DIABETIC NEPROPHATY- Kidney damage by Diabetes
"You mean to say doc,Na kapag nagpa kidney transplant ang pasyente mas gaganda ang kalusugan nya at mas tatagal pa ang buhay nya?_AKO.
Kinausap ko ang doctor na tumingin kay Nanay Joy.Mula kasi nung huling pagkikita namin ni Joyce sa kanila,Bibihira ko na syang makitang nakangiti.Lalo pa syang namamayat at parang lagi lang malalim ang iniisip."Ganun na nga...Regarding dun sa pasyenteng si Mrs.Joy Mercado,Mas mainam kung maaagapan pa ang paglala ng kidney nya para hindi na sya mahirapan._Doc.Bermudes.Sya yung espesyalista na inirekomenda ko kay Joyce nuon pa.Dati syang nasa GGH pero ngayon ay nagtayo na ng sarili nyang klinika kaya kakilala sya ng pamilya.
"Mga magkano naman po ba ang gagastusin sa pagpapa kidney transplant doc?Possible ba na kahit dito lang sa atin,hindi magdedelikado ang pasyente?I mean,hindi sa tinatawaran ko ang kakayahan ng mga doctor ng GGH pero mas mainam kaya kung sa ibang bansa sya magpa transplant?_AKO.Magaling ang mga doctor sa Bansa pero gusto ko lang din namang malaman ang kabutihang maidudulot kapag mas moderno ang bansa ka magpapa opera.
"Well depende sa inyo yan.Kapag may pera ka at gusto mo sympre ng mas makabagong pamamaraan,mainam sa ibang bansa ka magpagamot.
Pero dito din naman sa atin ay magagaling ang mga doktor kaya wala kang dapat alalahanin kung sakali._Doc.Bermudez.Tumango tango naman ako habang nag iisip."So its between 3 to 4M ang magagastos sa pagpapa kidney transplant kung saka sakali kapag dito sa Pinas gagawin.Malaki laki din pala talaga ang kailangan,lalo pa siguro kapag sa US gagawin._GD.After ko makipag usap sa doktor,agad akong umuwi sa condo ni TOP at naabutan ko si GD na nakatambay.
"Mas mura daw yun kapag inilapit pa sa Philhealth at PCSO dude.
Meron kasi akong staff na nagdadialysis naman yung father nya kaya naikwento nyang may mga lalakarin ka nga daw na mga papers para mabigyan ka ng help from the goverment._TOP.Nag abot sya ng beer sa amin ni GD na nakaupo parehas sa sahig na may makapal na carpet."Madami namang kilalang Charitable Institute si Terry na tutulong sa kanya,Madali lang yun kung gugustuhin ni Joyce na tanggapin ang offer nya.Pero bakit nga ba ayaw na ayaw ni Joyce na hihingi sayo ng tulong ha TERRY?_GD.
"Kasi nga galit sa mayayaman diba?Kahit nga sa atin,napansin mo ba na hindi na din nag iiimik masyado.Parang may distansya na unlike before na nakakabiruan pa natin._TOP.Totoo yun,napansin ko din na unlike Dess at Sally parang iwas na syang magsasama kapag may lakad kami.
"Ang laki din talagang trauma sa kanya yung ginawa nung madrasta nya noh,Isipin mong matagal na yun at hindi pa sya ganun katanda pero para syang sugat na hindi na maaalis yung pilat sa katawan nya.Hindi din natin masisi yung tao._GD.Saka ako napaisip ng malalim.Kung kausapin ko kaya mismo ang nanay nya para madali nilang tanggapin ang tulong ko.
"Wala namang kaso kung lalapit ka sa Elite Terry,Para anu pa at naging myembro ka ng foundation na ito kung di mo magagamit ang posisyon mo para makatulong sa mas nangangailangan._Levi,Founder ng ELITE FOUNDATION FOR A CAUSE.
Organisasyon ng mayayamang tumutulong sa mga nangangailangan.
Nakilala ko sya minsang sumama ako sa pag akyat nila ng bundok, babae sya kapag titignan pero like me,she is also a lesbian.Actually, almost all the members here are closet or mga tagong may karelasyong lesbian or sila mismo ang lesbian na hindi pwedeng magladlad dahil kilala sa lipunan.
Artist,director,anak ng pulitiko,CEO at mga anak ng mayayamang businessman gaya ko."Salamat Levi.Sa totoo lang,nahihiya din kasi talaga akong lumapit sana kasi naman alam kong sa mga nangangailangan tayo mas naka pokus sa pagtulong._AKO.Sa totoo lang,nagdadalawang isip din talaga ako dahil kapag nalaman ni Joyce na ako ang nasa likod nito,siguradong di nya tatanggapin.
"Well,kung makakausap natin ung kamag anak ng pasyente or yung may sakit mismo,malalaman natin ang pwede nating maitulong sa kanya.
Wag kang mag alala Terry,Palaging nakahanda ang foundation natin para sa pagtulong dun sa mga nangangailangan._Levi.
After ng kaunting meeting,nag aya ang grupo para uminum kaya wala naman akong magagawa kundi sumama.Ibang iba ang atmosphere ng lugar na ito kumpara sa karaniwang bar lang.Dahil lahat ay closet,pagdating dito sa SHUT UP BAR,nag iiba din ang pagkatao nila.Lahat ng mga nagtatago,nagiging malaya pag andito sa club na ito.Minsan ko na ding naaya sina TOP at GD dito pero hindi sila nag enjoy masyado.Open naman kasi sila kaya hindi nila kinakailangang magtago pa sa pagkatao nila.
"Hey there Direk,Mukhang malalim yata ang iniisip mo ah!_Nyah.Starlet na kadate ni Roan.Isang singer rapper na closet lesbian.
"Ohhh,hindi naman.Nag iisip lang ng bagong concept para sa bago kong project.Btw,how's Roan?_AKO.Kilalang flirt si girl kaya mas okey na yung hindi ko sya masyadong kausapin.Nakita ko si Roan na may kausap sa kabilang table kaya agad ko syang kinawayan.
"Okey naman sya,look at her.Busyng busy sa pakikipag landian dun sa mga bagong alaga nya._Nyah.Bukod sa singer,may mina manage din syang mga singer wannabe.Maya maya pa ay lumapit na sa amin si Roan at saka mahigpit na yumakap sa akin.
"Direk Terry!Longtime no see ah...Mabuti naman at nagawi ka dito.
Anong bago?Mukhang maganda ang aura natin ngayon ah,may inspirasyon na ba?_Roan.As if may pakialam sya sa lovelife ko,kahit nuon pa man madami na kong nadidinig na sinisiraan nya ako sa ibang tao."Hahahaha.Nag usap lang kami ni Pres kaya ako naligaw dito ulit.
Medyo busy din kasi kaya bihirang maka gimik.Kamusta naman,balita ko may mga bago kang mina manage ah?_AKO.Saka ako napalingon sa table nila LEVI."Yeah,meron nga.Actually,kaya nga din ako lumapit sayo.Baka naman may mairerecommend kang project para sa mga bago kong alaga,kahit hindi masyadong malaki ang exposure basta makilala lang sana._Roan.
Lihim na napataas ang kilay ko.Kaya naman pala ako inapproach dahil may kailangan."Well,wala akong alam na project na naghahanap ng grupo.Pero if ever na meron akong mabalitaan,i let you know._AKO.Mabuti nalang at nilapitan ako ni Pres para ipakilala dun sa iba pa naming ka miyembro kaya hindi na ko muli pang nakausap ni Roan regarding sa nirerequest nya.
"Terry,This is YURI.Isa sa pioneer ng foundation natin sa Taiwan.Actually, malaki laki din ang naidodonate ng Taiwan chapter natin dahil sa kanya kaya naman sobrang thankful ako dito eh._Levi.Tinapik nya sa balikat ung YURI na ipinakilala nya.Tipikal Chinay ang itsura pero hindi liberated kumilos at manamit.Naka corporate attire na halatang nasa mataas na posisyon sa larangan ng business world.
"Nice to meet you Katarina Guillermo.Madami akong nadidinig tungkol sayo,well mukhang tama naman sila sa mga sinasabi nila._Yuri. Shiiit, bakit parang kinabahan ako sa mga ngiti nyang yun sa akin.Agad kong iniabot ang kamay ko para makipag shake hands.
"Well,I hope na hindi naman masama yung mga nadidinig mo tungkol sa akin._AKO.Saka sila nagtawanan sa sinabi ko.
"Hahahaha.Not really.Sabi kasi nila para ka daw anghel dahil sa mahilig kang tumulong sa mga nangangailangan.At saka palagi ka daw nakangiti sa mga tao.Ngayon ko napatunayan na totoo nga pala talaga._Yuri.
Then naramdaman ko nalang ang paghawak nya sa braso ko at saka ako kinindatan ni Levi at iniwan kaming dalawa sa table.Totoong matulungin ako at palaging masayahin,pero tao lang ako at hindi anghel.How can i refuse to ignore these Goddess beside me...
Then saka ko naalala bigla si Joyce at napailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...