Next step after ng kasalan ay ang pagpa process ng pagpapa IVF.
Bukod kina Mom and Dad na syang palaging naka alalay sa amin ni Joyce, paminsan minsan din kaming binibisita ng mga uncle at auntie ko dito sa Norway.After kasi ng observation at ilang mga pag aaral sa kalagayan ko,sa Manila na ako manganganak para legal na nasa pangalan ko ang anak namin ni Joyce.Dahil pareho kaming may contribution ni Joyce sa magiging anak namin,Pareho din kaming dumaan sa proseso para sa pagbuo sa magiging baby naming dalawa.
"Naku anak,Excited na itong mommy nyo sa pag uwi nyo sa bahay.
Bukod sa pinalinis nyang mabuti ang magiging silid nyo,Pinasimulan nya na ding magpagawa ng nursery ni baby Katie.Kulay pink ang buong silid at saka may sariling playground na naka connect sa room nya._Daddy.
Tahimik lang si mom pero bakas sa mukha ang excitement sa pagkakaroon nya ng apo."Naks naman Mom,hindi naman halatang excited ka sa magiging apo mo nyan.Look at you,parang mas bumata ka ngayon ah.Dont tell me sumasama kana kay tita Ava sa Melo Clinic?_AKO.Makintab at banat na banat kasi now ang mukha ni mommy
"Pwede ba,Wag mo kong igaya dun sa tita Ava nyo na wala ng ginawa kundi magpaganda at magpabata.Natural ako at hindi ko need ng ganun._Mommy.Natawa naman kami ni Dad sa pagdi deny nya.Halata naman kasi na bagong bottocks ang pisngi nya kaya fresh na fresh ang itsura nya ngayon kumpara nuon.
"Oo nga naman anak,Natural beauty yan mommy mo.Walang banat.
Kaya nga until now,patay na patay pa din ako sa kanya dahil sa taglay nyang walang kupas na ganda._Daddy.Kumindat sya kay Joyce na natatawa din sa biro nya.Pero totoo namang maganda si mommy,Kaya lang hindi maiwasang hindi magpa enhance ng mukha ang kagaya nyang di na din naman bumabata kaya masaya ako at natututo na syang gamitin ang pera nya para mag enjoy at ipamper ang sarili nya."Sympre naman.Dapat ganun ka din Joyce.Palagi kang magpaganda lalo para hindi na tumingin pa sa iba yang asawa mo.Gayahin moko na umabot na ng singkwenta pero wala pa ding wrinkles._Mommy.Nagtinginan lang kami ng daddy at palihim na nag apir
"Opo Mommy,Wag po kayong mag alala...Gagayahin ko po ang sikreto nyo para gumanda akong kagaya nyo._Joyce.Ngumiti naman ako sa kanya at saka sya kinindatan.
Maganda kasi talaga ang asawa ko kaya hindi nya na kailangan ng sensya."Naku maiba nga pala ako,speaking of pag uwi sa Manila.Yung bahay na pinagagawa mo,Nagkaroon nga pala ng delayed sa pagpapagawa ng swimming pool dahil pina hold ng home owners.masyado daw palang malaki yung pinagagawa mo,mas malaki pa sa pool ng club.Kailangan pang pag usapan sa meeting muna.Ang sabi ko naman lote mo yun kaya kahit anong gawin mo pupwede._Daddy.Saka ako napag isip isip bigla.Hindi nga pala basta basta pwedeng mag decide ako sa gusto kong itsura ng bahay na pinatatayo ko dahil kailangan ko muna ng pahintulot sa asosasyon.
"Okey po dad,Agad kong ipapa asikaso at isasangguni yun sa lawyer ko at sa architect ko.Nawala sa isip ko na dapat nga palang ipakita ko din sa home owners ang plano sa pinapagawa ko.Bago lang kasi ako sa ganung linya kaya hindi ko naisip na pwedeng magka problema.Dont worry dad,Pag uwi ko,Yun kaagad ang una kong bibisitahin para i check na din kung nasunod ang gusto kong plano._Ako.
Sorpresa ko kay Joyce ang bahay na yun kaya palihim ko lang na kinausap ang daddy tungkol duon.Mabuti na lang at sila ni mommy ang magkasamang nag prepare ng pananghalian namin.Pansamantala kaming nag rent ng bahay malapit sa clinic habang nandito kami sa Norway.Kahit gustuhin ko mang bumili ng bahay dito,hindi ko muna yun priority sa ngayon dahil madami pa kaming magkaka sunod na gastusin at inuunang gawin.Pero plano kong magkaroon din ng bahay dito sa Oslo dahil malaking bahagi din ito ng masayang karanasan ng pag iibigan namin ni Joyce."Kumain na tayo at nang makapamasyal muna.Bukas ay pabalik na naman kami ng Maynila kaya baka matagal na ulit tayo makapamasyal at makabalik ulit dito.At isa pa,madami na naman kaming trabahong naiwanan sa Terry's kaya siguradong wala na naman kaming time ng tatay mo sa pamamasyal._Mommy.Sumunod kami ni Daddy sa kanya papunta ng dinning area.Maliit lang ang bahay na inupahan namin at para lang syang bachelors pad kaya hindi naman mahirap kumilos para sa buntis na tulad ko.
"Kumain ka ng mabuti Katarina,Wag kang choosey at kainin mo yang niluto kong gulay.Mabuti yan para sa bata ng lumaking malusog ang apo ko.Alam kong basta gulay,hindi ka nasisisyahang kainin._Mommy
"Naku Mommy,Wag po kayong mag alala dahil talagang pinipilit ko yang si Terry na gulay ang kainin kaysa steak at pork na paborito nya.Hindi ko po sya inaalisan ng tingin kapag kumakain kami kaya wala syang lusot sa akin.
_Joyce.Napasimangot naman ako.Ilang buwan na din akong dyeta sa baboy at meat sa totoo lang kaya wala akong gana sa pagkain.Need ko lang talagang lunukin ang gulay na pinapaulam ni Joyce sa akin."Aba mabuti kung ganun.Dapat talaga puro gulay at prutas ang kainin mo.Para na din sa anak mo yan.Saka kana magkakakin ng mga paborito mo kapag nakapanganak kana.Kabilin bilinan ng doctor mo na dapat masusustansyang pagkain at healthy foods lang ang kakainin mo._Mommy
Madaming pagkain ang ipinagbawal muna sa akin habang nagbubuntis ako dahil iba ang sitwasyon ko hindi kagaya ng normal na pagbubuntis.Kahit sa mga gamot at vitamins na iti take ko dapat yung reseta lang ng doktor ko."Konting tiis na lang Mahal,Makakapiling na din natin si Baby Katie kaya dapat palagi ka lang malusog at malakas okey?Basta kapag may gusto ka or kailangan,Andito lang ako magsabi ka lang._Joyce.Isang halik ang iginawad ko sa kanya bilang tugon kaya nahiya sya sa ginawa ko dahil nakatingin sa amin sina mommy at daddy.
"Naku,Ang sweet naman ng dalawa honey.Parang bigla akong naiinggit at gusto ko ding sundan na natin itong si Terry.Tutal naman matagal na yung last honeymoon natin diba?_Daddy
Namula naman si Mommy at saka pairap na tinignan si Dad.Tawa naman ng tawa si Daddy sa reaksyon nya."Mahiya hiya ka nga sa pinagsasabi mo Leon!Katanda tanda mo na aba!Haaay naku,Pagpasensyahan nyo na yang daddy nyo dahil matagal ng di nakakatabi yan sa akin kaya ganyan!
Wag ka ngang maka dait dait sa akin matanda ka,Nandidiri ako sayo!_Mommy.Tawa naman kami ng tawa dahil masarap talagang pikunin si Mom.At alam na alam naman ni Dad kung papano sya paaamuin dahil maya maya lang ay sweet na naman silang dalawa.Sa Northern Lights kami pumunta nina Mommy at daddy.Isa kasi ito sa gusto nya talagang mapuntahan.Nagkataon namang hindi ito ang season para makita ang Northern lights kaya inenjoy na lang namin ang magandang tanawin at malamig na klima.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...