After ng nine months na pagdadalantao...Isinilang din sa wakas ang prinsesa namin na si "Katie Mercado Guillermo"
At dahil ibang lahi ang naging donor ko,Isang napaka gandang bata ang naging anak namin ni Joyce.Mestisa at matangos ang ilong.Maganda din ang kulay ng kanyang mga mata."Ohh gosh,Ang ganda ganda ng apo ko.Parang foreigner!Kamukhang kamukha ng lola nya._Mommy.Sa sobrang excited ni mom na makita kaagad ang apo nya,nakalimutan na nyang mag make up pa.
"Naku naman,Ano bang kamukha mo.Ako ang kamukha.Sa ilong na lang di na nagkakalayo ang ilong namin oh.Tapos may dimple pa,kaya sa akin nagmana ang apo ko._Daddy.Pareho kaming may dimple ni dad,kaya hindi na nakapagtatakang meron din ang anak ko.
"Wag na kayong magtalo mom and dad,dahil ang asawa ko talaga ang kamukha ng anak namin.Look at her,yung shape ng mukha nya parang sa asawa ko lang hindi ba?Tapos ang hahaba ng biyas,model ang datingan.
Kaya sorry na lang pero si Misis ang talagang kamukha ng baby namin._AKO.Tumawa naman silang tatlo sa sinabi ko.Gusto ko lang iparamdam sa asawa ko na kabahagi sya sa kung ano mang pinagdaanan ko.Mula sa pag aasikaso sa akin,pag babantay sa mga kinakain at iniinum ko,paghahatid at pagbabantay sa hospital,pagpupuyat para bantayan ako kapag may sakit ako at sa full support nya sa pagli labor ko."Mahal, mas kamukha mo si baby Katie.Yung dimple nya at saka yung lips nyo pareho.Pati kilay at saka yung pilik mata.Ang ganda ganda nya mahal para syang barbiedoll._Joyce.Bakas sa mga mukha nilang lahat ang kaligayahan gaya ko.Iba pala talaga ang pakiramdam kapag may baby kana,feeling mo fullfilled kana bilang isang babae.
"Ang tagapagmana ng mga GUILLERMO.Napaka gandang bata!_Daddy.
Habang karga nya at pinaghehele si Katie ay bakas na bakas sa mukha nya ang excitement.Naiyak akong makita silang maglolo sa ganung senaryo.
Parang ako lang nuong bata pa ako,madalas din akong kinakarga ni dad at proud na ipinagmamayabang sa mga kamag anak namin at mga kasosyo nya."Ako naman ang kakarga sa apo ko,Masyado ka ng abusado anoh. Ano prinsesa ko,Sa akin ka na lang ha.Hindi natin sila bati,tayong dalawa lang ang magkakampi palagi ha apo ko.Naku,excited na kong umuwi tayo sa Pilipinas at makita mo yung magiging room mo._Mommy.Habang andito kami,pinarenovate nya ang magiging room ni Katie at base sa kwento ni daddy,mala fairytale daw ang itsura ng magiging kwarto ng anak namin.
"Mom,baka naman lumaking spoiled yang anak namin.Hindi naman pupwedeng kahit na mali na yung anak namin ay kukunsintihin mo ha._AKO
Nakikini kinita ko na kasi na malamang na lalaking spoiled ang anak ko kapag si mommy ang nag alaga."Ano nga pala ang plano nyo nyang mag asawa ha anak?Ngayong may anak na kayo,Magta trabaho pa din ba kayong dalawa?_Daddy.Alam nya kasi na hindi masaya ang bahay kapag walang nanay at tatay na nag aaruga sa anak.Ganun kasi ang buhay na nakalakihan ko.
"Daddy,Ako na lang po ang hihinto na sa pagta trabaho para mabantayan ang anak namin.Napag usapan na din po kasi namin ni Terry yun nuong bago pa lang kami ikasal._Joyce.Mas panatag ako na nasa bahay lang din siya at nag aasikaso sa baby namin.
"Papano naman ang pamilya mo kung wala ka ng hanapbuhay kung sakali?San kukuha ang nanay mo ng pang maintainance nyang gamot kung hindi ka na magta trabaho?_Mommy.Bahagya namang napayuko si Joyce sa sinabi ng mommy kaya kaagad kong inawat baka kung ano ano pa ang muling masabing di maganda sa asawa ko.
"Mommy naman,As if walang naipon ang asawa ko sa trabaho nya.kami na ang bahalang sumuporta sa pamilya nya dahil mag asawa naman kami.
At saka baka nakakalimutan mo,kay Joyce dumidiretso ang kinikita ng K&J kaya may pera syang pang tulong sa pamilya nila._Ako."Syanga naman Gina,May sariling pera yang si Joyce dahil masipag yan sa paghahanap buhay.Mas mainam ng nasa bahay at nag babantay ng anak ang isang nanay para nababantay at nasusubaybayan nya ng maige ang anak nya habang lumalaki._Daddy.
"Kayo na ang bahala.Baka san na naman mauwi ang usapan at ako na naman ang lumabas na kontrabida.
Basta ako ang bahala sa lahat ng pangangailangan ng apo ko.Kahit na anong gusto nya at kakailanganin nya sabihin nyo lang ibinigay ko._Mommy.Nakikinita kinita ko ng magiging problema namin ito sa bahay pag nagkataon.Si mommy pa naman yung tipo na spoiler talaga dahil ganun din sya sa family nya.Bunso kasi sa pamilya at talagang prinsesa ang turing sa kanya."Wala namang kokontra sayo kung ibigay mo ang lahat sa apo mo mommy,Pabor pa nga iyun sa aming mga magulang nya.Basta yung pagpapalaki at pag hubog sa kanya sa mabuting asal,kami na ng asawa ko ang bahala dun mom.Ang hiling lang namin sa inyo ni dad,Yung andyan lang kayo sa amin palagi para i guide kami._AKO.Masaya ako dahil alam kong madaming nagmamahal sa anak ko.
Hindi na nagawang bumisita pa nila GD at TOP dito sa Oslo dahil busy din sila sa mga trabaho at negosyo nila.Madalas na lang kaming mag facetime at videocall kapag magkakasama silang apat.Namimiss na din naming dalawa ni Joyce ang Manila pero need ko na munang magpalakas bago kami bumalik sa Pinas.Isang linggo lang na nagstay dito sina Mom and Dad at nagmamadali na silang umuwi dahil ayaw nilang matagal na iwanan ang mga negosyo kahit na may mga pinagkakatiwalaan naman silang mga tapat na empleyado.
"Joyce,,Terry,Alam nyo bang excited na itong si Nanay na makita at makarga si baby Katie.Naku sinasabi ko sa inyo,nagpasama sa akin na bumili ng mga damit para sa kanya,Para daw pag uwi nyo dito sa bahay may isusuot ang Apo nya._Ate Zeny.Ka videocall namin sila sa Manila habang nandito kami sa Oslo.
Hindi na muna din namin sinabi sa kanila ang naging totoong rason sa di pagdadalantao ni Joyce.Basta ang sabi na lang namin,Walang nakuhang perfect match donor para sa kanya.Ayaw din kasi ni Joyce na madissapoint ang nanay nya kapag nalaman na hindi na sya pwedeng magbuntis...
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...