Im Katarina Delacerna Guillermo.Anak ng mag asawang sina Gina Dela Cerna(Brewery magnate) from Cebu. At Leon Guillermo,Family of doctors.
Isa si daddy sa shareholder ng Guilllermo General Hospital na pagmamay ari ng kanilang pamilya."Terry anak,Naikwento nga pala sa akin ng tito Lito mo na may dinala ka daw na pasyente dun sa hospital.Nanay daw ng kaibigan mo,Sinong kaibigan,Kaninong anak?_Daddy.
Nahinto ako sa pagsubo at napatingin kay mommy na masama ang tingin sa akin pagpasok ko pa lang."Ahh yes dad,Kaibigan ko nga po yung anak nung pasyente.Nakilala ko po iyun sa trabaho._Ako.Mahirap naman na sabihin ko na lang nakilala ko sa mall dahil sa pag aassist sa akin.
"Lahat na lang ba ang makikilala mong tao,sasabihin mong kaibigan mo at tutulungang ipagamot sa hospital ng tatay mo ha Terry?Ano ka Charity Institution?_Mommy.Mataray ang mommy,isa sya sa tipikal na anak mayaman na medyo matapobre ang peg.Pero hindi naman ganun ka sama at ka kontrabida to the point na kayang magpa tsugi ng kapwa.
"Mom! Im just trying to help.Hindi naman lahat libre at walang bayad kapag tinutulungan ko sila.Gusto ko lang na magamot sila ng magagaling na doctor sa GGH._Ako.Saka ako biglang tinamad kumain.
"Terry,Hindi masama tumulong anak.Pero alalahanin mo na ang pagtulong ay may hangganan.Kapag palagi mo na lang silang tinutulungan,hindi na sila gagawa ng sarili nilang paraan at aasa n lang sayo ng tuluyan_Daddy.
Yung minsan ka na lang nga dadalaw sa bahay tapos ganito pa ang salubong nila sayo.Parang ayaw mo na talaga umuwi na lang."Chineck ko nga din pala yung condo na binili ni TOP sa Alabang,Hindi masydong kalakihan.Kaya ibinili kita ng para sayo para hindi kayo nagsisiksikan dun sa maliit na kwarto ng kaibigan mo.Nasa eleventh floor yung sayo,bukas ipadadala ko na yung mga gamit at mga kasangkapan na kakailanganin mo._Mommy.Ang 11th and 12th floor sa condominium na yun ay malalaki ang space at pang malakihang pamilya ang kasya.
"Mommy naman!Hindi ko kailangan ng condo.At hindi ko lalo kailangan ng tulong mula sa inyo.May pera naman ako para sa sarili kong mga pangangailangan.Hindi ko tatanggapin yung unit na yun kahit na ano pa ang gawin nyo._Ako.Tatayo na sana ako pero pasigaw na pinigilan ako ng dad na wag umalis.
"Finish your food before you go!Palagi ka na lang ganyan sa amin ng nanay mo.Aalis kapag napagsasabihan.Nawawalan ka na ng respeto sa amin ng nanay mo sa kakasama mo dyan sa kaibigan mong tom..._Dad.Hindi na nya naituloy ang gusto nya sanang sabihin.
"Tomboy dad?Anong masama sa pagiging tomboy?Dont tell me pati gender ngayon bigdeal na sa inyo kapag makikipag kaibigan ako?Kung nuon,Bawal akong makipag close kapag mahirap lang,ngayon bawal na din makipagkaibigan kasi tomboy?_AKO.Tuluyan na akong nawalan ng gana talaga kumain.
"Katarina Thats enough! Hindi iyun ang pinu punto ng tatay mo.Ang sa amin lang,Mula ng umalis sa poder ng mga mgulang nya yang si Top,Ganun na din ang ginagawa mo sa amin ng daddy mo.Hindi ka na namin halos nakikita at nakakausap gaya ng dati._Mommy.
Saka sya biglang umiyak kaya hindi kaagad ako nakasagot.Bibihirang pagkakataon na nakikita ko si mom na ganun.Malakas ang karakter nya at hindi sya kagaya ko na madaling maawa kahit sa mga simpleng bagay o pangyayari lang."Nakita mo na,Pati ang mommy mo hindi na alam ang gagawin sayo?
Terry,will you please come back here?
Nag iisa ka lang naming anak tapos hindi kapa namin makasama dito s bahay ng mommy mo.Isipin mo na lang kung anong nararamdman namin ng mommy mo sa araw araw na uuwi kami ng bahay galing sa trabaho tapos wala kaming anak na sasalubong sa amin sa pag uwi._Daddy.Saka naman bigla akong na konsensya sa sinabi ni dad at hindi na nga naka imik pa."Ano ka ngayon Terya,e di hindi ka naka porma sa parents mo?hahahha.
Papano pa kapag ipinakilala mo na si Joyce sa kanila nyan,Anong gagawin mo kapag pinalayas nila si Joyce at di tanggaping manugang nila?_TOP.
Tinawagan ko sya para sabihin na di ako makaka uwi sa condo nya at dito na muna ko sa bahay matutulog."Manugang kaagad,hindi pa nga alam dito na lesbian din ako.Saka isa pa,Parang imposible naman na magustuhan ako ni Joyce.Babaeng babae ako sa paningin nya tapos bigla ko na lang syang liligawan.Ano naman ang mararamdaman nya nun diba?_AKO
Isa pa,kapag nalaman nyang mayaman ang pamilya ko baka lalo akong hindi na kausapin nun."Lipatan na natin yung condo na binili sayo ng mommy mo,Mas malaki yun eh!Tapos benta ko tong sa akin.hahahhaa.Mas malaki yung party place,dala tayo mga chix!_Top.Kahit talaga kelan napaka babaero ni Top.
"Gago,Anong lipat ka dyan!Never akong titira dun noh!Kaya kong bumili ng sarili kong bahay at isa pa ayoko sa condo unit tumira._Ako.Saka kami natapos na ni TOP sa pag uusap.
Lumabas ako ng kwarto bitbit ang towel ko at saka ako bumaba papunta sa pool.Naka short at tshirt ako kapag lumalangoy at hindi bathing suit.
Inilagay ko sa upuan yung towel na bitbit ko at saka ko nagsimulang mg dive.Hindi naman sya masyadong malamig kaya tama lang sa pakiramdam."Namiss mo ang paglangoy sa pool ano?_Mang Mulong.Driver/Kababata ni Daddy na matagal na dito sa amin nagsisilbi mula pa pagkabata ko.
"Uncle Molly!Kamusta po?Buti at gising pa kayo?_Ako.Sya kasi ang madalas nagbabantay sa akin dito sa pool kapag gusto kong mag swimming nuong bata pa ako.
Nadinig ko kasi na may nagdive sa tubig kaya napalabas ako ng kwarto.
Akala ko kung sino na,Nang makita ko na babae ang lumalangoy,Alam ko na kaagad na ikaw yan._Uncle Molly.Ako lang ang tumatawag sa kanya ng Molly,modern version ng Mulong."Namiss ko nga din po ang magswimming.Matagal tagal na din nung huli ko itong ginawa.Wala pa yata akong trabaho nun._Ako.
Kaya siguro nuon pa lang lesbian na ako talaga hindi ko lang napapansin,mas madalas ko pa kasing gusto kausap sila Uncle Molly at yung hardinero naming si Manong Herman at puro sports at sasakyan ang madalas naming pinagkukwentuhan kahit nuon pa man.Paminsan minsan kasali din ako sa kwentuhan nila ng daddy."Kamusta ka naman dun sa condo ng kaibigan mo,nag eenjoy ka naman ba na walang yayang kasama?_Uncle Molly.Alam nyang sanay ako na palaging may naka alalay kasi nuon.
"Ayos lang naman din po.Masaya naman yung walang kasamang taga silbi paminsan minsan,natututo ng pa unti unti sa mga gawaing bahay.
_AKO.Umahon ako sa tubig ng naka sampung laps na ako.Bago pa naman kasi dumating si Uncle,naka 7 laps na ko kaya eksaktong sampu lang ang madalas na ginagawa ko."Hahahaha.Yun nga din ang sabi ko sa tatay mo.Hayaan ka lang para matuto.Alalang ala palagi sayo lalo na kapag may nababalitaan syang madalas kang napapagalitan ng boss mo._Uncle Molly.
Hindi na ako magtataka kung may mga mata at tenga syang binabayaran sa pinagtatrabahuan ko para bantayan ako.Ganun naman talaga ang mga mayayamang magulang,over protective sa mga anak."Ganun po kasi talaga ang mga magulang di po ba?Palaging nag aalala sa mga anak.Masaya naman po ako sa trabaho ko,wala naman pong problema so far.Kaya sabihin nyo po kay Dad na wag syang mag alala sa akin kasi masaya ako sa ginagawa ko._AKO.
"Wag mong masyadong dinidibdib ang mga sinasabi ng daddy mo,Ganun lang talaga magsalita yun pero mahal na mahal ka nun kahit ano pa ang mangyari.Wag kang matakot sa mga magulang mong magsabi ng nararamdaman mo at kung ano ba talaga ang nasa puso mo.
Kahit sino at ano kapa,TATANGGAPIN AT MAMAHALIN kapa din nila ng buong PUSO iha._Uncle Molly.Saka nya ako nginitian ng makahulugan.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...