Madaling araw pa lang ay nakapila na ako sa PCSO para sa paglalakad ng mga papers ni nanay.Malaking tulong din ang maidadagdag kung sakaling maaprove ang mga benifits para sa pagpapa opera ni nanay.Sa mga panahong ito,kailangan kong maging matatag at magtyaga.Binabalak ko ding makipag kita sa Asawa ni tatay at magbakasakaling tutugunan nya ang pakiusap ko.
"Naku pasensya na Miss,hindi basta basta nakikipag usap si madam kapag wala kang skedule sa kanya.Kung gusto mo bumalik ka na lang sa ibang araw o kaya naman tatawagan ka na lang kapag available na syang makausap._Secretary sa bagong opisina ng anak ni tatay.
"Ganun po ba,Mag iiwan na lang po ako ng number ko just incase mapagbigyan nila akong makausap sila._AKO.Nag abot ako sa kanya ng papel na may numero ko at pinalakihan ko pa ang pagkakasulat ng pangalan ko.
"Sige po tatawagan na lang kayo kung sakali._Secretary.Saka ako tumayo na at lumabas ng building nila.Hindi kalakihan ang opisina at kakaunti pa lang ang staff na meron sila,ganun pa man,hindi na masamang pasimula para madagdagan pang lalo ang pera nila.
"Pambihira naman yang asawa ng tatay mo,meron pang pa iske skedyul sa sekretarya nya para makausap.Akala mo naman kung sinong may ari ng malaking kumpanya.Maiba mga pala ako,Si Terry ba nakausap mo na? Meron syang sinasabi sa akin nuon na foundation na maaring malapitan daw para mahingian ng tulong.Kung makakausap natin sya,malaking maitutulong nya para sa pagpapa transplant ni nanay Joyce._Ate Zeny.
Sa bahay na ako dumiretso para na din makatipid kesa sa labas pa ako kakain.Mula kasi kaninang madaling araw hanggang ngayong hapon saka lang ako nakakain."Ate,Pupwede bang wag na lang natin ipaalam kay Terry ang sitwasyon ni Nanay?Alam mo naman yun kapag nalamang nangangailangan tayo hindi titigil hanggat di nakakapag bigay ng tulong nya.Masyado na syang madaming iniisip at ayoko ng makadagdag pa._AKO.At iniiwasan ko ding makarating na naman sa mga magulang nya na muli na naman nya kaming tinulungan.
"Joyce naman,Ngayon mo pa ba naman paiiralin yang pride mo na yan?
Kung tutuusin nga,Kung tinatanggap mo na nuon pa ang tulong ni Terry sa atin,hindi na lalala pa ang kondisyon ni Nanay ng husto.Hay naku ewan ko ba sayo kung bakit ayaw na ayaw mong tinutulungan ka._Ate Zeny.Saka ako iniwan na sa sala at bumaba na sa bahay nila.Napaiyak na lang ako ng mahina habang nakatakip sa mukha.Ayokong madinig ni nanay ang pag iyak ko.Ayokong makikita nya akong piannghihinaan na ng loob.CONFIRMED: Commercial director/restaurant chain and hospital heiress...Katarina Guillermo is a LESBIAN.
Huling huli sa video ang naganap na paghahalikan ng sumisikat na commercial director at ng anak ng business tycoon ng Taiwan na sina Katarina at Yuri sa isang bar.
Kitang kita din sa video na pareho pa silang nakasuot ng parehong brand ng damit kaya lalong tumibay ang ebidensyang hot couple nga ang dalawa ayon na din sa kumakalat na video sa social media.
"Joyce,Napanuod mo ba yung video?Ang akala ko talaga ikaw ang gf ni Miss Terry,yun pala si Miss Yuri ang totoong gf nya.Sabagay,bagay naman sila kasi pareho silang mayaman._Supervisor Annie.Sabay kasi kaming pinatawag sa office para sa briefing ng bago naming produkto.
"Hindi ko pa napanuod,nabasa ko lang.Tama ka naman,bagay talaga ang parehong mayaman._AKO.Napansin siguro nya na wala akong gana makipag tsismisan kaya hindi na din sya nagsalita.Sakto namang dumating si Miss Aimee sa opisina at saka nya ipinaliwanag sa amin ang mga dapat naming gawin.
"Syanga pala Miss Joyce,Darating ulit mamaya yung VIP na si Yuri at ikaw ang nirequest nyang mag assist sa kanya,Is that okey with you?_Miss Aimee.Alam kong may kinalaman yon sa kumalat na video,kaya nya ako tinanong.
"No problem Miss Aimee.Ako na po ang bahalang mag assist sa kanya mamaya._AKO.Saka kami bumalik na sa mga pwesto namin ni Annie.
"Wag mong paniwalaan lahat ng nababasa at napapanuod mo sa social media Joyce,Alam naman nating hindi ganung klase ng tao si Terry at loyal yun sayo._Dess.Nasa canteen kami para sabay sabay na mag lunch.
Actually,bihira na kaming magkasabay sabay kumain since iba iba na kami ng skedule.Madalas ding sina Top at Dess ang sabay ng kumakain mula ng malipat ulit si TOP dito sa CK mall."Tama si Dess Joyce,Hindi totoo yung issue na yun.Pinalaki lang nila ng husto para mapag usapan.Nakausap ko si GD at sinabi nya ang totoong nangyari.Hindi daw talaga..._Sally.
"Pwede bang wag na natin yun pag usapan.Sa totoo lang,wala naman sa akin kung totoo man o hindi yung balitang yun.Sa dami ng dapat kong unahing gawin at isipin,hindi ko na maisingit pang ipasok sya sa utak ko.
_AKO.Agad kong pinutol ang iba pang sasabihin ni Sally dahil ayoko syang madinig pa.Mula pa kasi pag gising ko pa lang yun na kaagad ang bungad na balita sa akin ni Ate Zeny."Joyce naman,Wag ka ngang magkunwari dyan na di ka apektado.Alam mo sa sarili mo na nasasaktan ka kaya need mong malaman ang katotohanan.Hindi yun magagawa sayo ni..._Dess.Hindi ko na inintay matapos pang mag salita si Dess at kaagad akong tumayo bitbit ang pinagkainan ko.Uminum lang ako ng tubig at saka ako mag isang bumalik na sa loob ng mall na hindi sila parehong nilingon pa.
"Joyce,Can we please talk?Kahit na sandali lang_Terry.Naabutan ko syang nag aantay sa akin sa supervisors quarter na nakaupo at may dalang bouquet ng white roses at agad tumayo ng makita ako.Huli na para umatras kaya wala akong nagawa kundi magpakita.
"Meron ba tayong dapat pag usapan?Sa pagkaka alam ko kasi,oras na ng trabaho kaya hindi ako pwedeng makipag kwentuhan pa._AKO.Casual lang ako at kalma sa harapan nya,pero sa loob loob ko parang gusto kong matumba.
"About dun sa kumalat na news about me...Gusto ko sanang mag explain sayo walang katoto..._Terry.Yung boses nyang parang iiyak na pero pinipigil lang.Ayokong madinig ang paliwanag nya kasi baka hindi ko kayanin at baka di ko mapigilang bumigay na sa kanya.Mas mabuti na yung ganun na nga lang ang paniwalaan ko para kahit papaano may dahilan pa ako para pigilan ang nararamdaman ko sa kanya.
"Wala kang kailangang ipaliwanag dahil unang una,wala naman tayong relasyon.Wala din naman sa akin kung may kahalikan ka man o may totoong karelasyon ka man dahil hindi ko naman hawak at pagmamay ari ang puso at isipan mo.Kailangan ko ng bumalik sa pwesto ko at may VIP pa akong dapat iassist maya maya._AKO.Iniwan ko syang mag isa sa loob at saka ako nagmamadaling pumasok sa comfort room at dun ko na lang iniiyak ang lahat.
Sa totoo lang,Nang madinig ko ang balita nung umaga pa lang parang biglang namanhid ang buo kong katawan.Walang dudang apektado ako sa balita pero hindi ko yun dapat ipahalata sa lahat.Alam kong hindi yun ang totoong nangyari pero mas minabuti ko na lang na wag pakinggan at magbingi bingihan sa harap ng mga kaibigan at ni Terry.Sabi nga sa kasabihan.."What you do not know wont hurt you"...
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...