30.JOYCE

1.1K 59 2
                                    

Big night ang tawag sa pinakamalaking event dito ngayong gabi sa Casa del Castillo.Bumabaha ng mga imported na alak at mga pagkain.Pati ang mga suot namin,kailangang mamahalin.Puro daw kasi mga bigatin ang bisita ngayon.Huli ng dumating ang may ari ng Casa del Castillo na si Don Emilio Castillo na naka all white suite at saka puting sapatos.Hindi ko naman inaasahan na sya pala ang Ii eskort ko ngayong gabi kaya nagulat na lang ako ng iabot ni Manager Jill ang kamay ko sa Don.

"Napaka ganda naman ng Muse na kasama mo ngayon Don Emilio.Sya na ba ang ipinalit mo sa iyong dating asawa?_Isang may edad na lalaki ang nagtanong.

"Hahahahha.Mabuti nga sana kung ganun lang kadali ang magpalit ng asawa.Alam mo namang hinding hindi makakapayag si Amor na hiwalayan ako dahil sa mamanahin nya kaya gustuhin ko man,hindi maaari._Don Emilio.Para ko na syang lolo kung tutuusin sa edad nyang mahigit na daw sisenta.Nadinig ko lang kanina sa mga nakatinging tsismosa

"Good evening po Sir.Im Joyce Mercado po at ako ang inyong assistant sa gabing ito.Sana ay swertehin kayo ngayong gabi sa paglalaro nyo._AKO.Kailangang lakasan ko ang loob ko at kapalan ang mukha trabahong ginagawa ko para maayos kong maitatawid ang gabing ito na walanb magihing problema.

"Naku di bale ng di manalo sa games,swerte naman ako sa magandang assistant na kasama ko ngayon,hindi ba mga kumpadre?Hahahhaha._Don Emilio.Malakas na tawanan at mga malilikot na mga mata ang kaharap ko ngayon kaya hindi ako masyadong mapalagay pero hindi ako dapat magpahalata.

"Boss,Sir..Tayo na pong pumasok sa loob.Nakahanda na po ang mesa para sa inyo.This ways Sir._Manager ng Casino.Isang pasilyo ang dinaanan namin at saka kami pumasok sa isang sikretong silid.VIP room pala sya kung saan naglalaro ang mga bigating tao kabilang na ang boss/Ceo na si Mr.Castillo.Malaki at maaliwalas ang kabuuan ng silid.Meron ding minibar duon para sa mga maglalaro.Hindi ko lang inaasahan na isang pamilyar na tao ang madadatnan namin duon na nag aantay na sa boss.

"Kumpadre! CEO LEON GUILLERMO!Ikaw na ba yan?hahah matagal tagal din tayo ng huling magkita ah!
Mabuti naman at pinaunlakan mo ang paanyaya ko.Iba na talaga kapag mayaman,bibihira ng maka alala.Pero masaya akong nadalaw mo ako ngayon._Boss Castillo.Saka kumamay kay Mr.Guillermo.Ang daddy ni TERRY.

"Hahahahha.Ikaw talaga Don Emilio,Masyado kang matampuhin.Hindi ako nakakalimot,Nagkataon lang na madami akong inaasikaso sa negosyo kaya hindi na makapaglaro.Alam mo na,Kami lang ni Gina ang nag aasikaso sa negosyo._Sir Leon.Napatungin sya sa akin at saka kumunot ng bahagya ang nuo pero saglit lang at nakangiti na namang nakipag usap sa Boss.

"Syanga pala,Eto si Mr.Nakamoto,Sya ang may ari ng Japanese restaurant dun sa baba ng Hotel ko at sya din ang isa sa mga stock holder nitong casino._Don Emilio.Agad namang kumamay sa kanya ang dad ni Terry.
Bakit ba naman sa dinami dami ng makakatagpo,ang tatay pa ni Terry.
Alam kong namumukhaan nya ako,base sa reaksyon nya habang nakatingin sya sa akin.Hindi nga bat pina imbestigahan nila ang background kong mag asawa kaya pamilyar sya sa akin.

"At ito naman ang lucky charm mo ngayon,si...Ano nga bang name mo iha?
_Don Emilio.Nagulat ako ng bigla nya akong ipasa kay Mr.Guillermo.Of all people,napaka Awkward naman ng sitwasyon ko sa mga oras na ito.Parang gusto ko na lang tumakbo papalabas nitong silid.

"Aba,Sa tingin ko suswertihin ako ngayon dahil may maganda akong assistant.Ano pa ang hinihintay natin kumpadre,simulan na ang session ng makadami._Mr.Guillermo.Agad silang nagsimula na sa paglalaro habang nakaupo ako sa tabi nya.Nakayuko ako at ni hindi ko magawang tumingin sa kanya sa kahihiyan.

"Relax ka lang iha,Hindi ako nangangain.Alam kong naiilang ka pero mas maigi ng ako ang i assist mo kaysa sa ibang tao ka ma assign.Gawin mo lang ang trabaho mo ng hindi ka nahahalatang kinakabahan para hindi ka ma tense._Mr.Guillermo.Mahina nyang bulong sa akin.May mga babae din kasing nag aassist sa ibang manlalaro pero halata mong may mga ibang ibig sabihin ang kanilang mga kilos.

"Maiba nga pala ako Leon,Tungkol sa GGH.Ang balita ko,Nagkaka problema daw kayo ngayong magkakapatid sa hatian,totoo ba ang balita?_Mr.CEO.Hindi ako aware na may ganung isyu pala pamilya ng tatay ni Terry.

"Well,Hindi naman maiaalis ang ganung mga problema.Alam mo na,siblings rivalry...Pero maaayos din iyun kaagad for sure.Ang mga abogado na namin ang bahala duon.Sa palagay ko naman,wala silang magagawa kapag ang anak ko na mismo ang pinag handle ko sa GGH._MR.Guillermo.

"Hahahaha,Ganyan din kami ng kapatid ko nuon.Kaya nag sarili ako ng negosyo para hindi kami magkagulo.Speaking of anak,Kamusta na nga ba ang inaanak kong si Katarina?_Ceo Castillo. Inaanak pala nya si Terry.
Mga bigatin at kilalang tao talaga ang malalapit na kaibigan ng pamilya nila.

"Ayun,hindi sila in good terms ng Mommy nya ngayon.Alam mo naman yung dalawang yun,hindi talaga magkasundo pagdating sa gusto sa buhay.
Pero alam ko namang magkaka yaos din sila in time._Sir Guillermo.Saka sya sumenyas sa akin na ikuha ko sya ng water sa counter bar.Agad naman akong pumunta sa counter at humingi ng water sa bar tender.

"Bakit naman kasi hindi nalang pabayaan ni Gina ang gusto ng bata.Masyado syang manipulative.Nasa hustong gulang na ang inaanak ko
at natural lang na reaksyon yung magdamdam sya sa mommy nya._Don Emilio.

"Pareho naman silang may punto kaya nasa gitna lang ako.Sa nakikita ko naman,hindi magtatagal at magkaka ayos din silang mag ina.Anyways, bakit ba sila ang pinag uusapan natin,Andito tayo para maglibang.Kamusta naman ang negosyong bigas natin Mr.Lopez,Malakas pa din bang kumuha ang Terry's sa inyo?_Mr.Guillermo.Yung katabing lalaki  nya na may malaking rice plantation naman ang kinamusta niya.
At maya maya lang ay nagpaalam na din si Mr.Guillermo sa lahat pagkatapos ng mga tatlong games.

"Salamat sa pag assist sa akin Miss Mercado.Wag kang mag alala,naitimbre na kita sa CEO nitong casino na alagaan ka nila dito.
Mag iingat ka.Hindi lahat ng makaka trabaho mo dito,disente at mabait palagi sayo.Alam ko na importante sayo itong trabaho mo,pero alalahanin mo din sana ang kapakanan at ang sarili mo._Mr.Guillermo.Nakangit nyang payo sa akin.Saka sya sumakay na sa kotse nya at naiwan akong natulala lang sa mga salitang binitiwan nya.Namalayan ko na lang na unti unti na palang pumapatak ang luha ko sa mata.

Saka ko narealize,Hindi basta nagpunta lang dito ang daddy ni Terry para maglibang at mangamusta lang sa CEO ng hotel kundi para i check ang kalagayan ko.Hindi ko alam kung manliliit ako o mahihiya sa kanya.
Alam kong walang masama sa ginagawa ko,pero hindi pa rin magandang tignan at alam kong hindi ako palaging safe sa trabaho kong pinasok.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon