Kung si Dess ay palaging haggard dahil sa pinagsasabay nya ang pag aaral at pagtatrabaho,Ako naman ay palaging antok sa work dahil sa pang gabi kong sideline.Ilang linggo na lang at ililipat na kami sa bagong boutique ni Miss Sydney kaya naman kailangan na naming maghanda.
Paniguradong mas malaki ang trabahong naka atang sa amin dahil sa bago pa lang syang patatakbuhin at kailangan naming mag focus sa trabaho."Haaaaay,nakaka pressure naman yung magiging bago nating work.Mabuti na lang at madaling natapos yung kontrata ko sa magazine at makakapag focus ako ng husto sa trabaho at pag aaral na lang_Dess.Matyagang tinatapos talaga ni Dess ang pag aaral nya para naman hindi daw sya maging alangan sa pamilya nina TOP.
"Im sure kayang kaya nyo naman yan.Sa tagal nyo na sa paghahandle ng boutique,maning mani na lang sa inyo ang magiging trabaho nyo.Mas nakaganda pa nga na dun kayo sa boutique ni Miss Sydney na assign,hindi kayo masyadong pagod.Kayo kaya ang mga boss dun._Sally.Since sa mommy ni GD sya naka assign,kami lang ni Dess ang napiling mag assist sa boutique ni Miss Sydney.
"Sabagay tama ka naman dyan.Hanggang 5pm lang ang working hours namin dun kaya mas magaan ang trabaho.Pero sana nga mag succeed ang business para naman hindi nakakahiya sa kanila ni Madam._Dess.
"Yan din ang panalangin ko,Para naman worth it yung pag hire nila sa atin at hindi tayo mapahiya.Sa totoo lang,Para din kasing ayoko ng pasukan yung pang gabi kong work sana,kundi lang kailangan ko talaga ng pera.Gusto ko na lang mag focus sa bago nating work._AKO.
"Yun din nga ang isa suggest ko sana sayo Joyce,Kaya lang nahihiya naman akong magsalita dahil baka ma offend ka.Alam ko wala namang masama sa ginagawa mo at sa trabaho mo,pero delikado din kasi at saka alam ko namang nahihirapan ka._Sally.
"I second the motion! Medyo delikado nga hang work mo sa totoo lang.
Kahit nga si TOP,Kinukwento sa akin yung mga pwedeng mangyari sayo duon kung sakali.Saka sabi mo nga diba,pati yung Dad ni Terry naka encounter mo dun,What if sa sususnod,yung mommy naman nya ang maka alam,naku malamang mas masasakit na salita pa ang madinig mo sa kanya kapag nagkataon._Dess."Hindi naman yun lang ang inaalala ko,Mas inaalala ko ang mararamdaman ni Nanay kapag nalaman nya na pumasok ako sa ganung klase ng trabaho.Baka imbis na makatulong ako sa pagpapagamot nya e mas lumala pa ang sakit nya kapag nagkataon._AKO.Madalas na din kasi ang pagtatanong nya kung bakit ako ginagabi.Nauubusan na ako ng dahilan.
"Ayun nga! Hindi bale ako,kahit malaman nila kung bakit ako ginagabi sa pag uwi kasi nga nag aaral ako.Pero ikaw,ibang usapan na yan.Kung ako sayo Joyce,Ibang trabaho na lang ang pasukan mo.Hindi sa minamaliit ko yang pinasukan mo ha,pero sympre sa makikitid ang utak at mga taong hindi makaintindi sa sitwasyon mo,natural na mag isip ng masama laban sayo._Dess.Alam kong nanay ni Terry ang tinutukoy nya.Ewan ko nga ba, bakit kahit na hindi ko naman dapat inaalala ang sasabihin ng nanay nya,hindi ko maiwasang matakot na baka iba nga ang maging tingin sa akin ng pamilya nya,lalong lalo na si Terry.
"Hayaan nyo,bago magsimula ang pagbubukas ng boutique ni Miss Sydney,magsasabi na din ako sa manager namin ni Marah na aalis na ako sa kanila.Mga ilang gabi na lang siguro ang papasukan ko para kahit papaano makadagdag din sa naipon ko._AKO.Hindi din biro ang mga tip na nakukuha ko sa pag i Escort sa mayayamang businessman kahit na wala naman talaga akong ginagawa.
"Ikaw ang bahala Joyce,Masaya kaming malaman na gusto mo na din pala talagang umalis duon.Medyo nawala din yung alalahanin sa amin ni Dess.
Sana nga maging maayos na din ang lahat para sa pagpapa transplant ng nanay mo Joyce.Kami din naman ay hindi tumitigil sa paghahanap ng mga pwedeng makatulong.Pasasaan ba at magiging ayos din ang lahat._Sally.
May mga kakilala din kasi silang pinagtatanungan kung saan pwede makapag kalap ng mga sponsor.Malaki din ang naitutulong nila pandagdag sa iniipon kong pera."So papano guys,See you tomorrow na lang ulit ha.Alam nyo na kung anong araw ngayon,siguradong nag aantay na sa akin si TOP sa bahay.
Alam nyo naman yun,kapag di kaagad ako nadatnan sa bahay nakasimangot kaagad.hahahaha.Bye.Ingat kayo pag uwi._Dess.Saka kami nagkanya kanya nang sakay sa jeep pauwi."Mabuti naman at nakauwi kana ng Maynila Terry.Palagi ka kayang tinatanong nyang si nanay kung kelan ang balik mo.Ang sabi naman ni Joyce,baka hindi kapa makabalik dahil may bago ka nga daw pinagkaka abalahan.Ano nga bang tawag dun sa bago mong work?_Ate Zeny.
Dinig ko siyang nag sasalita mula sa pinto,At hindi ko maipaliwanang ang tuwa ng madinig ko ang panagalan ni Terry.Bahagya kong inayos ang buhok ko at ang suot kong uniporme bago ko buksan ang pinto papasok ng bahay."Aba'y sympre,matagal na din yung huling pagpasyal mo dito anak kaya natural na hanapin ka.Mabuti naman at may bago ka palang pinagkaka abalahan ngayon._Nanay.
"Nagpo produce at the same time nagdi direk din ako ng mga mtv's ng mga bagong pinapasikat na kanta.Small time production lang naman kami pero masaya naman kami sa ginagawa namin._Terry.Agad syang napatigil sa pagkukwento ng makita nya ang pagdating ko.Agad nagtama ang mga mata namin at gaya ng dati,ako na naman ang unang nagbawi ng tingin.
"Nariyan na pala si Joyce,Kayo na muna ang bahala dito at ihahatid ko na muna si nanay sa kwarto nya.Alam nyo naman itong si nanay,kahit na inaantok na,gustong gusto pa din nakikipag kwentuhan._Ate Zeny.Agad naman akong nagmano kay nanay at saka humalik sa pisngi nya.
"Anak,Ikaw na ang bahala kay Terry ha.Wag mong pagsusungitan para hindi na yan naglalayas.Ikaw naman Terry,Nabalitaan ko na may tampuhan daw kayo ng mommy mo,Aba'y wag na wag kang magmamatigas sa magulang mo kahit na gaano pa ang nagawa nya sayo.
Walang magulang na gustong mahirapan ang anak nya kaya dapat lang na magkaayos na kayo._Nanay.Siguradong si Ate Zeny ang nag kwento sa kanya nuon.Agad namang inaya na ni Ate si nanay sa kwarto nya para hindi na magkwento pa."Wag po kayong mag alala nanay Joy,Makikipag kasundo na po ako kaagad sa mommy ko.Tama naman po kayo na hindi ako dapat nagmamatigas sa magulang ko.Salamat po sa payo.Goodnyt po Nay._Terry.Ngumiti naman si nanay sa kanya at saka tuluyan ng pumasok sa kwarto akay ni Ate Zeny.
"Pasensya ka na nga pala Joyce kung naka abala na naman ako sa inyo.
Namiss ko lang din kasi si nanay Joy kaya naisipan kong dumalaw.Nag dala din ako ng kaunting pasalubong galing kay Yaya Luding.Kamusta ka naman,Para yatang nangayayat ka?_Terry.Alam ko naman na gusto nya lang na malaman sa akin yung tungkol sa dahilan ng pagpayat ko.
Malaki din kasi talaga ang naging epekto sa akin ng pagpupuyat ko kapag sumasideline ako.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...