27.TERRY

1K 50 0
                                    

Putol lahat ng credit card ko pati na din ang allowance ko from Terry's every month.Maging ang limang kotse ko na galing pa ng US ay naka hold na din.Sina Mom kasi ang bumili nun sa akin.Mabuti na lang at mayroon akong savings na hindi nila alam kaya may sarili pa din akong perang pang gastos sa araw araw.At dahil sila din ang isa sa dahilan kaya ako naging director,hindi na muna ako nag accept ng mga trabaho as a director.Pakiramdam ko kasi,wala akong sariling identity at lahat ng meron ako,dahil sa mga magulang ko.

"Papano mo naman mapapatakbo ng maigi yung building mo kung wala kang pera ha aber?May mga tauhan ka dun na umaasa sayo.Kapag di ka tumanggap ng trabaho,sa palagay mo di ka aalisan ng mga yun at maghahanap ng ibang mapapasukan?_TOP.Dito nya ko sa penthouse inabutan.Si GD naman ay nasa Hawaii ngayon at may problemang inaayos

"Ayoko nga kasing magtrabaho.Ang sakit kaya sa ego na akala ko talaga dahil sa sarili kong kakayahan kaya ako naging director,yun pala nilakad lang ni Dad para mangyari yun.Kung mag apply na lang kaya akong crew dyan sa fastfood mo?_AKO.

"Baliw ka na nga talaga!Bakit ba kasi masyadong mataas yang pride mo.
Wala ka namang choice dahil totoo namang without the help of your parent,hindi ka makikilalang director.Tanggapain mo na lang na isa kang GUILLERMO at mayaman ang angkang pinag mulan mo.Wala kang dapat gawin kundi sundin sila at tanggapin na yan ang kapalaran mo._TOP. Para namang ganung kadali lang ang lahat.Hindi naman kasi magkasing lawak ang isipan ng parents naming dalawa.Lalo na si Mom na spoiled sa family nya kaya ganun na lang tigas ng kalooban.

"Hindi naman porke mayaman,dapat idaan lahat ng bagay sa pera.Hindi na ako magtataka kung isang araw pati si Joyce idadamay nya na din kahit wala itong ginagawang masama.Si mommy yung tipo na kapag naisipang gawin,pinaninindigan talaga.Wag namang sanang dumating sa point na pati sina Joyce ay gawan nya ng di maganda,baka hindi na talaga ako makapag pigil nun at tuluyan ko na silang talikuran pag nagkataon._AKO.

"Hey,Relax! Hindi naman siguro aabot pa sa ganun.At saka wag mo ngang sinasabi ang mga bagay na yan,dahil baka magdilang anghel ka at magkatotoo pero wag naman sana.Habang maaga pa,pag isipan mo kung papano kayo magkakasundo muli ng parents mo.Mahirap yang may kasamaan ka ng loob specialy parents mo pa._TOP.

"I dont think pakikinggan ako ng Mommy kahit pa anong paliwanag ko.
Buo na sa loob nyang ipakasal ako sa lalaki at yun ang di ko mapapayagan kahit na anong mangyari.Sa ngayon,nakapag decide na ako na papasyal muna sa bayan ni Yaya Luding sa Ilocos since namimiss ko na din naman sya.Gusto ko munang huminga,pakiramdam ko kasi parang nakahawak pa din sa leeg ko ang mga kamay ni mom dahil sa mga ginagawa nya sa akin.
_AKO.

"Well,mabuti pa nga.Basta kung ano man ang maging problema kung sakali tawagan mo lang ako at si GD okey?Wag mo na munang masyado pakaisipin ang problema at mag enjoy ka lang muna.So pano,aalis na muna ako.Pupuntahan ko pa si Dess sa bahay nila eh._TOP.

Bitbit ang laptop,celfone at wallet kaagad akong nagpasyang magbakasyon muna sa Ilocos.Isang backpack na may laman lang ng ilang pirasong damit at undies ang bitbit ko.Hindi na kagaya nuong kikay days ko na halos buong wardroboe yata dala ko kapag magbabakasyon.At dahil may ilan naman akong sinosyohang mga negosyo tulad ng yatch,resorts at dalawang isla na kumikita din kahit papano,hindi naman ako masi zero pagdating sa pera.

"Magandang umaga po Nanay Joy.Pasensya na po sa biglaang pagbisita.
Gusto ko lang po sanang magpaalam sa inyo na sandali po akong mawawala ng ilang araw dahil po dadalawin ko ang Yaya ko sa probinsya nya sa Ilocos._AKO.Nagdecide akong dumaan na muna sa bahay nila Joyce para magpaalam at nagbabaka sakali din akong maaabutan ko sya kahit sandali lang bago sya pumasok.Sakto namang palabas na sya ng kwarto nya at katatapos lang maligo.

"Naku,Matagal kana ngang di napapasyal kaya mabuti naman at naisipan mong dumaan kahit sandali.Itinatanong nga kita palagi kay Joyce pero busy ka nga daw ang sabi nya._Nanay Joyce.Saka naman nagtama ang mga mata naming dalawa.Sa totoo lang,sa mga oras na yun,gustong gusto ko syang yakapin sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

"Opo,Medyo naging busy nga po talaga ang schedule ko nitong mga nakaraang araw kaya po wala akong time makadalaw.Kamusta naman po kayo,wala naman po bang masakit sa inyo?_AKO.Saka ko nilapitan si Nanay Joy at tinapik sa balikat nya.

"Naku ayos lang naman ako.Ito lang si Joyce ang masyadong nag aalala.
Halos hating gabi na nga kung umuwi,dahil sa pagta trabaho.Nag aalala ako na baka sya naman ang magkasakit kapag inabuso nya ang sarili nya._Nanay Joy.Nagulat ako sa nalaman kong hating gabi na sya umuuwi.
Siguradong may iba pa syang pinagkaka balahan bukod sa mall.

"Nanay,Wag nyo po akong alalahanin.Kaya ko ang sarili ko.Kayo ang wag masyadong nag iisip ng kung ano ano para lumakas pa kayong lalo.
Tayo na pong mag almusal para makapag ayos na ako para pumasok._Joyce.Base sa malamig nyang pakikitungo sa akin,gusto nya na akong paalisin.

"Ayan kita mo na yang kaibigan mo Terry,Hindi ba may katigasan ang ulo.
Sa susunod nga na magkausap kayo ni GD,Baka pwede mong pakiusapan yung boss nila dun sa mall na wag namang pauwiin ng gabing gabi ang mga empleyado nila.Delikado sa mga babae ang pag uwi uwi ng hating gabi na aba._Nanay Joy.Gabi na ba talaga pinauuwi ang mga empleyado ng CK mall?Ganun din kasi ang reklamo ng lola at tita ni Dess sa kanya.

"Wag po kayong mag alala,Agad agad ko pong kakausapin ang head nila duon para mapalitan ang schedule ni Joyce.Wag na po kayong mag alala at magpalakas po kayo palagi,at laging kumain sa tamang oras._AKO.
Inakay ko pa sya papunta ng kusina habang kasunod namin sa likuran si Joyce.

"Sabayan mo na kaming mag almusal Terry bago ka umalis.Malayo layo din ang Ilocos kaya dapat may laman ang tyan mo sa byahe._Nanay Joy.
Napalingon naman si Joyce sa aming dalawa.Hindi naman kasi nadinig ni Joyce yung sinabi ko kanina dahil nasa loob pa sya ng kwarto nung magkausap kami ng nanay nya.

"Salamat po Nay.Nakakahiya man po pero sasamantalahin ko na din itong chance na maka libere ng almusal.Isa pa,malayo layo nga po ang Ilocos at magko Commute lang ako kaya need ko ng madami daming reserbang lakas._AKO.Tinignan ko si Joyce kung nakatingin sa akin pero sa pagkain nya lang sya naka focus at parang hindi ako nakikita.

Pagka akyat ni Ate Zeny para magbantay naman kay Nanay Joy,Sabay na kaming lumabas ng bahay ni Joyce.Habang naglalakad kami sa kalsada ay wala kaming imikan at tahimik lang na nagpapakiramdaman.




PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon