50.JOYCE

1.2K 48 0
                                    

NORTHERN LIGHTS NORWAY:Aurora Boules

Makapal na ang pang ginaw na suot suot namin pero ramdam pa din ang lamig na tumatagos sa aming kalamnan.At dahil hindi namin nasilayan ang Northern lights,Inenjoy nalang namin ang SPA,(The WELL)25 mins ang layo mula sa Oslo.May shuttle bus ng naka abang patungo duon mula sa hotel na tinutuluyan namin.

"Ang laki naman pala ng Bath house nila dito Mahal,Parang sing laki na ng hotel na tinutuluyan natin ah._Bulong ko kay Terry habang magkasabay kaming pumasok sa shower room.May 100 silang shower room duon kaya naman malaya kang makakapamili kung saan mo gusto mag shower.

"So papano ba yan Mahal,Kailangan mong mag shower ng mabuti at bawal ang may suot na damit._Pilyang sabi sa akin ni Terry.Kahit na buntis na ay sexy pa din syang tignan dahil nga sa payat nyang katawan.

"Pwede namang bumili ng swim wear nila noh.Si Mommy nga din bumili ng para sa kanya eh.Ikaw na lang ang mag shower ng naked at dun na lang ako sa kabilang shower room maliligo._AKO.Iniwan ko sya mag isa sa shower room at sa kabilang room ako nag shower.Required kasi sa spa na yun na bawal ang  naka damit para mapanatili ang kalinisan ng spa.
Tanging bathrobe lang ang kailangan mong isuot kapag maglalakad ka at dapat na nakahubad kapag gagamit ka ng sauna,jakuzzi at pool.

"Mahal,Tapos na ko mag shower.Pwede na ba kong pumasok dyan?_Terry.
Sa Jakuzzi hot tub muna kasi namin napag usapang unang magbababad tapos saka kami lilipat sa steam hot sauna room.

"Oo,Tapos na din ako Mahal.Halika na dito._AKO.Kapag kasi swim wear na galing sa kanila,siguradong safe at malinis.Kahit mag asawa na kami ni Terry,hindi pa din ako sanay na nakikita syang nakaed kaya pumikit na muna ako habang nag tatanggal sya ng robe nya at saka sya lumusong sa jakuzzi paharap sa akin.

"Hahahahha.Mahal talaga,Napaka manang mo.Nakita mo na naman ang lahat lahat sa akin ah,Ikaw din naman nakita ko na yan tapos hiyang hiya kapa ding tignan ako.Tayong dalawa lang naman ang nandito ah!_Terry.
Dahan dahan akong dumilat kasi alam ko namang naka lublob na si Terry sa tubig.

"Sorry naman,Hindi pa lang kasi sanay.Basta,wag mo kong madaliin,later on masasanay din ako._AKO.Pero lumapit naman ako sa kanya at magkatabi naming inenjoy ang jakuzzi.May kalahating oras din kami nag stay duon at saka kami lumipat sa hot spring pool.Parang nawala lahat ng pananakit ng mga buto at kalamannan namin sa mainit init na tubig mula tubig.Basta magkatabi lang kami duon na nagrerelax at nagkukwentuhan habang nakababad.

Eksaktong dalawang oras kaming nag stay duon at ng umahon kami ay tamang tama namang pinatatawag na daw kami ng mommy at daddy ni Terry para kumain.Maging sa restaurant ay naka bathrobe lang kaming lahat.Sa Norway ay hindi naman bigdeal ang mga nakahubad na mga naglalakad,mapapansin mo lang na hindi taga Norway ang mga tao na nanduon gaya namin kapag tagong tago at balot na balot ang katawan.Bawal na bawal din sa loob ng SPA ang pagkuha ng mga larawan.

"Haaay maloloka ako sa mga nakahubad na tao dito.Mabuti pa at bumalik na tayo sa apartment nyo at duon na lang tayo mag stay.Nawala nga ang stress at pagod ko,kaya lang naloloka naman ako sa mga naked na naglalakaran dito sa spa.Dyos miyo mahabangin._Mommy.Tawa naman ng tawa sila Terry at Daddy sa reaksyon ni Mommy habang nagkukwento.

"Pero need pa nating dumaan ng mall mom,Wala kang pasalubong sa mga amiga mo.Saka yung staff mo diba sabi mo bibilhan mo din ng mga tshirt.
Isama mo na din pala yung staff ko sa building,para hindi ko na poproblemahin ang mga pasalubong nila kapag umuwi kami ni Joyce._Terry.

"Oo na.Sinasamantala mo porke buntis ka at alam mong hindi ako makakahindi sayo ngayon.Yung mga kaibigan nyo nga pala,Hindi ba nagpapabili sayo ng watch si TOP,at si GD ng sapatos?_Mommy.
Saka ko naalala na kabilin bilinan  nga pala nung dalawa na wag daw  kalimutan ni Terry yung request nila.Couple watch and shoes na lang ang sinaggest kong bibilhin nya para pati sina Sally at Dess na din ay hindi na namin problemahin kung anong ipasasalubong.

"Good idea wais kong Misis! Maganda itong latest na rolex watches na inilabas nila,parang type ko din para sa atin eh.What do you think Mahal?
_Terry.Saka ako napatakip ng bibig dahil sa gulat,Sobra naman kasing mahal nung relo na yun.Isang mamahaling kotse na din ang halaga nun kung tutuusin.

"Are you sure na yan talaga yung pinabibili sayo ni TOP?Grabe ang mahal naman nyan.Tapos dalawa pa sila ni Dess.Sapatos na lang din ang bilhin mo sa kanila._AKO.Di hamak kasi na mas mura ang presyo nung sapatos na yun kaysa sa relo.

"Don't worry Mahal,Hindi naman yan yung pinabibili ni TOP.Para sa ating dalawa yan.Si Mommy naman ang magbabayad kaya okey lang yan.
_Terry.Agad nyang isinuot sa kamay ko yung relo at saka nya naman isinukat yung para sa kanya.Pinicturan nya muna habang magkahawak kami ng kamay at saka nya pinabalot na dun sa tindera.

"Daddy,Mommy lets go na po.Dun na tayo sa CK shop bumili ng mga tshirt.
Dont worry,may discount ako sa lahat ng CK branches dahil VIP member ako._Terry.Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa shopping area ng Oslo.Napansin ko na masaya si Terry habang kasama namin ang parents nyang nag sa shopping.Para syang bata na paminsan minsang umaakbay sa mom at dad nya habang may itinuturong gusto nyang ipabili.Agad naman yung bibilhin ng mommy nya at saka nya bibigyan ng kiss bilang pasasalamat.

"Nakita mo ba kung gano ka spoiled yang asawa mo sa mommy nya ha Joyce?Parang bata na lahat ng ituro,bibilhin naman ng nanay nya.Mabuti na lang at may pera ang tatay nya dahil kung hindi,matagal na kaming namulubi sa luho at kapritso nyang asawa mo.Pero kapag mula sa sarili nyang savings,naku po...Wala kang mapapala dyan._Daddy.

"Hayaan mo na,Matagal tagal na din yung huli nating shopping together.
Saka para naman sa kanilang mag asawa yung mga pinabili nya.Sa susunod,mga gamit naman ng apo ko ang bibilhin natin.Dun ko sya ipamimili sa Disneyland ng mga damit._Mommy.Napangiti na lang ako.
Napaka swerteng bata,Hindi pa man pinanganganak sigurado na ang magandang hinaharap at kinabukasan.

"Yan ang gusto ko kay Mommy eh,Sobrang galante sa mga mahal nya.
Kaya mahal na mahal kita mom eh,Wala kang di ibibigay sa amin basta hiniling namin at kailangan namin.Thanks mom,Sabi din ni baby KATIE IKAW DAW ANG PINAKA THE BEST LOLA IN THE WORLD!_Terry.
Pinahawakan nya ang tyan nya sa mommy nya at saka masayang tumawa ng malakas ang mommy nya.Sumipa daw kasi si baby Katie at naramdaman nya.


PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon