9.JOYCE

1.2K 54 1
                                    

Dahil mahilig akong magbasa ng mga fashion magazine at babasahing may kinalaman sa mga kilalang mga tao sa larangan ng business,Nalaman ko na si GD ang tagapagmana ng VAL AT ng CK Group.
Nabasa ko din sa isang fashion magazine ang tungkol sa pagiging Womanizer daw diumano ni TOP na laging nakikitang may ibat ibang mga kasamang babae halos buwan buwan.At ang pag feature kay Terry sa isang magazine na tungkol naman sa pagtulong at pagdodonate nya sa iba't ibang charitable Institution.Kaya ng malaman ko yun,sinikap kong umiwas sa kanila lalo na kay Terry na nag iisa palang anak ng mag asawang negosyanteng may ari ng lahat ng Terry's Grill sa buong bansa at shareholder ng Guillermo General Hospital.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi lang sapat ang mga gamot lang at palagiang pagpapa check up sa nanay mo,Dahil madaling magka kumplikasyon ang mga taong may sakit sa diabetes,pinapayuhan din kitang magpacheck up sa iba pang espesyalista._Doc Bermudes.(Endocrinologists-diabetes specialist na recomended ni Terry)

"Ganun po ba doc,Bukod po ba sa sakit ni nanay meron pa ba syang iba pang sakit?_AKO.Katatapos lang ng check up ni nanay at kasalukuyan syang inaasikaso ngayon ng nurse habang nakikipag usap ako kay doc.

"Kakasabi lang kasi sa akin ng nanay mo kanina na medyo nanlalabo nga daw ang paningin nya.Isa iyun sa kumplikasyon ng sakit na diabetes.
Nagkakaroon ng kumplikasyon sa retina o di kaya naman nauuwi sa katarata.Mabuti pang magpasuri din kayo sa isang Ophthalmologist para makasiguro at ng maagapan._Doc Bermudes.Saka ako biglang kinabahan.
Hindi kasi sinasabi sa akin ng nanay na may ganun na pala syang nararamdaman kaya hindi ko alam.

"Sige po doc,maraming salamat po.Agad agad po kaming magpapatingin sa Ophthalmologist para matignan kaagad si nanay.Magpapalam na po kami._AKO.Saka ko inakay si nanay sa paglalakad papalabas ng clinic.

"Anak,Hindi naman kailangang mag taxi pa,kaya ko namang magjeep.
Mas makakatipid tayo dahil isang sakay lang naman ang pauwi sa atin.
_Nanay.Nakangiti sya sa akin na para bang wala syang ibang karamdaman

"Nay naman,Bakit di nyo kaagad sinabi sa akin na nanlalabo pala ang mga mata nyo.Kailangan nating magpunta ngayon sa hospital para mapatignan kayo._AKO.Agad akong kumaway ng taxi pagkalabas namin ng clinic.

"Hindi naman ganun kalabo anak,Medyo maulap lang ng bahagya.Iniiisip kong dahil sa nagkaka edad na ako kaya ganun._Nanay.Saka sya humawak sa kamay ko para sabihing wag akong masyadong mag alala.

Dumiretso na kami kaagad sa bahay pagkatapos matignan ni nanay.Ikinikunsidera nga ng doctor na maaaring isa nga daw yun sa mga kumplikasyon sa sakit nya.Binigyan kami ng mga gamot at pinaalalahann sa tamang pagkain para ma prevent ang panlalabo ng mata ni nanay.

"Joyce,Papano na yan.Kapag nagtuloy tuloy ang panlalabo ng mata ng nanay anong gagawin natin?Kailangan na siguro talaga natin syang ipa opera para hindi na lumala pa at dumami ang mga kumplikasyon._Ate Zeny.Agad kong kinwento sa kanya ang sitwasyon ni nanay pag dating namin sa bahay.

"Yun nga din ang iniisip ko.Pero papano,San ako kukuha ng malaking halaga para kay nanay._AKO.Napapikit na lang ako at napausal ng panalangin para kay nanay.Sa ngayon,yun ang pinakamahalagang bagay na pinaghuhugutan ko ng lakas para magpakatatag.

"Isa ka pa din sa inaalala ko Joyce,Aba'y halos di kana kumakain at puro ka pag oovertime sa trabaho mo.Kahit naman maghilahod ka sa kakatrabaho duon sa mall na yun,hindi pa din makakasapat kung pati ikaw naman ay magkakasakit din.Alalahanin mong ang DIABETES ay sakit na NAMAMANA,kaya dapat ingatan mo din ang sarili mo._Ate Zeny.May mga times nga na halos nag skip na ko sa pagkain dahil sa trabaho ko.

"Wag kang mag alala sa akin ate,palagi naman akong nag iingat sa mga kinakain ko.At saka parang exercise ko na din yung paglakad lakad sa mall para mag check sa mga problema nila dun.Ang mahalaga ngayon,mapa operehan si nanay sa lalong madaling panahon._AKO.

"Ipagdasal natin na maraming tumulong sa atin para makalikom ng sapat na salapi para sa pagpapa opera kay nanay.Para naman hindi na sya mahirapan at hindi na palaging pabalik balik sa hospital._Ate Zen.

●●●●●

"Kailangan na pala talagang maoperahan ang nanay mo bago pa magpatung patong ang kumplikasyon nya.Mas mahirap kapag pinatagal pa at magkaroon pa syang ibang karamdaman._Dess.Andito kami ngayon sa canteen para maglunch.

"Joyce,Suggestion lang ha.Tutal para naman yun sa nanay mo at sa pagpapagamot nya,bakit di ka lumapit dun sa asawa ng tatay mo.
Baka sakaling totoo namang may naiwan ang tatay mo sa inyo kaya karapatan mong kunin ang para sayo._Sally.Naiisip ko na din sanang lumapit sa kanya pero napakadami kong iniisip na pwedeng mangyari sa akin.Ayoko ng makadinig pa sana ulit ng mga pang iinsulto at pangmamaliit sa pagkatao ko,ayoko na ulit maramdaman yung pakiramdam na yun.

"Kung gusto mo naman,Kay Terry ka lumapit.Pwede kang matulungan nun.Alam mo naman na hinding hindi ka pahihindian nun._Dess.
Ayokong isipin ni Terry na pera nya lang ang habol ko sa kanya.Kaya hindi ko nanaising isali pa sya sa mga problema ko.

"May mga options pa naman akong pwedeng pagpiliian.Ang sabi ni Ate Zeny,may mga tulong daw na pwedeng ibigay ng gobyerno basta magtityaga lang sa paglakad ng mga papers na hinihingi nila.Kaya ganun na lang muna ang gagawin ko._AKO.Kaya lang,maglalaan talaga ako ng malaking time para sa paglakad lakad ng mga papers dahil sa gobyerno naman kasi talagamg madaming hinihingi.

"Pero nagta trabaho ka,Ang sabi sa akin ng kakilala ko halos madaling araw pa lang daw kailangan nakapila kana sa goverment hospital at halos pabalik balik kapag may hinihingi sayo yung mga dokumento.Ang worst pa dun,kailangan pati yung pasyente dadalhin mo at kasa kasama sa pagpila.Hindi ba dun pa lang,kalbaryo na para sa mga may sakit._Dess.
Totoo naman yung sinasabi ni Dess,may mga ksabayan din kasi kami sa hospital nuon na ganjn nga ang mga kwento at karanasan.
Pero wala naman akong ibang choice kundi magtyaga,para kay nanay at sa ikagagaling nya.

"Joyce,Bakit hindi mo ireconsidered ang inaalok na tulong sayo ni Terry.
Madami syang private Institution na malalapitan para ka matulungan.
Ang sabi sa akin ni GD,Member si Terry ng guild para sa mga taong may Cancer at madami na silang napagamot kahit pa sa ibang bansa.Wala naman sigurong masama kung lalapit ka sa kanya para mas mapadali ang pagpapa transplant ng Nanay mo._Sally.Napangiti lang ako ng bahagya sa sinabi ni Sally at saka napayuko.

Sa totoo lang,gustong gusto ko na din talagang kapalan ang mukha ko at lumapit kay Terry talaga.Pero may bahagi ng pagkatao ko pumipigil sa akin para gawin yun.Natatakot lang akong mas lalong mabaon ng utang na loob sa kanya at lalong mas natatakot akong mas lumalim pa ang nararamdaman sa kanya.Hindi sa mayamang gaya ni Terry ko gustong Ma Inlove.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon