyakap.

"Pasali naman sa yakapan na yan.Namiss ko tuloy ang nanay ko bigla.Wag kang mag isip ng kung ano ano nanay Josie,Andito kaming dalawa ni Joyce para alagaan ka.Walang imposible kapag sama sama at nagtutulungan.
Dapat fight lang ng fight!_Ate Zen.Saka sya nakiyakap na din sa amin ni nanay.

"Salamat mga anak.Salamat sa lahat ng tulong nyo.Wag kayong mag alala sa akin,fighter ang nanay nyo.Kahit na ano pang pag subok ang dumating sa atin,never akong susuko.Ayoko pa kayong iwan hangga't hindi ko pa kayo nakikitang nasa maayos na kalagayan._Nanay.

"Ay naku nay tama ka dyan!Iintayin pa nating maging sikat na modelo itong si Joyce.At saka magkakaroon kapa ng madaming apo na ke gaganda at gwapong mga bata sa aming dalawa.hihihi._Ate Zen.

"Ate talaga,Apo kaagad?Matagal pa yun mangyayari noh.Kay nanay lang ako magpo focus at sa pagta trabaho.Wala akong time sa love love na yan.
Ikaw kasi,palagi kang nakatitig sa crush mong si kuya Pol hindi ka naman pinapansin.At lalong hindi matutupad yang pag momodelo na sinasabi mo dahil wala akong dating sa tao._AKO.

Hanggang sa matanggap akong Saleslady sa isang sikat na mall sa Makati.
Ang CK mall.At dahil qualified ako as a sales supervisor,agad akong napromote.Dun ko nakilala at naging kaibigan sila Dess at Sally.Kagaya ko lang din silang simple lang sa buhay.

Kung si Dess ay masayahin at pranka, si Sally naman ay tahimik lang pero palaban din sa buhay.Kaming tatlo yung magkakaibigan na masaya na kahit ano lang ang pagsaluhan at mababait na anak at kapatid.Kaya siguro kami naging magkakasundo,lahat ay gagawin para sa pamilya.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon