38.JOYCE

1.1K 61 1
                                    

Kulang apat na oras ang isinagawang kidney operation kay nanay.Mga tatlo hanggang apat na araw daw ang  itatagal bago pa sya unti unting maka recover at kailangan nya ng bumangon ng bahagya para hindi magkaroon ng bedsore.Sa kabuuan,isa hanggang dalawang linggo ang kinakailangang itagal ng pamamalagi nya sa hospital hanggang sa tuluyan ng gumana ang kidney na ikinabit sa kanya.

"Ate Zen,Basta tawagan mo kaagad ako kapag may problema ha.Yung mga gamot ni nanay,wag mong kakalimutan.Hindi sya pwedeng lumiban sa oras ng pag inum.Ikaw na muna ang bahala sa kanya.Uuwi kaagad ako ng maaga para maaga ka ding makauwi._AKO.Pagkatapos kasi ng mga tatlong araw kong pagli leave sa trabaho,kinakailangan ko na ding ayusin ang mga papers ko para sa paglipat sa bagong boutique ni Miss Sydney.
Sa isang linggo na din kasi ang opening ng store kaya kailangan ko ng maghanda.

"Ano kaba naman Joyce,Alam ko na ang mga gagawin.Wag mo ng masyadong alalahanin si Nanay at ako na ang bahala sa kanya.At saka may mga nurse namang umaasikaso sa kanya dito kaya hindi sya makakaliban sa pag inum ng gamot.Sige na,pumasok kana at baka malate kapa._Ate Zen

"Sige ate aalis na ko.Nanay,magpalakas ka ha.Wag kang masyadong magkikikilos baka mabinat ka.Sundin mo ang sabi ng doktor mo okey?
_AKO.Tapos ay humalik ako sa nuo nya at saka kinuha ko na ang bag ko.

"Ito talagang anak ko,masyadong nag aalala.Nasa hospital na nga ako kaya hindi ka dapat mangamba.At saka hindi nila ako pinababayaan dito._Nanay.Ngumiti ako sa kanya at saka lumabas na ng kwarto.Hindi ko inaasahan na sa paglabas ko ng hospital ay may nag aabang na pala sa akin sa labas.

"Hello my LOVE,Good morning._Terry.Sinalubong nya ako ng isang sariwang rosas at saka pinagbuksan ng pinto sa kotse nya.

"Good morning din.Hindi ko alam na susunduin mo pala ako,dapat mas inagahan ko pala ang paglabas,Kanina kapa ba dyan?_AKO.Naka white polo sya na nakatupi hanggang siko ang manggas at saka black pants na ripped skinny.Nakatali din ang medyo humahaba na nyang buhok at saka branded na sneaker shoes.Pormang mayaman at mukhang artista.

"Hindi naman masyado,Sakto lang sa paglabas mo.Natagalan kasi ako sa flower shop dahil hindi ako nakapag pa reserve kaagad.Mabuti nga at pinagbigyan pa ako kahit wala akong order.Lets go na para di ka ma late sa work mo._Terry.Sya pa mismo ang nagkabit ng seatbelt ko kaya bahagyang nagkalapit ang mga mukha namin.

"Bakit ba naman kasi may pa flowers pa.aSiguradong kantyaw ang abot ko neto kina Dess at Sally pag nakita ako nung dalawa.Anyways,salamat pala dito.A for effort ka talaga._AKO.Mula ng maging okey na kami,walang araw na hindi ako pinakikitaan ni Terry ng effort nya para mapasaya ako.
Kaya naman,kahit hindi pa ako sanay sa mga paglalambing nya pinipilit ko pa ding suklian ng pasasalamat ang mga ginagawa nya sa akin.

"Masanay kana,Kasi araw araw ko na yang gagawin sayo.Alam mo namang matagal ko ng gustong iparamdam sayo kung gano kita kamahal diba,Ngayong pwede na kitang ligawan,gagawin ko lahat para mapa sagot kaagad kita sympre._Terry.Kahit nasa labas ng kalsada ang tingin ko,Ramdam ko ang mainit na pagtitig sa akin ni Terry habang nagda drive sya.Ganun nya talaga ako gustong mapasagot at lahat talaga gagawin nya para sa akin.

"Ang aga aga mo naman palang manligaw.Para kang intsik!hahahaha.
Dun ka nga sa kalsada tumingin at wag sa akin.Baka naman mabangga pa tayo nyan eh._AKO.Natawa din sya sa sinabi ko at saka nag concentrate na muli sya sa pagmamaneho hanghang sa makarating kami sa CK mall.

"Susunduin kita mamaya at sabay tayong magdinner ha.Intayin mo lang ako okey?See you late LOVE!_Terry.Hindi na sya bumaba ng kotse kaya ako na mismo ang nagbukas ng kotse para makalabas.Tumango naman ako sa kanya at saka dumiretso na sa entrance gate ng mga employees.

"Hoy ano yan ha,Bakit may pabulaklak pa si Direktor?Dont tell me,Nanliligaw na sya talaga sayo?_Dess.Saktong pagpasok ko sa loob ng mall,sya ding paglitaw ni Dess mula sa harapan ko kaya bahagya aking nagulat.

"Alam mo ikaw,Nakaka gulat ka.Grabeh.Sabi ko na nga ba at hindi mo ko paliligtasin sa pag i interogate mo sa akin dito sa bulaklak na hawak ko eh.
_AKO.Sabay na kaming pumasok sa loob ng locker room namin at saka ko iniwan ang bag ko sa loob.Yung bulaklak naman,balak kong dalhin dun sa mesa ko sa opisina at bilhan ko ng base.

"Naks naman,Ang sweet.Fresh flowers from your admirer.Yieeee_Sally.
Kadarating lang nya sa mall kaya ngayon nya lang nakita ang dala kong bulaklak.Gaya ni Dess,panay din ang kantyaw sa akin ng mga katrabaho ko at kapwa visor ng makita nila ang dala kong bulaklak.

"Haaay naku,Talagang agaw atensyon itong mga bulaklak ni Terry aba!
Buong maghapon na lang na ako ang tampulan ng tukso sa buong department natin.Nakakahinayang naman kung itatapon ko._AKO.
Matapos ang pag aayos ko ng papers at pagtuturo sa papalit sa akin sa pwesto,Sabay sabay kaming lumabas na ng mall pagtapos ng duty namin.

"Sabihan mo si Terry na sa hospital nya na ipadala yung bulaklak para duon na lang sya naka display.Baka naman kasi magmukhang flower shop yung maliit mong mesa dun sa mall kapag araw araw mong pinuno yun ng bulaklak.hahahaha_Dess.

"Oo nga.Mabuti sana  kung nandun kana sa boutique ni Ate Syd,okey lang na mapuno ng bulaklak yung mesa mo kasi malaki yun._Sally.

"Ayun naman,At ate Syd na pala ang tawag mo kay Miss Sydney.Isa kapa eh...Alam nyo kayong dalawa,gusto nyo akong iniinggit na may mga lovelife kayo.haaaist!Kaloka.Speaking of lovelife,Ayan na mga sundo nyo.
_Dess.Dumating kasi si GD at Terry ng sabay dala ang mga sasakyan nila.

"Hahahahha.Ikaw din naman may lovelife sana ah.Sabi mo kasi sasagutin mo na si Kelvin tapos nagbago isip mo.Saka hindi pa kami ni Terry.Nanliligaw palang sya._AKO.Sinadya kong ipadinig ang sinasabi ko sa papalapit na si Terry at saka sya na pangiti sa akin.

"Sagutin mo na kasi Joyce para hindi na umiyak yang bestfriend ko.hahahha.Im just kidding...Pahirapan mo na muna para mas intense.
Kuripot pa naman yan kapag naging kayo na._GD.Natawa naman kaming lahat dahil nag make face si Terry sa kanya ng itsurang nakadila.

"Excuse me,hindi ako kuripot noh!Hindi lang ako maluho gaya mo._Terry
Magarbo kasi si GD kapag nagdi date sila ni Sally.Dahil may sariling plane sya,madalas sa ere silang dalawa nagdi date.

"E di kayo na may mayayamang manliligaw!Sige na,dyan na nga kayo at baka gabihin pa ako.Ingat and enjoy guys!_Dess.Kumaway naman kami sa kanya at saka kami nagkanya kanya na ng sakay sa kotse.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon