Mahigit isang oras din bago natapos na ayusan ako at bihisan ng glam team na kinuha ni Terry para sa akin.Mayroong hair stylist,Make up artist, wardrobe team na napakaraming gown at mga sapatos na pinagpilian para ipasuot sa akin.Hanggang sa makita ko na sa salamin ang kinalabasan ng pag aayos nila sa akin...Eksaherada pero totoong hindi ko nakilala ang sarili ko sa ganda ng resulta ng pagpapaganda nila sa akin.
"Ayan madam,Ang ganda ganda nyo na pong lalo! Siguradong maiinlove na naman lalo sa inyo nyan si direk.Sa totoo lang,hindi kayo mahirap ayusan kumpara sa mga artista na sandamakmak na ang tapal sa mukha hindi pa din gumaganda.Inborn yang pagka dyosa nyo madam,promise!
_Azenith.Gay na makeup artist ng ilang sikat na artista."Agree ako dyan bakla,Ang pretty pretty talaga ni madam.Kahit yata hindi kayo pagsuotin ng mamahaling gown,magmumukhang mamahalin kahit sa divi lang binili eh.Ang lakas maka sosyal!Bongga!_Larry.Sa wardrobe naman sya naka toka at kagaya ni Azenith,gay din sya pero hindi naka pambabaeng damit.
"Naku sobra naman,Hindi ako sosyal.At hindi din ako ang bongga kundi kayo.Napapa mukha nyong sosyal ang kagaya kong jologs dahil magagaling kayong magpaganda sa mga kagaya kong simpleng may bahay lang.Salamat ha.Akala ko kung sino na yung nasa salamin,ako pala._AKO.
At dahil tapos na nila akong ayusan,lumabas na sila ng silid at saka ako naiwan mag isa dito sa kwarto."Mahal,Handa ka na ba?Ayaw nila kong papasukin dahil surprise daw.
Andito ang anak nating si Katie,Sya daw ang mag i escort sayo pagbaba.
Seeyou later Mahal._Terry.Sa labas lang sya ng pinto nagsasalita at saka ako nilapitan ni Katie pagkatapos."Mama!Is that you?Your so beautiful mama.Sana kamukha na lang kita at hindi si mommy para palagi tayong twining._Katie.Palagi nyang sinasabi sa akin na sana daw hindi sya maputi,gusto nya daw na parehas kaming fair lang ang complexion.
"Hahahahha,Ang prinsesa namin masyadong bolera na parang mommy nya!Mas maganda ka anak ko,Diba sabi ko naman sayo,ipinaglihi ka ni mommy sa princess kaya ganyan ka ka pretty?Hug mo na nga lang si mama para twinning tayo dali._AKO.Dahil may lahi ang features ni Katie,pansinin sya ng mga kaklase nya at may instances pa nga na natutukso syang ampon dahil sa blue eyes nya.
"Yes I know,Pero mas pretty ka sa akin mama.Kaya nga si Mommy,sobrang love na love ka eh!Sabi nya,ako daw ang escort mo dahil baka may ibang prince charming na tumangay sayo.Lets go na mama, Kanina pa nila inaantay ang bday celebrant._Katie.Hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming lumabas ng kwarto.
Sa pintuan pa lang ay naka abang na sa amin ang mga aalalay sa akin sa pagbaba ng hagdan.Grand entrance ko daw kasi ang staircase at nakita ko na naka abang na sa pagbaba ko si Terry.Naka tuxedo naman sya na gwapong gwapong nakangiti sa amin ni Katie habang bumababa ng hagdan.
"Para sa ika tatlumput limang kaarawan ng pinakamamahal kong asawa...
Hayaan mong handugan kita ng isang awitin,mula sa aking pusong nagmamahal sayo ng wagas Mahal ko._Terry. Nagsimula ng tumugtog ang piano at violin,at inawitan ako ni Terry ng isang kanta.Ang " TRUE COLORS" na paborito naming kinakanta ng sabay kapag nasa kotse kami.
Habang patuloy sa pagkanta si Terry,Wala namang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.Luha ng kaligayahan,na hindi ko aakalaing mangyayari sa akin ang lahat ng ito.Sa kabila ng mga naranasan kong mga pasakit at paghihirap nuon,sinong mag aakala na makakamit ko ang ganitong klase ng kaligayahan sa piling ng mga mahal ko sa buhay.
"Mahal,Thank you sa lahat lahat ng mga naitulong mo sa akin at sa aking pamilya.Sobrang blessed ako sa pagkakaroon ng mabuti at mapagmahal na asawa at partner gaya mo.Nag iisa ka lang sa pagiging busilak ang kalooban.Ganun din sa mga inlaws ko na hindi nagsasawang unawain at tanggapin ako sa kabila ng mga kakulangan at mga hindi magandang nangyari sa aking nakaraan.Sa pamilya ko na palaging nagmamahal at sumusuporta sa akin,salamat sa inyo Nanay.At sympre aming prinsesa na si Katie,Salamat at dumating ka sa buhay namin ng mommy mo.Kinumpleto mo ang pagkatao ko,at ikaw ang nagsisilbing lakas ko para lalo pang maging matapang at maging matatag sa ano mang pagsubok na darating pa sa ating pamilya.Sa mga kaibigan,kapamilya at sa lahat ng mga taong nandirito ngayon,Salamat po sa inyong lahat._AKO.
May kahabaan ang speech ko kaya hindi ko na pinatagal pa at nagsimula ng kainan."Happy birthday Joyce.Alam mo hindi kapa din nag babago,Ganyan pa din yung itsura mo nung visor kapa sa CK eh.Ano ba ang sikreto mo,pa share naman oh!_Dess.Inabot nya sa akin ang regalo nya at saka sya humalik sa akin.
"Naku,Nagsalita ang di din naman tumatanda.Ganyan talaga kapag mga walang kunsumisyon sa buhay,Palaging glowing at looking young pa din.Hindi kagaya namin,mga losyang na sa kunsumisyon.hahahaha._Emma.Isa sa mga visor na kaclose ko nuon sa CK.
"Korek ka dyan mards!Silang tatlo na talaga.Kahit nuon pa mang nasa department store pa tayo,sila naman talaga ang mga angat pagdating sa kagandahan.Kaya naman dina nakapagtataka na hanggang ngayon mga bata pa din ang mga itsura nila._Mela.Sya yung kasamahan ni Dess sa Gucci store na palabiro at madaldal na talaga nuon pa.
"Magaganda din naman kayo at mga hindi din naman ganun na din katumanda.Kayo talaga.Pero nakaka miss din yung old days natin sa mall ano,grabe yung mga pinagdaanan natin at saka yung mga binti nating nang gagalit na ang mga ugat natin sa maghapong pagtayo.Pero masaya din naman at magandang experiences._Sally.
"Hey,Parang mini reunion ito ng mga nag gagandahan mga salesladies ng CK ah!Mabuti naman at nagkita kita kayo ngayon.Alam nyo yang si Sally,Namimiss na daw mag asisst ng mga costumer.Sabi ko nga,Ako na lang ang i asisst nya,galante kaya akong costumer.hahahah._GD.Nagtawanan naman kaming lahat sa biro ng bagong CEO ng CK mall na si GD.
"Guys,Salamat sa pagdalo nyo ngayong birthday ko.Totoong namiss ko din ang CK mall,pati na din kayo.Haaaaay,Ano ba naman itong birthday ko, puro ako pag iyak.Pasensya na kayo guys ha,masyado lang akong nagiging sentimental.Ganito yata talaga ang tumatanda na,nagiging masyadong sensitive._AKO.Kaagad naman akong niyakap ni Terry at saka pinahid ang mga luha ko sa mata.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...