"Seryoso ka,Yan ang gusto mong tawagan natin?Hahahhha.Ang lakas maka diabetes nyan ah! Pero dahil yan ang gusto mo,gusto ko na din nyan.Sure yan na ang tawagan natin._Terry.
"Bakit,Ang cute naman diba? LOLLIPOP AND GUMMIE BEAR.Kung ayaw mo e di wag.Love na lang._AKO.May napanuod kasi akong cute na kpop idol na mahilig sa gummy bear kaya un ang naisip kong cute na tawagan naming dalawa.
"Oo na nga,Lollipop at Gummie bear na nga ang tawagan natin.Pero para namang may kahabaan yung tawag na yun kung sakali.Mas okey siguro kung gummie and lollie?_Terry.
"Okey sa akin yun.Ikaw si Lollie at ako naman si Gummie.Diba mas cute,compare dun sa hon,baby at darling na palagi ng tawagan ng magkasintahan._AKO.Naisip ko lang,masyado naman kasing formal at tipikal yung call of endearment na nakasanayan na.Gusto ko namang maiba lang.
"So Gummie,Kamusta naman ang trabaho sa boutique.Mas mahirap ba kaysa dun sa mall?_Terry.
"Hindi naman,parang mas okey dito sa bago kasi wala naman akong masyadong ginagawa.Palagi lang akong nag rereport kay Miss Sydney tungkol sa mga order at sa mga supplies.Alam mo bang mas madami pang umuorder dun sa shop kaysa dun sa mall?_AKO.Kapag kasi sariling boutique,direct sa mismong branch ang pag oorder.Unlike sa mall na madami ka pang kailangang pagdaanan bago makarating sa mall ang mga items.
"Well and good.Saka madami na talagang followers ang CALVIN KLIENE eversince.Ang inaalala ko lang,more on mens wear and apparrell ang mga costumer ng CK,Kaya mas madaming guy kayong magiging mga costumers for sure._Terry.
"Wow ha,Parang may laman yang sinasabi mo.For your information Miss Guillermo,tamang trabaho lang po ang ginagawa ko sa shop at walang personalan.Kaya hindi ka dapat mag isip ng kung ano ano dyan okey?_AKO.
"Hahahaha.Just kiddding.Alam ko naman yun Gummie,May tiwala ako sayo.Pero sympre di mo maiaalis sa akin na di mag alala.Sobrang ganda naman kasi ng manager ng CK noh._Terry.
"Sira ka talaga.Maka sobrang ganda ka naman parang talo ko pa si Liza Soberano eh.Hindi nga sabi ako sobrang ganda,tama lang...Nakakahiya sa mga makakarinig,baka sabihin malabo na yang mata mo.hahaha._AKO.
"Hahahaha.Mas maganda kapa naman talaga kaysa kay Liza.Hindi pa naman malabo ang mata ko pero may contact lense lang._Terry.
"Oo na mukhang LIZA na...LIZA SEGUERRA!_AKO.Saka kami parehong natawa.Maya maya lang ay nagpaalam na din syang uuwi na sa bahay nila.
"Talaga ba,Sa sabado na mamamanhikan sina Terry at ang parents nya?
Buti naman at pumayag ang mommy nya,Hindi ba naikwento mo nuon na pinagsabihan ka ng mommy ni Terry na layuan mo ang anak nya?_Ate Zeny.Kinabukasan ng umaga kasi,kaagad kong sinabi sa kanila ang balita."Ikaw talaga Zeny,Maanong wag mo na ngang ungkatin pa ang nakaraan na.Kung ganyang nagsabi ng mamamanhikan ang buong pamilya nila,Ibig sabihin lang na tanggap na ng nanay nya na maging manugang itong anak ko._Nanay.Isang malapad na ngiti ang naging tugon ko sa sinabi ni Nanay.
"Tama si Nanay ate,Nakaraan na yun at kinalimutan ko na.Isa pa,Normal lang naman sa isang ina ang kilatisin at kilalanin muna ang mamanugangin nya bago nya ito tanggapin sa pamilya nya.Alam mo naman,hindi basta basta ang mga Guillermo._AKO.
"Well sabagay.Pero kahit na,duda ako sa mabilis na pagpapa kumbaba ng nanay nya eh.Hindi ganun ang inaasahan ko.Hindi kaya may balak yung gawin sayo kapag ikakasal na kayong dalawa ni Terry?_Ate Zeny.
"Ano naman ang gagawin nya,Haharangin ang kasal namin,at sisigaw na itigil ang kasal?O kaya naman,ipapakidnap ako at ipapatapon sa malayong lugar?Ikaw talaga ate,kilala kita.Alam ko yang nasa isip mo._AKO.
"Aba,Papano mong nalaman yang naiisip ko?Pero kulang pa yan,Pwede din namang kapag ikakasal na kayo,kakaladkarin ka nya sa harapan ng madaming tao at saka sasabihing "HINDI ikaw ang babaeng nababagay sa anak ko!Lumayas ka...layaaasss!_Ate Zeny.
"Hahahahha.Mama talaga!Bakit napaka luma naman nyang kwento mo.
Iba na kasi ang mga takbo ng story ngayon,palaban na ang mga bida.
Bawal na ang api.Kaya for sure keribels na ni Tita Joyce na lumaban just in case maltratuhin sya ng magiging byenan nya,diba tita?_Paula.(Panganay na anak ni Ate Zeny)"Tama!Kaya wag ka ng mag alala at mag isip ng kung ano ano dyan.
Kilala mo naman akong palaban diba ate?Bibigyan mo pa ng alalahanin si Nanay nyan eh.Nay,wag kang mag alala...Hinding hindi ako paaapi kung saka sakali.hahahha._AKO."Kayo talaga,puro kayo kalokohan.Pero anak,seryosong usapan...Masaya ka ba sa desisiyon mong magpakasal kay Terry?Hindi kaba napipilitan lang dahil sa malaki nating pagkakautang sa kanya ha anak?_Nanay.
Pati si Ate Zeny ay natahimik at sumeryoso na din."Nanay,Hindi po ako magpapakasal lang para makabayad ng utang...Kahit po bayaran ko si Terry sa halaga na ipinahiram nya,hinding hindi pa din yun sapat na kabayaran sa napakalaking tulong na ginawa nya sa atin.
Masaya po ako na si Terry ang taong makaka isang dibdib ko at makakasama ko sa habambuhay.Hinding hindi po ako napipilitan lang, dahil gusto ko din po si Terry kahit nung una pa lang._AKO.Napaluha ako bigla habang nagsasalita.Pati tuloy sina Nanay at ate Zeny ay naki iyak na din sa akin.Luha ng kaligayahan...Dahil ang inaakala kong pamilya ng taong mahal ko ay hindi ako matatanggap.Saka ko lang ngayon narealize na hindi naman pala talaga totoong lahat ng mayayama ay pare parehong matapobre at masasama ang ugali.Meron din mga taong may mabubuti ang puso.
"Ayan,tuluyan ng naging drama series ang takbo ng kwento natin.Eto naman kasing si nanay Joy,may mga ganung tanong pa.Obvious naman na gusto din ni Joyce si Terry nuon pa.Saksi ako duon.Kaya lang ayaw lang ni Joyce magpahalata.Alam mo na,pa hard to get.Ang ganda lang eh noh?_Ate Zeny.Saka kami nagtawanan lahat.Para lang kaming mga sira.
Iiyak tapos bigla na lang magtatawanan."Wag kang mag alala sa akin kapag nandun kana sa bahay ng mga byenan mo.Maayos na ang katawan ko kaya hindi mo na ko dapat na inaalala pa.
Mag focus ka sa pag aasikaso sa asawa mo at maging mabuti kang manugang.Sa umpisa,alam kong maninibago ka pero makakasanayan mo din.Dalaw dalawin mo lang kami dito ng madalas kapag namimiss mo kami._Nanay.Yumakap ako sa kanya ng mahigpit.Sa totoo lang,ayokong iwan si nanay.Isa yun sa inaalala ko talaga kapag dun na ako sa mansyon nakatira."Kahit di nyo sabihin yun,araw araw talaga akong dadalaw dito nay.
Bago ako umuwi mula sa trabaho,dito na muna ako dadaan.Saka kukuha ko din kayo ng makakatulong nyo dito.Kahit hindi stay in para may kasama kayo.Saka nag usap na kami nitong si Paula na dun na sya matutulog sa kwarto ko kapag nag asawa na ko.Para may kasama ka sa gabi._AKO."Naku mas mabuti yan,Para hindi na magkikilos yang si nanay dito sa bahay.Saka andito din naman ako palagi para bantayan si nanay,kaya wag kang mag alala._Ate Zeny.
"Salamat sa inyong lahat.Salamat sa pag unawa nyo at sa lahat ng suporta.
Kung wala kayong lahat,Hindi magiging ganito kalakas ang loob ko.
Nay,salamat sa pagtanggap mo sa amin ni Terry._AKO.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomansaAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...