36.JOYCE

1.1K 80 2
                                    

Nasa mall na ako ng tawagan ako ng Ate Zeny na bigla daw nag collapse si Nanay papalabas ng banyo kanina.Agad akong nagpaalam sa manager ko na may emergency at kaagad naman nila akong pinayagan.
Habang nasa jeep ako ay panay ang usal ko ng panalangin.Kinakabahan ako sa pag Collapse ni nanay.Parang mas natakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya ngayon.Agad akong tumakbo papasok sa emergency room at naabutan ko duon si Ate Zen na mugto ang mata sa pag iyak.

"Ate,Kamusta na ang nanay?Bakit daw sya biglang nag collapse,anong sabi ng doktor?_AKO.Agad namang tumayo ang ate pagkakita sa akin.

"Joyce,Ang sabi ng doctor kailangan na daw ng transplant ni nanay sa lalong madaling panahon.Bigla na lang syang natumba kanina habang papalabas ng banyo.Ganun daw kapag humihina na ang kidney,madaling manghina ang pasyente._Ate Zeny.Sinilip ko ang nanay sa pintuang salamin habang nakahiga.

"Sige ate,pakitignan lang muna ang nanay at kakausapin ko na muna ang doktor nya._AKO.Mabilis akong nagpunta sa nursing station para hanapin ang doctor nya.

"Sa ngayon Miss,Okey pa naman ang lagay nya.Ipagpasalamat natin na hindi sya nasaktan o nabagok ang ulo nya sa pagkakatumba nya kanina, Pero hindi natin alam sa susunod pang mga araw kung ganun pa din._Doktor.

"Ano po ba ang mabuting gawin dok para maging okey na po ulit ang nanay ko?_AKO.Kahit alam ko na ang sagot,gusto ko pa ding makasiguro.

"Well,like I said.Transplant ang kailangan habang malakas pa ang nanay mo.Kung magiging maayos ang kidney nya ulit,mas lalakas ang katawan nya at wala ng magiging kumplikasyon sa sakit nya._Doctor.

"Kung ganun po doc,Kailan po ba sya pwedeng magpa transplant?_AKO.

"Siguro kung sisimulan natin ang procedure,Mag uumpisa tayo sa mga laboratory test nya.Kung wala namang magiging problema sa result,mabilis nating mai skedyul ang transplant sa lalong madaling panahon._DOK.

"Sige po dok,Simulan na po natin ang procedure.Ako na po ang bahala sa lahat._AKO.

"Okey.Ihanda mo na lang ang lahat ng kakailanganin at ipapahanda ko na din ang pag skedule sa kanya.Mga ilang araw lang siguro,pwede na natin syang isalang sa procedure._Dok.

Agad akong nag file ng leave sa mall at saka ko inayos lahat ng papers at ang pera kong inipon para kay nanay.Pati ang philhealth,Pcso at ilan pang mga foundation na nilapitan ko ay inasikaso ko na din.Nasa 2M din ang kabuuang halaga ng lahat lahat ng nakalap kong pera.

"Joyce,Lapitan mo na kasi si Terry.O kung gusto mo naman,sina GD at TOP handa namang tumulong at magbigay ng halagang kailangan mo pa para sa nanay mo._Sally.

"Nakausap ko na si TOP,Kahit daw 1M willing syang magpahiram kung kailangan mo._Dess.

"Salamat guys sa tulong.Salamat at nandito kayo.Sa totoo lang,kanina ko pa gustong bumigay.Sobrang laki pa ng perang kailangan ko at hindi ko alam kung saan ba ko makakakuha ng ganung kalaking halaga ng biglaan.
_AKO.Kagagaling lang nilang dalawa sa mall at pagtapos ng work saka sila bumisita dito sa hospital.

"Joyce,Are you okey?Kamusta naman si Nanay Joy?_Mula sa likuran na tanong ni TERRY na kadarating lang from location shoot nya sa Bohol.
Pinahid ko muna ng bahagya ang luha sa mata ko saka ako humarap sa kanya.Kasama nya sina TOP at GD na nakangiti din sa akin kahit mga nasa mukha ang pag aalala.

"Terry,Top and GD...Okey lang naman ako.Si nanay,okey lang din.Panay ang tulog para lumakas pang lalo.Salamat sa pagdalaw._AKO.May mga dala silang prutas at pagkain na iniabot sa akin.Si Terry naman ay may dalang fresh flower na nakalagay pa sa vase.Ipinatong nya yun sa mesa sa tabi ng kama ni nanay.

"Guys,Kain na muna tayo sa labas habang tulog pa si Nanay Joy.Balik na lang tayo ulit at bilhan nadin natin silang dalawa ng makakain nila._TOP.
Tumayo naman sina Dess at Sally at sumunod papalabas ng room.Kami lang ni Terry ang naiwan dito sa loob ng room.

"Joyce,Alam kong may problema ka.Wag kang mahiyang mag share sa akin ha,Alam mo naman na handa akong tulungan ka sa abot ng makakaya ko._Terry.

"Alam ko naman yun,kaya nga lalo akong nahihiya eh kasi alam ko na kahit di ako magsabi sayo gagawa at gagawa kapa din ng paraan para tulungan ako._AKO.Mula Bohol,kaagad nyang tinawagan ang doktor na specialista sa kidney sa hospital nila at saka nya pina kiusapan ang doktor ni nanay dito sa PGH na payagang sa hospital nila gawin ang Kidney transplant ni nanay.

"Alam ko namang mahuhusay at magagaling ang mga doktor sa PGH,Pero mas okey siguro kung sa NKTI sya mismo mapapa operahan.Wag kang mag alala,dahil ako na ang bahala sa lahat ng gastos duon.Yung naipon mong pera,pambili ng gamot at pambayad ng hospital nyo na yan habang nagpapagaling si nanay._Terry.Obviously,wala na akong iba pang dapat alalahanin kundi ang magdasal na lang na sana ay maging succesful ang transplant ni nanay sa ginawa ni Terry.

"Papano kita mababayaran nyan sa tingin mo?Napakalaking pera na ang gagastusin  mo sa transplant,pati hospital bill at doctors fee sinagot mo na din.Sobra sobra na ito Terry,Parang wala na akong mukhang ihaharap sa pamilya mo sa mga ginagawa mo para sa akin at sa pamilya ko._AKO.

"Shhhhhh...Wag kang maingay at baka magising si Nanay.Wag mo na munang isipin yun.Ang mahalaga,madugtungan ang buhay ni nanay at guminhawa na ang pakiramdam nya.Ayoko din kasing nakikita kang malungkot lalo na kapag alam mong nahihirapan ang nanay mo._Terry.
Kinabig nya ako at saka hinalikan sa buhok habang nagsasalita sya.
Masarap sa pakiramdam lalo pat alam ko na may isang tao na handang gawin ang lahat para lang mapa saya ako at ang pamilya ko.Hindi ko na naman mapigilang mapahikbi.

"Salamat Terry.Salamat sa lahat ng tulong.Kung Wala ka,Hindi ko na alam ang gagawin ko.Sobrang nahihirapan na ako talagang maghanap pa ng malaking halaga para kay nanay,pero dahil sayo at sa mga taong may mabubuting puso gaya ng mga kaibigan natin,Nababawasan lahat ng takot at pag aalinlangan ko.Salamat talaga ng marami lalo na sayo._AKO.
Wala syang naging tungon kundi ang mahigpit nyang pagyakap.Maya maya lang ay bumalik na din sina Dess at Sally kasama sina GD at TOP na may dalang pagkain para sa amin ni Terry.

Sabay naming pinagsaluhan ang dala nilang pagkain at masaya nila akong sinamahan sa pagbabantay kay nanay.Paminsan minsan ding nagigising si nanay at nakikipag kwentuhan sa kanila habang magkahawak ang kamay namin ni Terry na nakatingin lang at nakikinig sa mga kwento at tawanan nila.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon