Smooth sailing naman ang relasyon naming dalawa ni Joyce.Hindi na din sya nagsusungit sa akin gaya nuon.Malaking bagay yung hindi na kasi sya masyadong stress sa kalagayan ng nanay nya kaya panatag na ang loob nya.Madalas na din syang nakangiti at unti unti na din nagbabago ang tingin nya sa myayaman.Nakatulong ng mabuti ang organisasyong sinalihan ko dahil na din sa tulong na ipinaabot nila para sa operasyon ni nanay Joy.
"Salamat ng madami sa foundation nyo,Napakalaking tulong ang naibigay nyo sa pagpapa opera sa nanay ko.Naway pagpalain pa kayo ng Dyos para mas madami pa kayong matutulungan._Nagpasama sa akin si Joyce sa opisina nila Levi para personal na magpasalamat sa 2M nilang naidonate para kay nanay joy.
Walang anuman yun Miss Joyce,Malaki laki din ang naitulong sa foundationg ito ni Terry kaya naman hindi namin sya pwedeng biguin.
Hangad din namin ang tuluyan ng pag galing ng mother mo._Levi.Nakipag kamay si Joyce sa kanilang lahat tanda ng pasasalamat."Malaki din ang naiambag na tulong ni Yuri.Kayo na ang bahalang magpasalamat sa kanya.Basta anytime na kailangan nyo ng tulong,bukas ang Elite foundation para sa inyo._Levi.Matapos naming magtungo sa foundation,Isinama ko sya sa inihanda kong surpresa para sa kanya.
"Teka,Saan mo naman ako dadalhin at parang hindi ito ang daan papuntang hospital?Ano na naman yang pakulo mo Miss Guillermo?_Joyce
Mabilis talagang makatunog si Joyce basta surpresa ang usapan.Hindi mo talaga sya pwedeng maisahan dahil mabilis syang makaramdam."Easy lang My Love,May pupuntahan lang tayo sandali.Relax ka lang dyan.
_AKO.Medyo malayo din kasi yung lugar na pina handa ko kina Denise at Marc kaya sige lang ako sa pagda drive."Ikaw ang bahala.Basta siguraduhin mo lang na matutuwa ako dyan sa inihanda mong surpresa ha.Baka mamaya nyan,imbis na masayang okasyon,maging disaster yang pakulo mo._Joyce.
"Hahahahha.Dont worry,Ill make sure na matutuwa ka sa pina handa ko.
Baka after mo syang makita,sabihin mong sinasagot mo na ko._AKO.
Pero sa totoo lang,hindi din ako sure kung maganda nga ang magiging resulta ng pinaghandaan ko.Sana naman,hindi maging disaster ang kalabasan.Hanggang sa makarating kami sa venue at kaagad kaming bumaba ng sasakyan.Isang yate ang naka abang sa amin sa bungad ng pampang.
Maliwanag sa buong yate dahil sa mga nakapaligid na mga ilaw sa itaas.
Inalalayan ko si Joyce habang tumatawid kami paakyat sa yate.May dalawang crew na sumalubong sa amin at saka kami ipinakilala sa kapitan"Welcome to Katarina yatch ma'm. Sana po ay mag enjoy kayo sa inihanda naming sorpresa.Lahat po ay mabusisi naming pinaghandaan kaya sana po ay magustuhan nyo.Congratulations po in advance!_Denise.Sinalubong nila kami pagpasok namin sa loob at saka naman sila lumabas pagtapos nilang bumati at kumamay.
"Talagang pinahirapan mo pa ang staff mo para dito ha.Well so far,Nagugustuhan ko naman ang mga pasabog mo.Nakaka empress ang loob ng Yatch mo,halatang mamahalin ang mga materyales at mga gamit sa kabuuan._Joyce.Nakaupo kami sa pinaka recieving area ng yatch na may malambot na sofa habang nakatanaw sa dagat.
"Kahit nga ako hindi ko alam na ganito pala ka elegante itong yate ko.
Actually,last year ko pa ito binili pero hindi ko pa kaagad napaayos dahil naging busy ako.Then dumating nga itong ganitong pagkakataon kaya inutusan ko sina Denise at Marc na pagandahin ito para makita mo._AKO.
Dito ko talaga planong mag propose kay Joyce ngayong gabi kaya medyo nini nerbyos ako."Ano ba kasi itong palabas mo?Isasali mo ba ko sa commercial na dini direk mo kaya dito tayong dalawa nagpunta?O baka naman balak mo na kong yayaing magpakasal kaya..._Joyce.Hindi nya na naituloy pa ang sasabihin nya ng ilabas ko na ang singsing na pinagawa ko para sa kanya.
"Joyce...Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari.Alam ko din na hindi kapa masyadong handa para this time pagtuunan naman ng pansin ang sarili mong kaligayahan,
But Hindi ko na kasi kayang mawala kapa sa akin at sa buhay ko...
JOYCE...WILL YOU MARRY ME?_AKO.Saka ko iniabot sa kanya ang 5.6 karat diamond ring na ipinagawa ko para sa kanya."Terry...Sobrang binigla mo naman ako.Hindi ko alam ang sasabihin.
Parang hindi pa naman ito ang tamang panahon para duon.Ang dami ko pang kailangang gawin.Madami pa akong obligasyon at mga utang na dapat kong bayaran muna.Lalo na sayo._Joyce."Marry me Joyce,at bayad na lahat ng utang mo sa akin.Pinapangako ko sayo,hinding hindi kita paluluhain at sasaktan.Pakamamahalin kita ng buong puso ko at ibibigay ang lahat lahat sayo._AKO.lumuhod na ako at saka hinawakan ang kamay nya.Dahan dahan kong isinuot ang singsing sa kanya.
"Yes Terry,I will marry you.Tumayo kana dyan at pag usapan natin ito ng maayos._Joyce.Saka ako tumayo at agad syang dinala sa itaas kung saan may nakahanda ng candle light dinner with matching violinist pang nag hihintay.Kaagad syang nagpatugtog pagka upo naming dalawa sa upuan.
"Thanks for accepting my proposal my LOVE.Promise ko sayo na hinding hindi ka magsisisi sa pagtanggap mo sa pag ibig ko.I LOVE YOU JOYCE.
_AKO.Teary eyed ako habang kausap sya at nakatitig sa kanya."Hey,Stop crying.Dapat masaya lang.Kumain na muna tayo para di lumamig ang inihanda ng chef mo.Sayang naman kung hindi natin sya titikman._Joyce.Ngumiti naman ang chef sa kanya at saka bahagyang lumayo para bigyan kaming dalawa ng privacy habang kumakain,
Pagkatapos ng masarap na dinner,Nagsalin naman ng wine sa baso ang crew na nagsi serve sa amin."Nagustuhan mo ba ang pinahanda ko?Hindi masyadong bongga at pasabog ang pina prepare ko pero full of love and passion naman.
Sa akin din nang galing ang mga idea tapos sila na lang ang naghanda ng lahat.Sila na din ang kumuha sa mga tao na magsi serve sa atin at saka sa nag renovate nitong yatch._AKO."OO naman nagustuhan ko.Hindi paba bongga at pasabog ito para sayo?
Sa akin perfect sya.Masyado akong na touch at natangay sa damdamin kaya napasagot ako ng wala sa oras.Pero sympre,hindi muna kaagad agad magpapakasal ha..._Joyce."Oo naman.Alam ko naman na nabigla kita ng husto.Gusto ko din namang paghandaan ng husto ang magiging kasal natin at saka gusto ko munang matapos yung dream house natin bago tayo ikasal._AKO.Nasa kalahati na din ng construction yung dream house na pinagagawa ko at balak ko ding hindi na pagtrabahuin si Joyce kapag mag asawa na kami.
"Salamat Terry.Salamat sa Pagmamahal mo at sa hindi pagbitiw sa akin.
Kahit na napakadami ko ng problemang pinagdaanan,hinding hindi ka nagsawang damayan ako at tulungan.Sobrang thankful ako kay Lord dahil ibinigay ka nya sa akin.Binigyan na ko ng GUARDIAN ANGEL sa katauhan mo._Joyce.Isang mainit na halik ang iginawad nya sa akin pagkatapos.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomansaAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...