Parang dinaanan ng delubyo ang loob ng pad ko sa dami ng kalat at gulo ng mga gamit.Wala kasi akong ganang kumilos at bumangon para maglinis at magligpit.Magdamag akong uminum lang kagabi ng beer mag isa at ayoko munang may makausap na kahit sino.
Pumikit lang ako at saka nagpipilit na makatulog sana ng may maramdaman akong parang may nakatingin sa akin habang nakahiga.
Hindi ko inaasahan na kaharap ko ngayon ang sa pagkaka alam kong huling tao na gusto akong makita at makausap...Si JOYCE.
"Joyce,What are you doing here? _AKO. Agad akong bumangon sa higaan para mag ligpit ng kalat sa paligid.Saka ko naalala na disaster nga pala pati ang itsura ko ngayon.Naka white sando lang ako at saka undy.Ni wala akong pang itaas na suot dahil ako lang naman mag isa dito.
"Pasensya kana kung basta na lang ako pumasok sa loob ng walang pahintulot.Sinubukan ko namang magdoorbell pero walang sumasagot kaya tinawagan ko si GD para i confirm kung ano ang pw ng pintuan mo._Joyce.Saka ko naalala,Birthday nya nga pala ang PW code ng room ko.Bakit ba kapag talaga kaharap ko si Joyce,hindi ako makapag salita.
"Ahhh,Nag do-doorbell ka pala.Sorry dahil malakas ang sound ng stereo ko.
Upo ka muna._AKO.Agad akong tumayo papuntang bathroom para mag ayos ng sarili ko.Naghilamos ako at saka nag brush ng ipin then naghanap ng matinong maisusuot.Paglabas ko ng banyo,bahagya ng malinis ang room dahil nag ligpit si Joyce na naabutan ko pang nag aayos na sa kusina."May nakita akong pwedeng iluto sa ref mo para sa almusal.Okey lang ba sayo na makialam na ko dito sa kusina mo?_Joyce.Nagsasalita sya pero nagsisimula na ding mag prepare ng lulutuin nya kaya hindi na ko komontra pa sa gusto nyang gawin.
"Ikaw ang bahala.Pasensya kana kung naabutan mong magulo tong place ko.Hindi ko na kasi nagawa pang makapag ligpit dahil sa kalasingan ko kagabi._AKO.Sa totoo lang,hindi naman ako makalat talaga sa bahay at sa kwarto ko,nagkataon lang na wala talaga ako sa mood magkikilos sa mga panahong ito.
"Wag kang mag alala,Alam ko namang malinis ka sa mga gamit mo at masipag kang tao.May mga iniiisip at problema ka lang kaya wala ka sa mood kumilos.After nating kumain,pag usapan natin yang problema mo para naman gumaan gaan yang nararamdaman mo okey?._Joyce.Sa kauna unahang pagkakataon,nakita ko din ang pagka ganda ganda nyang mga ngiti sa malapitan.
"Hindi ko nga alam kung papano pa ako nakakatingin sayo ng diretso gayong may nagawa ako sayong hindi tama.Tungkol kay YURI at sa kumalat na video...Sobrang nahihiya ako sayo sa nangyari._AKO.Saka ko naalala yung tshirt nga pala na pareho nung kay YURI,Ibinato ko nga pala kagabi sa lapag.Agad akong tumayo at saka hinanap yung shirt para itago pero agad na nahulan ni Joyce kung ano ang hinahanap ko dahil itinaas nya iyun at iwinagayway pa.
"Ito ba yung hinahanap mo?Alam mo bang ako pa mismo ang nagbitbit ng shopping bag na pinaglagyan ng shirt na to?Saka yung sneakers na si Sally pa nga ang nag abot sa akin para bitbitin.Akalain mo yun,sayo pala nya yan ibibigay.hahahhaha._Joyce.Namula naman ako sa hiya sa sinabi nya.haaaaissst.
"Hindi ko naman talaga dapat isusuot yan kaya lang aksidenteng natapunan..._AKO.Napahinto ako sa pagsasalita dahil bigla syang napa sigaw dahil napaso yata sya ng kawali.Agad ko syang nilapitan at saka inilagay ang kamay nyang napaso sa gripo para mawala ang sakit.
"Okey lang naman ako,Hindi naman masyadong malaki yung apoy.Nagulat lang ako kaya ako napasigaw.Umupo kana dun sa table para makapag almusal na tayo._Joyce.Saka nya inilagay sa plato yung sinangag na madaming bawang at saka sunny side up egg at corned beef gisado.
"Are you sure your okey?Pwede nating lagyan yan ng ointment para hindi magsugat kung sakali.Wait lang kukuha ako._AKO.Hindi naman mahirap maghanap ng gamit sa pad ko dahil ang buong room na ito ay walang division or pagitan.Pagpasok mo pa lang sa pinto,open space sya mula sa reception area,kitchen at sa malaking kama.Ang bathroom at closet lang ang naka tago sympre para may privacy sa paliligo at pagbibihis.
"Hindi ko alam na ganito pala kalaki itong place mo pero mas gusto mo pa ding mag stay sa condo ni TOP.Nakakainip din ang mag isa lang hindi ba?_Joyce.Nadatnan ko naman syang nag lalagay ng apple juice sa baso naming dalawa.
"Yeah,Malungkot mag isa eh.Atlis kapag nasa condo ako ni TOP may nakakausap ako.Let see,Ayan may ointment at bandage na yang paso mo kaya pwede na tayong kumain._AKO.Saka kami sabay na kumaing dalawa.
Hindi ko alam kung talaga lang masarap magluto si Joyce or mas masarap kasi nga magkasabay kasi kaming kumain ngayon.Para tuloy nananaginip lang ako sa mga oras na ito."Ngayong busog kana,siguro naman pwede na tayong mag usap.Kasi ang alam ko mamayang hapon may meeting ka with your new project.Then ako din naman,may pupuntahan mamaya kaya dapat magsimula ka ng magkwento._Joyce.Magkaharap kami ngayong nakaupo sa malambot na sofabed pagtapos naming kumain.
"Ano ba ang dapat nating pag usapan?Well,Yung tungkol nga sa pala sa nangyari sa bar gaya nga ng sabi ko hindi totoo na..._AKO.Agad naman akong pinutol ni Joyce sa sinasabi ko.
"Actually,hindi naman tungkol dun ang ipinunta ko dito.Yung tungkol sa pag alis mo sa bahay nyo.Bakit ka naman basta basta nalang nagpasyang maglayas sa inyo,pati daw kotse mo iniwan mo?_Joyce.So hindi sya interesadong malaman ang paliwanag ko about kay YURI kundi ang isyu ko with mom.
"Pero gusto ko lang munang maliwanagan ka na walang namamagitan sa amin ni Yuri.Hindi ko sya hinalikan at lalong wala kaming relasyong dalawa.About naman dun sa guy na anak nung senador,wala akong idea na sya pala ang napili ni mom na gusto nyang mapangasawa ko._AKO.
"Tungkol kay Yuri,wala ka namang dapat ipaliwanag sa akin tungkol dun dahil unang una hindi naman tayo.Pangalawa,naipaliwanag na din sa akin nina GD at TOP ang totoong nangyari at naniniwala naman akong di mo talaga yun gagawin.Tungkol naman sa gusto ng mommy mo para sayo,Bakit hindi mo subukang sundin ang gusto nya para hindi na kayo mag away pa...Mother knows best kaya hindi ka naman nya dadalhin sa sitwasyong hindi tama._Joyce.
"No way! Hinding hindi mangyayari ang gusto nya dahil alam mo kung sino ang gusto ko nuon pa man.Kahit na ano pa ang mangyari,IKAW lang ang pakakasalan ko.Wala akong pakialam kung itakwil man ako ng pamilya ko or kunin nya lahat ng meron ako wag lang ikaw JOYCE.
"Kahit ipagtabuyan mo pa ako papalayo sayo,Gagawa at gagawa ako ng way para malapitan ka at makuha ka ng buong puso"..._AKO
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...