3.JOYCE

2.1K 62 0
                                    

"Miss Mercado!Bakit ba mali na naman itong report na ipinasa mo?Kelangan pa bang ulit ulitin sayo na bago mo ibigay sa akin,dapat chini check mo na muna ng maige?_Mrs.Madrid.Managing Supervisor/head namin dito sa mall.

"Pasensya na po ma'm,hindi ko na po lahat na review.Sinabihan ko naman na po kasi sila na paki ayos naman ang report nila bago ipasa sa akin._AKO
Dahil ako ang incharge sa pagsa submit ng monthly report namin sa sales ako palagi ang napapagalitan kapag may mga mali sila.

"Look here Miss Mercado.Alam ko na madami ka ding problemang iniisip,Pero sana naman kapag oras ng trabaho maging attentive at naka focus ka.
At kahit na isa man sa mga kapwa bisor mo ang may pagkakamali,
obligasyon mong irebisa lahat ng report nila._Mrs.Madrid.Saka ako lulugo lugong lumabas mula sa opisina nya.

Sa totoo lang kaninang umaga pa hindi maganda ang pakiramdam ko.
Mula kasi sa pagbabantay ko sa hospital kay nanay,dito na ako kaagad dumiretso sa trabaho kahit wala akong tulog masyado.

"Joyce,Ayos ka lang ba talaga?Pwede ka naman naming ihatid kung gusto mo.Bago ka dumiretso sa Hospital,magpahinga at umidlip kana muna sa bahay nyo._Sally.Sabay sabay kaming magkakaibigan na lumalabas ng mall tuwing uwian.Kanya kanya kami ng abang ng jeep dahil sa mag kakaiba kami ng rutang inuuwian.

"Oo nga naman Joyce,Para kasing any moment tutumba ka na lang eh.
Ihahatid ka na namin tutal maaga pa naman oh._Dess.Masayahin at mapagbiro si Dess kaya naman natural sa kanya ang pagiging malambing.
Agad nya akong inakbayan habang naglalakad kami.

"Ano ba kayo,Sabi ng ayos nga lang ako.Kayang kaya pa.Umuwi na din kayo para makapag pahinga.Mas nakakapagod ang maghapong nakatayo kaysa sa aking palakad lakad at paala alalay lang kapag kailangan._AKO.
Hindi naman na din sila nagpilit at saka sila nauna sa akin sumakay.

Naramadaman ko na lang ang pagdilim ng paningin ko at saka ako parang nawalan ng lakas.Bahagya kong nauulinigan ang mga taong nagkakagulo pero wala na talaga akong kakayahan para bumangon pa.

"Doc,Salamat naman po at wala namang grabeng nangyari sa kanya.
Kapag nagkamalay na po ba sya,pwede na syang umalis kaagad o need pa nyang mag stay dito?_Boses ng babae.Dahan dahan kong iminumulat ang mga mata ko at nang nasanay na sa liwanag,Isang anghel ang bumungad sa akin na bakas sa mukha ang pag aalala.

"Asan ako?Bakit andito ako,Anong nangyari sa akin?_Ako.Agad kong nilibot ang mga mata ko sa paligid.Nasa Hospital ako.Dahil sa maputi ang paligid at saka may nakakabit na swero sa akin.

"Miss,Wag ka na munang kikilos.Tatawagin ko lang yung doctor sandali.
_Babaeng anghel ang mukha.Agad syang tumayo at lumabas sa kwarto.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at inalis ko ang nakakabit na karayom sa kamay ko.Pinilit kong tumayo kaagad at saka ako nagsulat ng note para sa babaeng anghel.Hindi na nila ako dapat maabutan pa dito.Wala akong pambabayad sa hospital,At isa pa nag aantay na sa akin si Ate sa hospital.

Mabuti na lang at madali lang akong nakalabas sa loob ng walang nakapansin.Bukod kasi sa hindi naman ako mukhang pasyente,Hindi din naman kasi ako naka pang hospital gown dahil minor lang naman ang sakit ko.Napansin ko na may kalayuan pa pala ang lalakarin mula sa loob ng hospital papalabas.Meron pa kasi syang malawak garden na daraanan at pawang mga de kotse lang ang pumapasok at lumalabas.

"Sa palagay ko Miss,Hindi mo na kakayaning lakarin ang paglabas mo dito.
Tignan mo yung gate na yun,Masyadong maliit pa sa paningin mo hindi ba?Kapag nakarating ka na dun,malamang himatayin ka na naman ulit dahil sa pagod._Angelic face.Saka ko lang sya biglang naalala,Sya yung kaibigan nung cashier dun sa Happybee.

Saka ko biglang naalala si nanay.Malamang kanina pa ako inaantay ni ate Zen sa hospital kaya hindi na ko nag asksaya pa ng panahon at agad akong sumakay sa kotse nya.

"Pasensya kana sa abala,Ang dami ko ng atraso sayo.Hayaan mo at babayaran din kaagad kita sa sweldo ko.Yung sulat na iniwan ko dun sa hospital,Andun yung contact number ko._AKO.Hindi ako makatingin sa kanya ng harapan kaya sa labas ng kalsada na lang ako tumingin.

"Okey lang,Hindi ko pa din naman nababayaran ng full yung bill sa hospital eh.Dont worry,kapag na full payment ko na sya saka ko itatawag sayo kung magkano ang babayaran mo._Angelic face.Sya yung tipo ng girl na parang walang problema kasi lagi lang syang naka ngiti.

"Salamat.Kung pwede sana sa PGH mo na lang ako ibaba.Wag mo na akong ihatid sa bahay namin._AKO.Sa mga oras na ito,hindi ko na muna kailangang pairalin ang pride ko.Ang mahalaga,mapuntahan ko kaagad si nanay ngayon.

"PGH?As in Philippine General Hospital right?Bakit,Sino naman ang binisitahin mo dun ng ganitong alanganing oras?Hindi ka man lang ba muna uuwi para makapag palit ng uniporme mo?_Angelface.

"Hindi na,dun na lang ako magpapalit ng damit._AKO.Hindi na nya dapat pang malaman na may sakit si nanay.Sa lahat ng ayoko,yung kinakaawaan ako at ang pamilya ko.Mabuti na yung wala syang alam tungkol sa akin.

"I hope you dont mind ha,Pero gusto ko lang sana mag ask.Meron bang may sakit sa family mo kaya ganun ka na lang ka worried na maka punta kaagad sa PGH?_Angelicface. Saka ako napalingon sa kanya.Nasa itsura naman nya na mapagkakatiwalaan kaya kahit ayoko sanang magkwento sinabi ko na din.

"Actually,Naka confine kasi ang nanay ko dun ngayon.Yung ate ko naman may mga anak pang papasok bukas at kailangan nyang asikasuhin sa umaga kaya need ko na syang pauwiin at ako na ang magbabantay sa nanay ko._AKO.Sa wakas nasabi ko din.

"Ibig mong sabihin,Pagka galing mo sa maghapong trabaho sa mall sa hospital ka naman didiretso para bantayan ang nanay mo?Ohhh...kaya naman pala hinimatay ka.Kasi nga kulang kana sa tulog tapos pagod kapa sa maghapong pagtayo at paglakad lakad._Angelic face.Saka sya hindi na nag salita hanggang sa makarating kami sa hospital.

"Maraming salamat.Sobrang dami ko na talagang atraso sayo.Babayaran kita,wag kang mag alala.Sige mauuna na ko._Ako.saka ako patakbong pumasok na sa loob ng hospital na hindi na sya nakuha pang lingunin.Bukod sa kahihiyan,ayoko ding makita sa mukha nya ang awa para sa akin.

Naabutan ko si ate na nakapikit na ang mata sa pag aantay sa akin.Agad ko syang tinapik at saka sinabihang umuwi na sya.

"Joyce,Kanina nga pala may reseta na namang bago na inabot yung nurse.
Wala naman akong pera dito kundi pamasahe ko lang pauwi kaya hindi ko nabili.May kanin at ulam ka na din nga pala dyan.Kumain kana muna habang andito pa ako._Ate Zen.Saka ako kumain ng dala nyang gulay at kanin na nasa plasticware.Pasalamat na din ako at may ate akong kagaya ni ate Zen.Kung kami lang ng nanay,mas mahirap sa amin ang sitwasyon.Malamang na hindi na ako makapag trabaho,baon pa kami sa utang.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon