Self made Director,Solong tagapagmana ng restaurant chain at member of the board sa isang pang mayamang hospital sa bansa...Ano pa nga ba ang hahanapin ng kahit na sinong babaeng gustong maging instant milyonaryo kapag napangasawa ako?Pero bakit sa dinami dami ng gusto akong makuha kahit pa lesbian ako,IISA lang ang gusto kong makasama sa buong buhay ko...Si JOYCE lang at wala ng iba pa.
"Gusto ko sanang lumuhod na at magmakaawa na kay joyce dun sa mall pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong pati sya ay madamay pa sa kontrobersya.Bakit ba naman kasi nangyari pa ang lahat ng ito kung kelan naman punong puno ng problema ang pamilya niya.Nagagalit ako sa sarili ko at sa mga kagaguhan ko._AKO.After kong makita si Joyce sa mall,dito ako sa condo ni TOP tumuloy.
"Hindi mo naman kasalanan yun,Si Yuri talaga ang nagplano ng lahat pati na yung pag aaya ko sa inyo dun sa bar.Guilty nga ako dahil isa ako sa nagpa uto dun sa babaeng yun eh.Mautak talaga ang gaga._TOP.
Napag alaman din namin na pati ang pagkakatapon ng alak sa damit ko ay kasama sa palabas nya."Haaaaissst!Bakit ba kasi ganito ang nangyayari sa akin.Masama ba ako sa past life ko at pinaparusahan ako ngayon kahit wala naman akong ginagawang masama sa kapwa ko?Top,Ang hirap naman kasi na mas lalo akong hindi na gustong makita at makausap pa ni Joyce after what happened.Para namang mababaliw ako kapag nangyari yun._AKO.
"Wala pa namang nakaka alam sa iniiisip at sa nararamdaman nyang si Joyce dahil sinasarili nya lang ang lahat.Pero sa palagay ko naman hindi sya naniniwala sa issue.Kasi base dun sa reaksyon nya na sinasabi mo, hindi naman galit yung nakikita mo sa mukha nya kundi lungkot eh.Ibig sabihin,may posibility na gusto ka nyang i cheer kaysa i down._TOP.
"Naguguluhan talaga ako,hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para maniwala si Joyce sa akin na seryoso ako sa nararamdaman ko sa kanya.Kung pwede lang na itanan ko na sya papuntang LA at pakasalana na sya dun para hindi na sya makawala pa gagawin ko eh...
Iniisip ko lang yung nanay nya at ang kalagayan nya kapag ginawa ko yun eh._AKO.Yun kasi ang matagal ko na sanang balak talagang gawin,ang itakas sya."Hindi nga kasi nya maiiwan ang nanay nyang may sakit.Tapos nadagdagan pa ng isyu tungkol dyan sa pagkatao mo.Im sure galit na galit ang nanay mo sayo ngayon nyan._TOP.Saktong tumatawag nga si mom sa fone ko at sinabihan akong umuwi ng bahay.
"Katarina!Talaga bang hindi mo na ko titigilang bigyan ng kahihiyan?
Wala ka na ba talagang natitirang respeto sa amin ng daddy mo ha?_Mommy
Nang gagalaiti nyang bungad sa akin pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay.Habang si Dad naman ay nakaupo lang at hindi nagsasalita."Mommy,Hindi ko naman yun sinasadya.Pinalaki lang nila ang isyu pero hindi ko naman talaga intensyong pagsigawan sa lahat ang pagiging lesbian ko._AKO.
"Hindi mo sinadya,pero hindi ka nag iingat! Yan ang napapala mo sa pagiging mabait at mapagtiwala mo ng sobra sa ibang tao.Ikaw din mismo ang nagpapahamak sa sarili mo!_Mommy.Para sa kanya,napakahalaga ng pangalan kaya ganun na lang sya ka galit sa nagawa ko.Kahihiyan para sa kanya ang malaman ng mga tao na isa akong lesbian.
"Im sorry mommy kung nasira ko ang magandang imahe ng pamilya natin at naging ganito ako.Im sorry sa inyo ni daddy dahil hindi ako naging perpekto at mabuting anak sa inyo.Hindi ako yung anak na pinangarap nyong maging ako.Im sorry kung isa akong malaking kahihiyan sa pamilya._AKO. This is the 1st time na nag open ako sa totoong nararamdaman ko.
"Terry,anak...Hindi ka namin ikinakahiya ng mommy mo.Tanggap namin kung ano ka at kung sino ka.Kaya lang sana maintindihan mo din ang damdamin ng mommy mo dahil hindi pa lang sya handa para ipaalam yun sa publiko.Iniingatan lang ng mommy mo na magkaroon ng kontrobersya dahil maaaring makaapekto yun sa negosyo at sa kumpanya kung sakali.
_Daddy.Napailing na lang ako.Mas mahalaga pa ba sa kanila ang negosyo at kumpanya kaysa sa sariling damdamin ko?"Nakausap ko na ang head ng directors league at nagpa schedule na din ako ng presscon para sayo.Gusto kong ideny mo sa lahat ng tao ang pagiging lesbian mo.Hinahanap na din kita ng lalaking mapapangasawa mo at any time soon may ihaharap ka ng boyfriend sa kanila._Mommy.
"Hindi ako magpapa presscon.At lalong hindi ako papayag na magpakasal sa taong kahit kelan ay hindi ko magugustuhan.Hindi ako babae Mom,Tanggapin nyo na yan sa sarili nyo at wag nyo ng ipagpilitan pa ang gusto nyo.I am a Lesbian,tomboy,pusong lalaki.Kung hindi nyo ako kayang tanggapin as me,then mapipilitan akong umalis na lang din sa pamilyang ito!_AKO.
"Then do it! Mas mabuti pa nga na magkaganun na nga lang sana para hindi ako nagkaka problema ng ganito.Sinasagad mo ang pasensya ko Katarina,Alam mo ang kaya kong gawin.Kaya kong sirain kahit pa ang pinaka iingat ingatan mong tao!_Mommy.Saka ako na shock sa sinabi nyang yun.Ibig bang sabihin,Alam nya ang tungkol kay Joyce at sa pamilya nito?
"Gina,Ano ba! Wag namang sa ganitong paraan.Bakit kailangang itakwil ang sarili mong anak para lang sa pangalan,Pag usapan natin to!_Daddy.Si daddy yung tipo ng asawa na palaging sinusunod kung ano ang desisyon ni mom.Ganun sya ka supportive sa asawa nya.
"What are you saying mom? Since from the start,alam mo na ang tungkol kay Joyce at sa pamilya nya?Ibig sabihin,Ikaw ang dahilan kaya ayaw tumanggap ni isang kusing na tulong ni Joyce sa akin dahil binalaan mo sya?Ohhhh Gooood! Bakit di ko naisip yun...Bakit hindi ko agad naisip na lahat nga pala kaya mong gawin dahil sa pera mo._AKO.
"Come on Katarina,Alam mo ang kapasidad ko.Alam mo din ang kaya kong gawin para hindi mangyari ang gusto mo.Tungkol naman kay YURI,Nag usap na kami ng tatay nya at malamang ngayong oras na ito,binabawi na ni Yuri sa lahat ng tao na Lesbian ka.Kung gusto mong mangyari ang gusto mo,dapat tapatan mo muna ang yaman ko bago mo ko pagmalakihan na isa ka ngang self made director.Malaki din ang ininvest kong capital para mag produce sa mga commercial na ikaw ang director._Mommy.
So this is it...Lahat ng meron ako ngayon,kahit pa ang pagiging director ko ay nang dahil lahat sa pera ng mommy."Ibabalik ko sayo lahat ng kung anong ibinigay mo sa akin,Basta wag na wag mo lang pakikialaman ang buhay ni Joyce at ng pamilya nya.
Please mom,Pakiusap...Kunin mo na lahat sa akin,wag lang si Joyce._AKO.Umalis ako sa bahay na walang dala kahit na ano.Wallet lang at ang damit na suot suot ko ang tanging naiwan sa akin.Pati ang kotse ko na galing sa pera nila ang pinambili iniwan ko na din sa mansyon.Nag taxi na lang ako papunta sa condo ni TOP.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...