22.TERRY

1.1K 51 2
                                    

Since matagal tagal na din yung huling dalaw ko sa nanay ni Joyce, Sinabay ko na din sa paghatid sa kanya pauwi ang pagdala ng mga prutas.
Dumaan na din kami sa happybee para naman may pasalubong sa mga anak ni Ate Zeny.Hindi kumikibo si Joyce sa akin habang papauwi kami at nasa kotse lang.Ako na ang unang nagsimula ng conversation.

"Pasensya na nga pala kanina kung hindi kaagad ako nakababa.Salamat din sa pagbisita.Sa susunod na dadalaw ka,pwede ka namang dumiretso na sa penthouse para dun na tayo mag usap._AKO.

"Bakit naman sa Penthouse kaagad? Para namang ako ang may ari ng building kung dun kaagad ako dideretso.Isa pa,baka magalit si YURI kapag nadatnan nya ko na nandun._Joyce.Bahagya akong napangiti.Kundi ko lang alam na nagselos sya nuon kay Yuri,hindi ko bibigyan ng maling kahulugan ang inaasal nya ngayon.

"Bakit naman magagalit si Yuri kung sakaling madatnan ka nya dun?
Isa pa,wala naman akong ibang pinapa akyat sa pad ko liban sayo.
Kahit sina Top at Gd nga never kong dinala dun eh._AKO.Salamat kay Dess dahil binigyan nya ako ng pag asa.

"Pero hind ba't magkasama kayo ni Yuri dun sa taas?Kaya mga sabay pa kayong bumaba para ihatid mo sya  eh._Joyce.Awwwwts...Pasasaan ba at bibinggo din ako.unting push pa.

"Ahhhh,Akala mo sa pad kami nag usap?Well gusto ko sana syang dalhin dun kaso sa opisina nya ako pinuntahan eh.Sa susunod na bibisita sya siguro dun ko na sya patutuluyin._AKO.

"Ganun naman pala eh,di sya na lang ang padiretsuhin mo dun at wag na ako,tutal mukha namang enjoy na enjoy kang kausap yung angel mo eh.
_Joyce.First time ko syang naka ringan na nag express ng nararamdaman nya kaya lihim akong nasisiyahan sa pagseselos nya.

"Hindi ko naman sya angel,sya ang tumatawag sa akin nun.At saka sino naman ang nagsabi sayo na nag eenjoy akong kausap sya ha?Masayahin lang talaga akong tao kaya panay ang tawa ko sa mga kwento nya._AKO.
Ang cute cute nya pala kapag nagseselos sya.Hindi kagaya ng itsura nya kapag may problema na akala mo pasan nya ang mundo.

"Hindi daw nag eenjoy.Ang lakas mo nga tumawa.Ngayon lang kita nakitang ganyan.Ang sabi pa naman nila Dess at Sally sa akin,kailangan mo daw ng makakausap dahil may pinagdadaanan ka tungkol sa pamilya mo.Sa palagay ko naman,parang hindi mo kailangan ng kausap dahil andyan naman si Yuri para pasayahin ka._Joyce.Habang nagsasalita sya, sya labas ng kalsada lang sya nakatingin.Parang any moment iiyak na lang sya dahil sa pang ti tease ko sa kanya.

"Masaya naman talaga ako. Masayang masaya.Pakiramdam ko nga parang sasabog ang dibdib ko sa kaligayahan.Pero hindi yun dahil kay Yuri o kahit na sino pa man._AKO.Saka kami tumigil sa tapat ng bahay nila at bumaba ng sasakyan.

"Mano po Nay,Kamusta naman po kayo?_AKO.Saka ko napansin na bahagyang namayat si Nanay Joy.Medyo inaaninag na din nya ako ng tingin at nang makita nya ako ng husto saka sya ngumiti sa akin ng pagkalaki laki.

"Terry?Naku mabuti naman at napadalaw ka.Matagal ka ng di pumapasyal kaya muntik na ko ng malimutan ang itsura mo.hahahhaa._Nanay Joy.Gaya ng dati,masayahin at pala tawa si Nanay Joy kundi lang sa kanyang sakit.

"Pasensya na po Nanay,Medyo naging busy lang sa trabaho.Hayaan nyo po at dadalas dalasan ko ang pagdalaw para naman di nyo makalimutan itong pagmumukha ko.hahahaha._AKO.Saka ako tumingin kay Joyce na masaya din sa muli naming pagkikita ng nanay nya.

"Terry,Salamat nga pala sa pasalubong.Tuwang tuwa ang mga bata. Ikaw talaga,palagi mo nalang ini spoiled ang mga anak ko sa mga bitbit mong pagkain.Salamat ha._ Ate Zeny.

"Okey lang yan ate Zen,matagal na din yung huling dalaw ko dito eh kaya dapat lang na may dala ako kahit papa ano.Kamusta na nga pala yung nilalakad mo sa PCSO ate?_AKO.Sa pagkaka alam ko kasi,nag apply din sila sa goverment para sa sponsorship.

"Naku,Itong si Joyce na ang pinaglakad ko duon.Kamakailan lang ay maagang pumila yan sa PCSO kahit madaling araw pa lang.Sinabihan kasi ako duon na dapat daw ay mismong kapamilya ang kailangan nilang pipirma sa mga dokumento kaya kaysa magpa balik balik pa ako,wala namang choice kundi si Joyce mismo ang pumunta._Ate Zen. Tumingin ako kay Joyce pero iniwas nya ang tingin nya sa akin.Alam ko,Ayaw na ayaw nyang makikita ko na nahihirapan sya.

"Ganun ba,Sabagay tyagaan lang din talaga kapag gobyerno eh.Anyways, Meron nga pala akong nakausap na foundation na willing mag sponsor sa pagpapa transplant ni Nanay Joy,Ang sabi naman nila kailangan lang makausap yung pamilya nung pasyenteng tutulungan para mas malinawagan sa kalagayan ng pasyente._AKO.Matagal ko ng sinasabi iyun kay Joyce pero ayaw nyang tanggapin ang inooffer ko.
Kaya naman para dina sya mahirapan,Hindi na ko nagdalawang isip na sabihin sa harap mismo ni nanay Joy at Ate Zen ang lahat.

"Talaga ba?Naku magandang balita yan Terry. Ayan narinig mo nanay,May mag i sponsor na sa pagpapa transplant mo kaya wala kang dapat gawin kundi magpalakas lang._Ate Zen.Tumayo bigla si Joyce at saka lumabas ng bahay.Agad naman akong nagpaa alam sa dalawang matanda para sundan si Joyce.

"Bakit sinabi mo yun sa harapan mismo ni nanay at ate Zen?Sinadya mo ba yun para hindi ako makatanggi sa tulong mo?Nuon ko pa sinabi sayo, ako mismo ang gagawa ng paraan para sa pagpapa gamot ng nanay ko diba,hindi dahil sa awa ng iba._Joyce.Nakatalikod sya sa akin habanagg magkausap kami.

"Pero Joyce hindi naman yun dahil sa awa.Ang foundation ay samahan ng mga taong handang tumulong sa mga nangangailangan at hindi nanlilimos.Wala naman akong hangad kundi ang makatulong sa inyo lalo na kay nanay Joy dahil hindi na din sya iba sa akin._AKO.

"Tapos ano?Tutulungan ako ng foundation na sinasabi mo,kapalit ng pag entertain mo kay Yuri dahil sya ang may pinaka malaking ambag sa donation ng samahan nyo?Ipagpalagay na nating makalikom kayo ng 2M sa foundation,tapos sasagutin mo ang 3M ng hindi ipapapa alam sa akin dahil alam mong magagalit ako.Mali ba ko ha Terry?_Joyce.Papanong alam nyang ako nga ang mag i sponsor ng 3M para sa nanay nya.haaaissst.

"Joyce,Sa mga oras na ito...Pride pa din ba ang uunahin mo? Hindi mo ba nakikita na unti unti ng nahihirapan ang nanay mo pero hindi nya lang sa inyo pinahahalata?Buhay na ang nakasalalay dito Joyce,at willing akong magbigay ng kahit ilang milyon pa madugtungan lang ang buhay ng PINAKA MAMAHAL mo._AKO. Saka sya biglang nagtakip ng mukha na umupo sa isang sulok.Agad ko naman syang nilapitan at niyakap.





PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon