20.TERRY

1.1K 55 2
                                    

Sabi nga nila,pagkatapos ng unos ay may darating na liwanag.
Bukod sa succesful rating ng commercial na idinerek ko,patuloy pa din sa pagdami ang mga nakapanuod at magagandang feedback sa unang mtv na dinerek ko.Kaya naman mas dumami pa ang mga offer at trabahong dumarating sa akin.Nagsimula akong muli sa wala at ngayon nga ay unti unting nakakabangon na.Hindi na ako kumukuha ng monthly share ko sa GGH pati na din sa 20% share ko sa Terry's grill gaya nuon. Pinapaikot ko naman ang pera ko sa mga negosyong sinosyuhan ko gaya ng pagpaparenta ng mga yate ko sa Subic,at pati na din yung dalawang resort na kasosyo din ako.Habang patuloy pa din naman ang pagpapatakbo ko sa production company na madaming empleyado ko ang umaasa sa akin.

"Anak,Hanggang kelan mo ba kami titikisin ng mommy mo?Abay mag papalit na lang ang kalendaryo,hindi mo pa din ba kakamustahin ang mommy mo?_Daddy.Paminsan minsan ay dinadalaw nya ako sa opisina ko para mangamusta.

"Dad,Alam nyo naman na kahit na ano pang gawin ko hindi na magbabago ang isip ni mommy na pag asawahin ako.Kapag bumalik ako sa poder nyo, para ko na ding inamin na payag na kong ipakasal sa anak ng senador na gusto nya para sa akin._AKO.

"Hindi mo ba iniisip na para din sa kinabukasan mo ang gustong mangyari ng mommy mo ha iha?Nag iisa ka namin anak,hindi mo maiaalis sa amin ng mommy mo ang mag alala para sa future mo kapag nawala na kami.
Kung makakapag asawa ka,posible kang mag ka anak.May mag aalaga sayo pagtanda.May magmamana sa lahat ng pinagpaguran namin ng mommy mo.Para din sayo lahat ng ginagawa namin._Daddy.

"Andun nako sa pag aalala nyo sa kinabukasan ko.Pero daddy,hindi naman ako magiging masaya dahil hindi ang taong mahal ko ang kasama ko.At saka isa pa,wala ng imposible kapag may pera ngayon.Kaya kong sumailalim sa Pagpapa IVF kung talagang gusto nyong magka anak ako.
Dad tulungan mokong ipaunawa kay mommy ang totoong nararamdaman ko para mas maintindihan nya ang mga sinasabi ko._AKO.Napabuntong hininga na lang si dad at saka napailing sa sinabi ko.

Nagpaalam na din si Dad na uuwi na ng bahay.Nauna kasi syang umuwi kaysa kay mom dahil nagpa parlor pa daw ito.Baka nga naman kapag naunahan pa sya sa bahay,siguradong sigaw na naman ang abot nya kay mommy.

"Atty.Esguerra,Ikaw na ang bahala sa mag inang Clemente.Siguraduhin mo lang na hindi na nila kailanman malalapitan si Joyce at ang pamilya nya.Hindi ko na mapapalampas pa kapag muli na naman nilang saktan si Joyce._AKO.Bukod kasi sa kalahating milyon na hiningi nila kapalit ng pag urong ng demanda laban kay Joyce,hiniling din ng mag ina na dagdagan pa ng kalahating milyon ang bayad sa kanila kapalit ng pananahimik nila sa nangyaring iskandalo.

"Wag kang mag alala Terry,Ako na ang bahala sa lahat.I'll make sure na hinding hindi na nila gugustuhing lapitan pa si Joyce at kantiin kahit pa dulo ng daliri nito.Takot lang nilang maibalik sa kanila ang demanda at sila ang pagbayarin ni Joyce sa ginawa nilang mag ina sa kanya._Atty.Esguerra.Isa sa Lawyer ng corporation namin pero mas sa akin sya talagang naka toka kaya gamay na nya ang lahat ng tungkol sa personal at business issue ko.

"Salamat kung ganun.Ayoko na kasing mamoblema pa ng husto si Joyce tungkol dun.Grabe na nga yung trauma na naramdaman nya sa pag detain sa kanya kaya gagawin ko lahat para hindi na ulit mangyari yun._AKO.
Tinapik lang ako sa balikat ni Atty at saka sya nagpaalam na din.

"Sorry kung mukhang naka abala yata ako?Mukhang malalim yang iniisip mo eh._Yuri. Inaasahan ko ng pupuntahan nya ako at kakausapin.

"Ohhh,Ikaw pala.Please have a seat.Kaalis lang kasi ng abogado ko kaya meron lang akong naisip bigla.So,Ano bang atin?_AKO.Umayos ako sa pag upo para mas komportable kami habang nag uusap.

"Well first of all,gusto ko sanang humingi ng sorry about sa scandal na ginawa ko.Hahahahaha.Pasensya kana at ikaw ang napag tripan kong gawan ng kalokohan._Yuri. Nakangiting tumango tango lang ako.Iba din talaga mang trip ang mga mayayaman at ako talaga ang napili nya.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko,nag viral na ang video.Sumikat tuloy lalo ako.Hahahaha.Pero atlis nag apologize kana sa lahat kaya okey na sa akin yun._AKO.Dun ko nga din na proved na may pag asa pala talaga ako kay Joyce dahil according kay Dess,parang nagselos daw si Joyce sa kumalat na viral video namin.

"Pero hindi naman ako nagsisi sa ginawa kong yun.Kasi totoo namang bet kita.Kaya lang mukha namang hindi ako ang type mo kaya i le let go na lang kita.hahahaha.Anyways,Wag kang mag alala,tuloy pa din ung pledge kong 1M na donation para sa inilapit mong i isponsoran.Magpasabi ka lang kung kailangan mo na at ipadadala ko kay LEVI._Yuri. Wala na akong nasabi pa,kundi maraming salamat.Kung lahat ng mga nag pledge ay magsisipag donate na talaga,sigurado na ang pagpapa kidney transplant ng nanay ni Joyce.

"Boss Terry,Nasa baba po si Miss Joyce.Paaakyatin ko na po ba o kayo na lang ang susundo sa kanya?_Marie.My secretary.Kilalang kilala ng lahat ng staff ko dito sa building si Joyce dahil sa malaking painting nya sa lobby ng penthouse ko.Hindi pa man nila nuon nakikita si Joyce ng personal, alam na nilang sya ang special na babae sa buhay ko.Kaya ganun na lang ang galit ni Mommy sa kanya at sa akin na din.

"Salamat Marie,Ako na lang ang bababa.Pakisabi na lang na antayin nya ko sandali._AKO.Hindi ko din naman pwedeng basta na lang iwan si Yuri dito.

"Well,mukhang dumating na ang reyna ng K&J Empire kaya biglang nataranta ang lahat lalo na ang boss nila.Tamang tama,papa alis na din ako kaya sabay na tayong bumaba.Gusto ko ding makilala ng personal ang babaeng nagpapatibok sa puso ng Anghel._Yuri.Saka sya tumayo na sa upuan nya at sabay kaming sumakay ng elevator.

Malayo pa lang ay alam na alam ko ng si Joyce yung babeng nakaupo sa waiting area ng lobby katabi ng receptionist na si Mich.Habang wala ako ay kinakausap nya si Joyce para di mainip.Nakangiting ngiti ako sa kanya habang papalapit ng bigla akong hawakan ni YURI sa braso.
Nakita ko namang nawala bigla ang ngiting kanina lang ay sumasalubong sa akin habang papalapit ako sa kanya.Mula sa pagiging maamong kuting ay mistulang galit na leon ang mukha ni JOYCE na sumalubong sa amin ni YURI.


PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon