Kahit hindi na ako nag wo work at dito na lang ako sa bahay bilang full time housewife,Hindi pa din ako masyadong kinikibo ng mommy ni Terry.Naisip ko kasi nuon na baka kaya hindi nya ako pinapansin kapag nasa boutique sila ng mommy ni TOP ay dahil sa nahihiya syang masabihan ng mga tao na ang manugang nya ay isa lamang hamak na salelady.Pero kahit pala anong gawin ko,hindi ganun kadaling mapalambot ang puso ng isang GINA GUILLERMO.
"Joyce iha,Baka naman naiinip ka dito sa bahay na walang ginagawa.Pupwede ka namang mamasyal sa bahay nyo duon sa Maynila at isama mo si KATIE duon para makita din nila ang anak nyo._Daddy.
Kapag darating kasi silang mag asawa mula sa opisina,Kaagad nilang binibisita si Katie dito sa kwarto namin."Hindi pa muna pwedeng ilabas labas ang Apo ko dahil hindi pa kumpleto sa bakuna ang bata.At isa pa,Bawal pang magbyahe kapag hindi pa nabibinyagan.Hindi naman maiinip sa bahay lang yang si Joyce dahil sya ang nagbabantay sa apo ko._Mommy Gina.Malamig ang salita at halatang hindi nya nagustuhan ang mungkahi ng Daddy.
"Ahhh daddy,Hindi naman po talaga ako naiinip dito sa bahay dahil magkasama kami ni Katie.Sobrang sarap po talagang mag alaga at magbantay dito sa anak namin dahil nagsisimula na syang gumabay._AKO
Medyo marunong na kasi syang tumaob at saka magtaas ng mga paa nya kahit tatlong buwan pa lang sya."Nakakatuwa naman itong prinsesa namin,Malakas na malakas ang katawan.At habang lumalaki ay paganda ng paganda.Talagang tanggal ang pagod kapag nasisilayan na ang maganda nyang biloy sa pisngi._Daddy.Next week na ang balik ni Terry mula sa natanguan nyang directorial job from SWEDEN.Medyo malaki kasi ang project kaya hindi nya natanggihan kaya na postpone na muna ang pagpapabinyag kay Katie.
"Sabihin mo nga pala kay Terry na bilisan na ang pag uwi.Kahit gusto ko ng ipasyal ang Apo ko at ipakilala sa mga kamag anak ko sa Cebu ay hindi ko magawa dahil nga sa hindi pa nabibinyagan ang bata.Kung pwede lang na hilahin na ang araw para maging ganap ng Kristiyano ang Apo ko eh.
_Mommy.Panay ang halik nya kay Katie habang karga karga nya ito."Ilang araw na lang naman at darating na si Terry,At bakit naman sa Cebu mo kaagad dadalhin ang bata.Napakalayo naman yata?_Daddy.Kahit ako naman ay nagtataka din bakit excited na si mommy na dalhin ang anak namin sa Cebu.
"Baka nakakalimutan mo na ang anak din nating si Terry ay dun natin unang dinala nung makapanganak ako hindi ba? Maswerte ang basbas ng mahal na Sto Niño duon kaya umasenso ng husto ang negosyo natin.
Gusto ko ding ma blessed ang apo natin kagaya ng mommy nya para mas lalo pang sumagana ang buhay nila._Mommy.Saka ako naliwanagan,Kahit pala ganun ka istrikta ang mommy ni Terry,Malalim pala ang pananampalataya nya.Hindi na ko nagtataka kung bakit punong puno sila ng blessing sa buhay."Ay syanga naman pala,Bakit ba nakalimutan ko yun.Pero bago ang Cebu, Kailangan munang masabihan ang lahat ng mga kaibigan natin at kamag anak na dumalo sa espesyal na binyag dito sa Apo nating maganda.
Ikaw din Joyce,Sabihan mo na din ang Nanay at ang pamilya ng ate Zeny mo para makapag handa na din sila.Bakit di mo sila dito muna papasyalin para naman magkita kita kayo._Daddy.Mula kasi ng dumating kami dito sa Pilipinas,bibihira na akong makapamasyal kina Nanay dahil nga sa baby namin."Mauuna na ako sa kwarto Leon,Gusto ko ng makapagpahinga.Ikaw na ang bahala sa apo ko,Alagaan mo mabuti at wag mong hayaang madapuan yan kahit na anong insekto.Araw araw mong i check yung mga feeding bottles nya bago mo isubo sa kanya dahil baka may mga virus at bacteriang dumapo._Mommy.Sa akin sya nakatingin habang nagbibilin at saka sya lumabas na ng kwarto namin matapos humalik kay Katie.
"Ako din ay aalis na ha Joyce,Kaw na ang bahala sa prinsesa natin.Pagpasensyahan mo na yang mommy mo kung medyo istrikta pagdating sa Apo nya,Alam mo na ang mga lola,masyadong spoiler yan.Sige mauna na din ako.Pauwiin mo na si Terry.Sabihin mong hinahanap na kamo sya ng anak nya._Daddy.Magalang naman akong nagpaalam na din sa kanya.Isa sa mga nagpapalakas ng loob ko ang masayahing si Daddy Leon.Kahit nuon pa man na magkasintahan pa lang kami ni Terry,Mabuti na talaga ang pakikitungo nya sa akin.
"Hello mahal,Hello baby Katie! Miss na miss ko na kayong dalawa._Terry.
Mula Sweden.Isang araw bago bumalik dito,saka lang kami nagkaroon ng chance na makapag facetime dahil sa hectic nyang sked sa dinidirek nya."Hello din Mahal,Look at Katie here ang sarap ng tulog ng anak natin.
Palagi ka nyang hinahanap.Namimiss ka na din namin ng sobra._AKO.
May malaking picture kami dito sa bahay at yun ang madalas kong pinapakita kay KATIE para hindi nya makalimutana ang presence ng mommy nya habang wala."Pasensya na Mahal,Double time kami sa pagta trabaho dito para mabilis at makauwi na kaagad kaya wala na kong time na makausap kayo pagka pack up.Hayaan mo,babawi ako.After nitong project ko,hindi na muna ako tatanggap ng ibang offer.Puro sa inyo na muna ang ang time ko._Terry.
Masipag at de-dicated sa trabaho nya si Terry.Siguro dahil nasa puso nya kasi talaga ang ginagawa nya.Kahit kung tutuusin,sa dami ng negosyo at trabaho nya hindi nya na kailangan pang mag direk."Okey lang,Alam ko namang para sa amin ng anak mo yang ginagawa mo.
Basta mag iingat ka jan ha.Wag kang mag alala sa binyag ng anak mo at handang handa na ang lahat.Ikaw na lang ang inaantay.See you in two days Mahal ko,Mahal na mahal ka namin ni baby Katie._AKO.After naming mag usap,Naghanda na din ako sa pagtulog.Kahit na may mga yaya ang bata,Hindi pa din ako nagpapatabi sa kanila dito sa kwarto namin.Pinatatawag ko na lang sila kapag kailangan.Mas gusto ko na ako lang mismo ang nag aalaga at nagbabantay sa anak naming si KATIE.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...