8.TERRY

1.2K 57 2
                                    


Malungkot at nanlalalim na mga mata ang sumalubong sa akin pagdating ko sa bahay nila Joyce.Tila pasan yata niya ang daigdig sa nakikita kong itsura nya ngayon.Napasulyap din sya sa mga dala ko na iniabot ko kay Ate Zen.Alam ko,galit na naman sya sa akin dahil ayaw na ayaw nyang may bitbit na naman ako tuwing pupunta sa kanila.

"Terry,halika ng kumain.Tamang tama,nagluto si Zeny ng kare kare.
Salamat nga pala dito sa mga dala mo,Ikaw talaga palagi mo kaming ini spoiled sa mga dala dala mong pasalubong._Nanay Joy.Nakaupo na din sya sa mesa pag lapit namin ni Joyce sa dinning table nila.

"Naku wala po iyan Nay,Actually,Galing po iyan kay TOP.Pinasasabi nyang hindi po sila makadalaw ni GD dahil busy sa trabaho.Kamusta na po ang pakiramdam nyo?_AKO.Magkatabi kami ni Joyce sa upuan kaya medyo ingat ako sa pagsasalita.Ewan ko ba,bakit kapag nasa harapan ko si Joyce, umuurong ang dila ko sa pagsasalita.

"Salamat kamo sa pasalubong.Mababait na bata din yang mga kaibigan mong sina GD at TOP gaya mo kaya natutuwa akong naging mga kaibigan kayo nitong si Joyce._Nanay Joy.Napatingin naman ako kay Joyce na kaswal lang na kumakain at ni hindi tumitingin sa akin.

"Naku nay,Alam mo ba yang si Terry?Direktor ng mga komersyal sa tv.
Yung commercial ng shampoo na si Maine Mendoza yung indorser,sya ang nag direk nun,diba Terry?_Ate Zen.

"Talaga ba?Aba'y bigtime naman pala itong si Terry eh.Kung sakali ba, itong si Nanay Joy,pwede sa commercial ng shampoo?_ Kuya Paul.Asawa ni ate Zen.

"Aba'y pwedeng pwede po.Hayaan nyo sa susunod,kapag nangailangan ng magbibida sa shampoo commercial,kayo po nanay Joy ang irerekomenda ko._AKO.Saka kami lahat nagtawanan.Napasulyap ako kay Joyce na nakita kong nakikitawa din.Nagkasalubong ang mga mata namin at agad nyang binawi ang mga ngiti nya sa akin at sa nanay nya muling tumingin.

"Hahahaha.Naku naman Terry,Baka imbis na dumami ang bumili sa produkto ng shampoo,malugi ang may ari._Nanay Joy.Madami na kasing white hair si nanay joy pero maganda pa din naman ang strand dahil makapal at tuwid gaya ng buhok ni Joyce.

Matapos ang masayang hapunan at kaunting kwentuhan,Agad na ding nagpaalam si Nanay Joy na magpapahinga na sa kwarto nya.Pati sila ate Zen at ang pamilya nya ay pumasok na din sa kanya kanya nilang kwarto at kami na lang ni Joyce ang naiwan sa sala.Nakabukas ang tv pero wala naman duon ang focus ko kundi sa kanya lang.

"Salamat nga pala sa pagdalaw.Pakisabi na lang din kay TOP na maraming salamat sa ipinadala nya._Joyce.Naka short na maiksi si Joyce at naka shirt na maluwang,nakatali din ang buhok nya.Ibang iba kapag nasa trabaho sya na may make up at nakalugay ang maganda nyang buhok.Ganun pa man,maganda pa din sya at mas malakas ang dating kapag simple lang ang ayos nya.

"Salamat din sa pagtanggap sa akin kahit alam ko nakaka abala na ako sa inyo.Wag kang mag alala,makakarating kay TOP ang pasasalamat nyo.
Sa condo nya kasi ako uuwi ngayon dahil uuwi sya from Cavite._AKO.

"Congrats nga pala,Balita ko successful yung unang commercial na dinirek mo.Im sure mas madami pang mga darating na project nyan,ngayon pa lang binabati na kita._Joyce.Magkatabi kami sa upuan,may pagitan sa gitna naming dalawa yet pakiramdam ko katabi ko lang sya sa lakas ng kabog ng dibdib ko.Baka nga dinig nya ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Salamat.Sana nga magtuloy tuloy para mas madaming trabaho.
Naiinip din kasi ako pag walang trabaho,hindi ako sanay na nag aantay lang na may project na gagawin._AKO.Iba kasi nuong nasa ad agency pa ako at nasa opisina pa lang.Ngayon kasi,kapag may bagong project na gagawin lang saka ako pinapatawag.

"Sigurado namang dadagsa ang offer nyan sayo.Goodluck na lang din,Sana nga mas dumami pa ang trabaho mo at ng mas madami ka pang matulungan.Alam ko namang madami kang charity at foundation na tinutulungan kaya madami ding blessing na patuloy na darating sayo._Joyce.This time,hindi pananaboy ang sinabi nya sa akin kaya medyo gumaan gaan ang pakiramdam ko.

"Syangapala,Nakausap ko yung doctor na tumingin kay Nanay Joy.
Ang sabi nya sa akin,Mas advisable nga daw na mas makabubuting mapa operahan na kaagad ang nanay mo para hindi na lumala pa.Kung gusto mo,pwede nating ilapit yan sa foundation na kilala ko?_AKO.
I don't think na maniniwala na naman sya sa ini ooffer ko.

"Masyadong malaki ang hinihinging bayad ng doctor,Kahit ilapit sa foundation,siguradong hindi din kakayanin.Pero hayaan mo,kapag nangailangan ako ng tulong,ikaw ang unang una kong sasabihan._Joyce.
Saka bigla ulit nag iba ang aura nya.Bumalik ulit sa lungkot pati tono ng boses nya.

"Okey,basta sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko.Btw,Nag aaya nga pala si GD na i try daw natin yung Spa na pinuntahan nya last week,Maganda daw kasi at bago pa kaya kakaunti pa lang ang tao.
_AKO.Iniabot ko sa kanya yung ticket na actually binili ko talaga.Napansin ko kasi na masyado syang stress this past few days dahil sa nanay nya kaya gusto ko lang sana syang makapagrelax.

"Naku hindi naman ako mahilig sa ganyan.Sa mommy mo na lang ibigay yan or kay TOP kaya para may kasama ka.At isa pa,wala akong panahon dahil busy ako sa trabaho._Joyce.

"Itatabi ko na lang muna then kapag di ka na busy,saka tayo pumunta.
May suking Spa na din kasi si mom kaya im sure hindi nya gustong mag try sa iba.Si TOP naman for sure ayaw di akong makasama nun._AKO.

"Sa palagay ko,masyado ng malalim ang gabi.Gagabihin kana masyado pauwi.Isa pa,maaga din kasi ako babangon bukas kaya need ko na magpahinga.Paensya na._Joyce.Ganun sya ka cold sa akin na parang ayaw na ayaw nya talagang kausap ako ng matagal.

"Ahh,Oo nga pala malalim na ang gabi.Sige mauuna na din ako.
Salamat nga pala at pinayagan mo pa din akong patuluyin dito sa bahay nyo kahit sinabi mo na sa akin na wag na kong pumunta.Pasensya na din sa abala._AKO.Saka ako tumayo na at lumabas na ng bahay nila.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa mata ko habang nagmamaneho ako.Sa buong buhay ko,ngayon lang ako nakadama mg matinding rejection.Kaya na nga ba hindi ko pa maamin nuon na pusong lalaki din ako tulad nina GD at TOP dahil ayokong masaktan.
Pero kahit na anong pilit kong umiwas at lumimot,bakit mas lalo ko pang nararamdamang mahal ko talaga si JOYCE kahit na halos ipagtulakan nya na ako papalayo sa kanya at sa buhay nya.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon