52.JOYCE

1.1K 43 0
                                    


THE GUILLERMO MANSION

Nagtataasang mga bakod,malawak na hardin at malalaking puno sa daraanan bago ka makarating sa mismong mansyon ng bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtataasang mga bakod,malawak na hardin at malalaking puno sa daraanan bago ka makarating sa mismong mansyon ng bahay.
Hihingalin ka kung lalakarin mo lang ang pagpunta at pagbalik mula sa gate ng bahay nila.Ganun kalaki ang mansyon nila Terry.

"Ito si Uncle Molly,Ang driver at bestfriend ni daddy.Mang Herman naman ang taga pangalaga ng hardin,Si manang Edith ang head chef at ang anak nyang si Judith naman ang personal secretary ni Mommy.Sila yung madalas mong makakasama dito sa bahay kaya sila kaagad yung pinakilala ko sayo sweety._Terry.Namula naman ako ng tawagin nya akong sweety sa harap nila.

"Welcome sa Mansyon ng mga Guillermo madam.Sana'y mag enjoy kayong makasama kami kahit na ganito ang mga itsura namin dito._Jovi.
Palabiro si Jovi sa palagay ko kaya mukhang magkakasundo kami.

"Salamat po sa pag welcome.Im looking forward to get to know you all po.
Joyce nalang po ang itawag nyo sa akin at ituring na kapamilya nyo na din gaya ni Terry._AKO.

"Naku,Napaka swerte naman pala nitong alaga namin.Napaka ganda mo pala talaga iha.Sa picture at sa painting lang kita nakita minsan nung dumalaw ako sa K&J Empire pero higit na maganda ka pala sa personal.
_Uncle Molly.

"Syanga,Sang ayon ako dyan sa sinabi mo Mulong...Hindi lang maganda, mukhang napaka bait pa.Kaya hindi na ko magtataka kung.._Mang Herman.Kaagad kasing pinutol ni Manang Editha ang sinasabi ng asawa nya at saka nahiyang tumigil na sa pagsasalita si Mang Herman.

"Ang mabuti pa,Kumain na kayong dalawang mag asawa.Magluto ako ng masarap na ulam.Paborito mo itong lahat,Madam Joyce._Manang Editha.
Napalingon naman ako kay Terry,Papanong alam ni Manang Editha ang mga paborito ko

"Sinabi ko sa kanya na kung ano ang paborito kong kainin,paborito mo din.Kaya ayan,garlic shrimp,beefsteak,relyenong bangus,patatim at ang lechong baboy made by our very own chef...Manang Editha._Terry.
Nagtawanan silang lahat kaya pati ako natawa na din.Uu nga naman pala, sinabi ko kasi nuon kay Terry na wala akong partikular na paborito.Kaya kung ano ang gusto nyang kainin,yun na din ang paborito ko.

"Salamat po Manang sa masarap nyong mga luto.Hindi po ba natin aantayin sina mommy Gina at daddy Leon?_AKO.Kay Terry ako nakatingin.

"Mamayang gabi pa uuwi sina mom and dad kaya sa dinner na natin sila makakasalo.For the meantime,tayo na munang dalawa ang mag enjoy sa mga pagakaing niluto ni Chef._Terry.Nagsimula na syang maglagay ng rice sa plato ko at saka nagsalin ng water sa baso.

"Teka,Bakit tayo lang.Sumabay na din po kayo sa amin.Since Welcome party naman po ito para sa akin,Samahan nyo na po kami ni Terry.
Sige na po,Madami naman itong pagkain...Pati po yung iba pang kasama nyo dito kumain na din po._AKO.Saka naman silang lahat sumabay na din sa amin.Halos mapuno ang dinning table sa dami pala ng mga kasambahay nila Terry.

"Wow,Ngayon ko lang nakitang mapuno itong dinning table ah.Ang saya pala.Ngayon ko lang nalaman na almost 20 pala lahat ng mga kasama ko dito sa bahay._Terry.Mula kasi sa side ko,nasa eleven kaming nakaupo at sa side naman nya ay nasa labing apat sila.Si Manang Editha lang ang hindi sumabay sa amin dahil may dessert pa daw kasi syang hinahanda.

"Ang totoo nyan teryang,Bibihira din kaming magkasabay sabay dito kumain.Pano naman,iba iba din ang skedyul nyong mag aama sa pagkain. Kaya hindi kami pwedeng magsabay sabay._Uncle Molly.

"Salamat kay Madam Joyce at napilit nyang makisabay yang sina Ate Delia at Kuya Mando na ubod ng mahiyain.Pati yang tatlong chismosa na sina Diding,gigi at bebang...Ayaw ng may ibang kasabay dahil ayaw madinig yung pinagchichismisan nila._Juvy.Nahiya namang nagtakip ng mukha nila yung tatlo at saka sila ulit lahat masayang nagtawanan.

"Joyce na lang po ang itawag nyo sa akin,Wag na pong madam._AKO.Naiilang naman ako kasi sa tawag na madam,Hindi naman ako ang may ari nitong bahay.

"Aba,mukhang nagkakasayahan kayo dito ah! Nahuli na ba kami?_Daddy ni Terry.Lahat naman kami ay napatigil sa pag iingay dahil sa pagdating ng mag asawa.Walang reaksyon sa itsura ni Tita Gina,pero lahat kami ay natahimik lahat.

"Dad,Mom! Nagkakasiyahan lang kami dito.Come on join us.Akala namin mamayang gabi pa kayo uuwi eh.Makisalo kayo sa amin._Terry.

"Kaya naman pala walang sumalubong sa amin pagpasok,andito kayong lahat.Pagkatapos nyo dyan,Saka nyo na lang ako tawagin.Ayokong kumain ng madaming kalat sa mesa.Enjoy your food._Tita Gina.Umalis sya kaagad sa dinning area at naiwan kaming lahat na tahimik.

"Naku wag nyong alalahanin ang madam Gina nyo,kumain lang kayo dyan at mag enjoy.Susundan ko lang muna sya at sasabay na kong kumain sa kanya mamaya.Welcome sa bahay Joyce and enjoy._Daddy Leon.

Napansin kong biglang naiba ang mood sa harap ng kainan at lahat sila'y nagmadali sa pagkain.Isa isa din silang nagpaalam sa amin ni Terry pagkatapos nilang maubos ang mga pagkain nilang nakalagay sa plato.Walang ni isang nagtangka pang bumalik ulit at sabayan kaming matapos.

"Salamat po sa masarap at masayang pananghalian chef Editha.Sana po minsan ay maturuan nyo din ako papano lutuin ang mga paboritong ulam ni Terry._AKO.Si Manang Chef na lang kasi ang naiwan sa table para mag assist sa amin.

"Salamat at nagustuhan mo ang mga niluto ko.Wag kang mag alala,magsabi ka lang kung kelan mo gustong matuto sa pagluluto ng mga paborito ng asawa mo at tuturuan kita.Saka Manang Edith na lang ang itawag mo sa akin at wag ng chef,Sa mga hotel at sosyal na restaurant lang tumatawag ng ganun._Manang Edith.

"Alam mo manang,hindi ka mahihirapang turuan tong asawa ko dahil marunong talaga syang magluto.Saka masarap din.Salamat sa pananghalian Manang,Aakyat na muna po kami sa taas para makapagpahinga na din._Terry.Inakbayan nya ako habang naglalakad kami papalabas ng dinning area.Sa laki ng mansyon nila Terry,Malamang na maligaw ako kapag sinubukan kong maglakad ng mag isa lang.

"Terry,Bakit di sumabay sa atin ang parents mo sa pagkain.Papano mamaya sa dinner,tayo lang din bang dalawa ang kakain?_AKO.Now ko lang nakumpirma,hindi lang pala ako ang takot sa mommy ni Terry kundi lahat ng mga tauhan nila dito sa mansyon.Ganun ba talaga sya ka terror at kahit ang mga kasambahay nya ay ilag sa kanya?

"Ofcourse not,Mamaya sasabay na sila sa atin kumain sympre.Pagod lang talaga yan si Mom.Saka nasanay sya na madaming sumasalubong sa kanya kapag darating sya.Btw,Bakit ba panay Terry ang tawag mo sa akin ha...
Mahal ko.Mag asawa na tayo kaya wag ka ng mahiya na tawagin ako ng ganun sa harap ng mga tao okey?_Terry.Tumango naman ako at saka ngumiti sa kanya.Isang halik naman sa lips ang iginanti nya sa pagtango ko.

"Terry talaga!Nakakahiya naman sa mga nakakakita.Baka sabihin kung ano ng ginagawa natin._AKO.Saka ko sya hinila paakyat sa hagdanan nilang napakalaki at napakataas pala.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon