Hapon na at papatapos na ang duty ko ng bigla akong ipinatawag ng manager para daw mag assist sa isang VIP.Anak ng business Tycoon from Taiwan na kaibigan daw ni madam CK.Agad naman akong sumalubong sa babaeng kabababa lang ng sasakyan at saka ko sya ginuide papasok ng mall.Chinita at hindi masyadong matangkad si girl,pero halatang aral ang bawat kilos ag galaw.Halatang galing sa mayamang pamilya.
"Welcome to CK mall ma'm.Ako po ang mag aassist sa inyo today habang nag sa shopping kayo.Just call me Joyce._AKO.
Bahagya nya lang akong tinignan at saka sya naglakad na papasok sa loob ng department store.Sa store nina Dess kaagad sya pumasok at saka ako sinenyasan ni Dess kung sino si Girl."VIP guest ni Madam.Ako ang pinag aassist.Pauwi na nga sana ako eh._AKO Mahina lang ang pag uusap namin ni dess para di kami madinig.
"Miss,Meron ba kayong pink at saka blue nitong shirt na ito?_Yuri.Sabi kasi ng manager namin,Yuri daw ang name ni VIP girl.
"Yes ma'm,meron po.Actually,limited lang po yan para sa mga VIP costumer namin.Maswerte po kayo at mayroon pang stock today._Dess.
Saka agad nyang ipina box yung binili nyang damit at umalis kaagad.
Kumaway na lang ako kay Dess at saka sumunod kay VIP na papunta naman sa sapatusan kung saan si Sally ang nagbabantay."I want this color blue and pink sneaker._Yuri.Ni hindi man lang nagtanong sa price basta nagustuhan yun na yun.Mukhang pang couple ang binibili nya.Im sure para sa kanila ng jowa nya yun.Napangiti naman ako.Parang ang childish kasi ng couple item sa edad nya.Sa tantya ko kasi,nasa 30's na sya at mas matanda sa akin ng mga 3 years.
"Miss tapos na ko mamili.Pwede ka ng umalis._Yuri.Saka sya agad pumasok sa kotse nya na ni hindi manlang nagpasalamat.Nagkibit balikat na lang ako.Ano pa nga ba ang maaasahan mo sa mayayaman.Hanggang sa umalis ang kotse nya at saka ako nag paalam na din sa manager ko na aalis na.
"Salamat Joyce ha,Alam ko naman na need mo ng umuwi ng maaga ngayon.Wala naman kasi akong ibang pwedeng mautusan maliban sayo.
Alam mo naman si Madam CK,ayaw nun ng palpak na serbisyo kaya ikaw ang inirekominda ko._Manager LuLu."Okey lang yun mam,walang kaso sa akin.Mabilis lang naman din po magshoping yung VIP kaya hindi naman naging problema sa akin._AKO.
After ng kaunting paalaman,naghiwa hiwalay na din kaming tatlong magkakaibigan pauwi.
Nakahiga na ako sa kwarto ng maalala ko si Terry.Medyo matagal ko na din syang di nakikita.Yung tao na laging handang tumulong sa akin pero pilit kong itinataboy papalayo.Hanggang sa namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako.Ang mayaman ay para lang sa mayaman,at ang mahirap ay para lang din sa mahirap.Nabasa ko sa isang magazine na nag asawa na daw ang anak ni tatay na si Regina Clemente sa isang matandang mayamang haciendero.Ibig sabihin,mas lalo ng lumakas ang kapit ng asawa ni tatay sa mga kilalang tao.Mas lalo ng liliit ang tingin nila sa amin ni nanay.
"Eh ano naman kung nakapag asawa ng mayaman yung stepsister mo,hindi naman ibig sabihin nun na may karapatan na silang magmayabang.Kung tutuusin,sila pa nga ang may atraso sayo dahil hindi nila ibinigay ang share ng mana mo sa tatay mo eh._Dess.
"So papano naman,ganun ganun na lang yun.Sayo ang perang yun tapos sila ang nakikinabang.Malaki din ang maitutulong nun sa pagpapa transplant sa nanay mo kung sakali._Sally.
"Bakit di mo kaya subukang lumapit sa kanila at kausapin Joyce,tutal naman matagal ng panahon yung nangyari nuon.Malay mo hinihintay ka lang din nila na ikaw mismo ang kumuha ng parte mo sa manang naiwan ng tatay mo sayo._Dess.
"Gusto kong subukan pero parang hindi ko yata kayang maramdaman ulit yung nangyari nuon sa amin ng nanay ko...Pero sa tuwing nakikita ko si nanay na nahihirapan,gustong gusto ko na talagang gawin._AKO.
"Sabi naman sayo,Yung binibigay na tulong na lang ni Terry ang tanggapin mo eh.Saka kung sakali naman na mabawi mo ang mana na para sayo,hindi pa din sasapat yun sa pagpapa transplant sa nanay mo hindi ba,Kaya kakailanganin mo pa din ng karagdagang halaga._Dess.
Para kasing ganun lang kadali ang lahat.Ayokong samantalahin ang kabutihan ni Terry sa akin at sa pamilya ko,dahil ayokong makadinig ng masasakit na salita mula sa pamilya nya kapag nalaman nilang tinutulungan ako ng anak nila.*flashback* A month ago
"So ikaw pala yung babaeng kinahuhumalingan ng anak ko?Ano bang pinakain mo sa anak ko at nagawa mong baguhin ang pagkatao nya?
Alam mo bang dahil sayo,nasira ang mga pangarap namin para sa kaisa isa naming anak???_Aleng Aristokrata ang dating.Naka black CK dress sya at pearl neclace,red stilleto at Gucci bag.Sa isa sa mga sosyal na resto malapit lang sa CKmall kami nag usap."Ma'm pasensya na po pero hindi ko kayo maintindihan.Sino po bang anak at papano po nabago ang pagkatao nya dahil sa akin?_AKO.Unang beses ko pa lang nakilala ang ALE sa harapan ko kaya wala akong idea kung sino sya nuon.
"Sa pagkaka alam ko,pamilyar ka sa mga nangyayari sa business world since palagi mong inaalam ang nangyayari sa buhay ng pamilya ng tatay mo right?Kaya imposibleng di mo ako kilala?_Aleng Yayamanin.Sa kilos at pananalita,halata kaagad na mayaman at maimpluwensyang tao sya.
"Pero hindi naman po lahat kilala ko,pasensya napo talaga.Baka po nagkakamali lang kayo ng kakausapin._AKO.Saka ako biglang nanlamig ng biglang sumagi sa isip ko si TERRY.Posibleng nanay nga ni Terry ang kaharap ko ngayon.
"Libre ang pagpapa Ospital ng nanay mo ng isinugod sa sa GGH nuon,hindi kaba nagtaka o baka talagang alam mong sadyang mabait ang anak ko kaya sinasamantala nyo naman?_Mommy ni Terry.Ito na nga ba ang kinatatakutan ko,Alam kong darating ang ganitong pagkakataon.
"Pero hindi po ako pumayag na hindi yun hulug hulugan kay Terry bawat sweldo ko.Sobra sobra po ang pasasalamat ko sa pagtulong na ginawa ni Terry sa pamilya ko at hinding hindi ko po yun makakalimutan.Isang bagay lang po ang hindi ko tatanggapin sa sinasabi nyo na ako ang dahilan ng pagbabago sa pagkatao ni Terry,dahil alam nyo po sa sarili nyo kung ano at sino talaga sya.Hindi po dahil sa akin o sa kahit na sinong babae pa kundi iyun po talaga sya._AKO.Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para mangatwiran sa mayamang kaharap ko ngayon,basta ang alam ko lang ayoko ng tapak tapakan pa ulit.
"Well tama ka nga,kilala ko ang anak ko.Madali syang maawa sa mga taong nagangailangan gaya mo...Gusto ko lang sabihin sayo na layuan mo ang anak ko dahil hindi ikaw ang gusto ko para sa kanya.Naniniwala pa din ako na magbabago pa ang isip nya at lalaki ang gusto kong makatuluyan nya.Kaya bago pa tuluyang masira ang buhay ng anak ko, Gusto kong wag ka ng magpapakita sa kanya._Mommy ni Terry.Parang eksena sa isang pelikula.
Pilit kong iniiwasan si TERRY hindi dahil ayoko sa kanya.Infact,mas gusto ko sya kaysa sa gusto nya ako.Pero pinipigilan ko ang nadarama ko dahil ayokong masira ko ang buhay nya.Habang maaga pa,dapat alam ko lang kung hanggang saan lang ako pwede,at hinding hindi mangyayaring maging kami ni Terry kahit na kelan.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
Любовные романыAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...