Hindi ko maintindihan ang sarili ko this past few days...
Bakit ba ganun na lang ang concern ko para kay Joyce at sa pamilya nya?
Sanay akong tumulong sa mga nangangailangan,Pero hindi hanggang sa punto na pati sa hospital at sa doctors fee,iisponsoran ko pa din."Terry,Salamat ha.Buti na lang nakontak kaagad kita.Nasa meeting daw kasi si Joyce kaya hindi ko makausap.Pero naibilin ko na naman sa kaibigan nya na dito na sya dumiretso pag uwi nya._Ate Zen.
Kinontak nya ako mula sa bahay nila at sinabi nga na muli na namang umatake sa sakit nya si nanay Joy.May isang lingo na din mula ng na confine sila sa PGH"Wala pong anuman yun ate.Mabuti nga at ako kaagad ang tinawagan nyo para naman hindi na masyadong mag alala si Joyce.
Wag kang mag alala ate,mahuhusay ang mga doctor dito kaya hindj nila pababayaan si Nanay Joy._AKO.Saka naman pumasok sa loob si Joyce na halata ang pag aalala."Ate,Kamusta ang nanay bakit inatake na naman ng sakit nya,Anong sabi ng doktor?_Joyce.Nasa mukha ang pagod pero pilit pa ding nagpapakatatag.
"Don't worry Joyce,Okey lang ang Nanay mo.Naipaliwanag na din ng ate mo ang history ng sakit nya kaya madali naman syang naasikaso ng mga doktor._AKO.Tinapik ko sya sa balikat.
"Bakit nga pala andito ang nanay,Mahal ang bayad dito ah?Ate,Bakit hindi mo sa PGH dinala?Naka private room pa tayo.Papanong natignan ang nanay ng walang bayad?_Joyce.Saka sya lumapit kay nanay joyce na nagising na.
"Si Terry ang nagdala sa akin dito.Ang sabi nya hindi naman daw mahal ang bayad dahil may sponsorhip.Mas malapit pa ito sa trabaho mo kaya hindi ka masyadong mahihirapan._Nanay Joyce.Tumingin sa akin si Joyce at saka sumenyas na sumunod sa kanya sa labas.
"Ahhh,Ehhhh Nay Joy,Ate Zen...Sa labas lang po muna kami ni Terry.
Nagugutom po siguro kaya sasamahan ko na muna kumain._AKO.
Tumango naman si Nanay at saka ako agad sumunod kay Joyce sa lobby."Talaga bang gusto mong binabaon ako sayo sa utang?Ang dami dami namang public hospital na nagkalat sa buong metro manila pero bakit dito pa sa mahal na hospital mo dinala ang nanay?May porsyento ka ba dito kaya dito mo paboritong dinadala lahat ng pasyenteng nakikilala mo?
_Joyce.Saka sya napahinto sa pagsasalita ng may dalawang doktor na dumaan."Joyce,Let me explain okey.As if i had a choice.Wala akong ibang alam na hospital na makaka discount ako ng malaki at hindi na mahihirapan pa si nanay Joy magpalipat lipat pa habang inaatake sya sa sakit nya.
Kasama ko si ate Zen kanina sa pagdala dito kay Nanay Joy,At nakita ko na sobrang nahihirapan na sya kaya wala akong choice kundi dalhin sya sa pinaka malapit na hospital._AKO.Nakatitig ako sa mga mata nya habang nagsasalita.Para maramdaman nyang concern ako talaga sa kanila."Wala na akong magagawa pa,Andito na to eh.Tama ka naman,Ang layo pa ng PGH,Kung emergency na talaga at buhay na ang nakataya,Iisipin pa ba kung mahal o pang mayaman ang hospital._Joyce.Saka sya naglakad na ulit papasok sa room ng nanay nya.Hinawakan ko sya sa braso kaya napahinto sya sa pagpasok sa room.
"Kumain kana muna ng hapunan bago ka bumalik sa kwarto.
Sinabi ko kasi sa kanila na sasamahan kita kumain.Para na din pag palit mo kay Ate Zen dire diretso na sya sa pag uwi nya._AKO.Saka sya nauna na maglakad papunta sa canteen ng hospital.Sumunod naman ako sa kanya."Papano nga pala kita mababayaran?Sa bangko na ba o sa ATM na lang?
Pwede din namang ipadala ko na lang sayo thru express.
Every sweldo ko na lang para makabawas bawas ako sa mga utang ko sayo
_Joyce.Saka sya kumain ng mabilis para makabalik na sa kwarto."Kung saan ka mas komportable,okey naman sa akin eh.Anyways,hindi pa naman ako naniningil.Pero since ininsist mo na magbabayad ka,Sino nman ako para tumanggi.Kung gusto mo,sa bank mo na lang idiretso.I'll give you my bank account number._AKO.Kahit naman di kasi ako maningil,alam kong ipipilit nya pa din magbayad sya kaya binigyan ko na lang sya ng option na mas madali para sa kanya.
Sinadya ko din na dito sila dalhin para mas komportable sila parehong mag ina.Nung huli ko kasing dalaw sa ward nila,nag CR ako sa toilet and nakita ko na kahit mga lalaking bantay,dun nakiki CR sa mga pang babae.Naisip ko na dun nga pala naliligo sa umaga si Joyce bago pumasok,kaya nag aalala ako para sa seguridad nya.
Isa pa,wala ding kama para maka higa ng komportable yung bantay."Nakausap ko na nga po pala yung doctor na naka assign sa inyo,Wala daw po kayong aalalahanin dahil maayos naman daw po ang kundisyon ng puso nyo.Basta wag lang daw po kayong mag isip ng kung ano ano para hindi makasama sa puso._AKO.Nakabalik na kami sa room at nakauwi na din si Ate Zenny sa kanila.
"Salamat ng marami sayo Terry.Napakalaking abala ng ginawa namin sayo.Pasensya kana din kung ikaw pa ang natawagan ni Zeny para hingan ng tulong,Alam ko namang busy ka sa trabaho mo._Nanay Joy
"Wala pong anuman yun Tita,Ang importante po ay maging okey kayo.
Wala po kayong aalalahanin dahil malaki laki din pong discount ang nahingi ko dito kaya unti lang ang bayarin.Magpagaling po kayo kaagad at magpalakas._AKO.Saka ako lumingon kay Joyce na nakatingin lang sa labas ng bintana habang nakikinig sa pag uusap namin ng nanay nya.
Alam kong kahit hindi man nya sabihin,Nag aalala sya sa kalagayan ng nanay nya ngayon."Joyce anak,Ikaw na muna ang bahala sa kaibigan mo at ako'y iidlip na muna.Terry,Salamat ulit sa tulong ha.Mag iingat ka din sa pag uwi.
Kapag nakakainum ng gamot,madali akong antukin talaga._Nanay Joy"Yes po Tita,Salamat din po.Sweetdreams po._AKO.Actually hindi ako masyadong magamit ng po at opo sa kausap ko.Pero dahil palagi kong nadidinig si Joyce na nangongopo sa mga kausap nya,sinasanay ko na ding gumamit ng po lalo na kapag kausap ko ang nanay nya.
"Nagpapasalamat ako sa lahat lahat ng naitulong mo sa amin lalong lalo na sa nanay ko.Isang bagay lang sana ang hihilingin ko sayo at sana'y tuparin mo...Nakikiusap ako sayo na ito na sana ang huling beses na tutulungan mo kami.Bago pa tuluyang mabaon ang pamilya ko sa pagkakautang sayo,Ito na din sana ang huling beses na mag uusap tayo._Joyce.
"Pero bakit naman?Wala naman akong hinihinging kapalit sa mga ginawa ko.At saka gaya nga ng sabi ko,hindi naman ako ang sponsor sa pagpapagamot sa nanay mo,May mga private charity institution akong sinasalihan kaya kapag may nangangailangan,dun ako lumalapit para hingian ng tulong._AKO.
"Nanay ko ang may sakit,Pamilya ko.Kaya ako ang dapat gumawa ng paraan para sa sa kanya.Naa apriciate ko ang lahat ng tulong mo,malaking bagay para sa amin ang maganda at mamahaling silid at hospital gaya nito pero alam ko kung hanggang saan lang kami dapat lumugar.
Sa susunod na makialam kapa sa pagpapa Ospital ng nanay ko,Hindi na ako basta mananahimik lang._Joyce.This time galit nga talaga si Joyce sa akin.Sabagay,sino ba naman ang maniniwala na walang malaking halagang involve sa pagpapagamot sa private hospital kahit pa sabihing may sponsor.Alam kong alam ni Joyce na malaking pera ang inilabas ko para sa nanay nya.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...