61.JOYCE

997 47 0
                                    


Eksaktong dalawang taon na ng payagan kami ng mommy ni Terry na bumukod na at lumipat sa ipinagawang bahay ni TERRY sa "THE Mansion"
Since bagong lipat lang kami dito,Lahat din ng kasangkapan at kagamitan ay puro bago.Ang hindi lang nabago ay ang mga kasambahay namin dito dahil ang ilan sa kanila ay kasambahay na din sa mansyon.Ayaw pumayag ng parents ni Terry na kumuha kami ng bagong kasambahay.At ang yaya na kinuha para magbantay sa anak namin ay mismong anak na ng YAYA Luding nya.

At ang yaya na kinuha para magbantay sa anak namin ay mismong anak na ng YAYA Luding nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ma'am Joyce,May tao daw pong naghahanap sa inyo sa gate ng subdivision.Tumawag po yung guard kong papapasukin daw po ba?_Manang Alice.Sya yung all around tagalinis dito sa bahay.

"Sige po Manang,Ako na po ang bahalang kumausap.Gawin nyo na po ang ginagawa nyo._AKO.Kasalukuyan kasi syang naglilinis sa recieving area habang nilalaro ko si Baby Katie dito sa ibaba.

"Madam Joyce,Good afternoon po.Meron po kasing babae dito na hinahanap kayo.Kapatid nyo daw po sya at gusto daw kayong makausap._Manong guard sa fone.Medyo nalito ako sa sinabi nyang kapatid kong naghahanap,dahil wala naman akong kapatid.Pero naalala ko na meron nga pala akong dalawang kapatid sa ama pero hindi naman nila ako kahit kelan itinuring na kapatid.

"Ano daw po ang pangalan kuya?Meron po daw ba silang ID na dala?
Pwede po bang makausap?_AKO.Gusto ko lang makasiguro kung tama ang hinala ko na isa sa mga anak ni Mrs.Clemente ang naghahanap sa akin.

"Hello Joyce,Joyce ako ito ang ate Marina mo.Ako yung panganay na anak ni daddy Joey._Marina.Sa pagkaka alam ko,sya yung panganay na anak ni tatay pero sa Amerika na nanirahan kaya hindi ko sya masyadong kilala.

"Okey,Pwede bang pakausap ulit sa guard?_AKO.Matapos ang mahaba haba ding usapan namin ng guard dahil gusto kong makasiguro sa identity nya,Ipinasundo ko na lang sya sa driver namin mula sa gate ng subdivision.Isang babaeng payat,maputla at may malungkot na mga mata ang bumungad sa akin sa pintuan ng bahay namin.

"Joyce,Ikaw na ba yan Joyce?Ikaw nga.Ang ganda ganda mo.Kamukha mo si Daddy.Pareho kayo ng kulay at saka yung ilong nyo parehas na parang sa bumbay._Marina.Actually,huling nakita ko sya nung pinalayas kami ng nanay nya sa burol ni tatay kaya hindi ako aware sa itsura nya.

"He...Hello.Pasensya kana kung madaming tanong at kailangang ID bago ka napapasok dito.Mahigpit kasi talaga ang security dito eh.May gusto ka bang inumin,Kape o juice?_AKO.Medyo awkward kasi ang paghaharap namin dahil di ko sya totally kilala.Unlike Regina at Mrs.Clemente na pamilyar na pamilyar sa akin ang itsura.

"Ayos lang,Ganun naman talaga sa pang mayayamang subdivision.Salamat nga pala at pinatuloy moko kahit na hindi pa naman tayo nagkikita o nagkakausap mula pa nung mga bata tayo.Hindi mo na siguro ako matandaan.Iba na ang mukha ko ngayon,malaki ang itinanda._Marina.
Sa pagkaka alam ko nga,halos tatlo o apat na taon lang naman ang tanda nya sa akin pero bakit parang ang tanda nya na nga tignan sa edad nya.

"Hindi naman,Nakita na kita sa picture nuon.Galing ka ng States nun tapos sinalubong ka ng press sa airport._AKO.Model sya ng isang under garment nuon kaya kahit papaano nakikita sya sa magazine.(Sexy model ng lingerei)nuong kabataan.

"Siguro nagtataka ka kung bakit ako biglang lumapit sayo ngayon.
Kinapalan ko na ang mukha ko dahil nangangailangan lang talaga ako ngayon ng malaking halaga.May cancer ako  at kailangan ko ng tulong.
Nabalitaan mo na din siguro na nalugi ang negosyo nina mama at Regina kaya nagkabaon baon sila ng utang.Please Joyce,tulungan mo kong mabuhay pa,para sa mga anak ko._Marina.Umiiyak sya habang nakikiusap.

Mula ng hiwalayan si Regina ng matandang mayaman nyang asawa at ipinagpalit sa mas bata,Unti unting na nalugi ang negosyo nila ng Mama nya.Kasabay pa ng pag uwi ni Marina ngayon sa Pilipinas para magpagamot sa sakit nyang cancer.Inabandona na din sya ng dati nyang asawa kaya wala na din syang pinagkukuhaan ng ikinabubuhay.


"Anong plano mo ngayon nyan Mahal,Tutulungan mo ba sila o pababayaan mo na lang?_Terry.Ikinwento ko sa kanya lahat ng mga nangyari sa pamilya Clemente.Sa totoo lang,hindi ko alam ang mararamdaman sa mga nangyari.Gusto kong isipin na siguro dahil sa panghahamak at pang aapi nila sa amin ng nanay nuon kaya nangyayari sa kanila ito ngayon pero bakit sa kaibuturan ng puso ko,Nalulungkot ako para sa kanila.

"Well,Sympre nakakalungkot din.Pero Ganun talaga ang buhay hindi ba, kung minsan nasa itaas ka at kung minsan nasa ibaba.Ipagdarasal ko na sana ay gumaling sya sa sakit nya._AKO.

"Ang inaasahan ko na gagawin mo dapat ay magpaparty eh!Tapos iinum tayong dalawa ng champagne.Magpapa fireworks display ka ganun.hahahaha.Pero naisip ko na ibang klaseng babae ka nga pala.
Ikaw yung tipo ng tao na kahit inapi na at sinaktan,Magagawa mo pa din silang tulungan,tama ba ko Mahal?_Terry.Nakangiti syang yumakap sa akin at saka ako hinalikan sa labi.

"Mali bang tulungan ko pa din sila sa kabila ng mga ginawa nila sa amin ng nanay?Ang inisip ko lang kasi ay kung gano kahirap ang magkaroon ka ng sakit tapos wala kang mahingian man lang ng tulong.Alam ko yung pakiramdam ng ganun kaya kahit na masakit ang mga naging karanasan naming mag ina sa kanila,Hindi ko magawang magdamot.Mali ba ang ginawa ko Terry,Mali bang tulungan ko sila?_AKO.This time napaiyak na lang ako dibdib nya habang naka akap sa kanya.

"Shhhhh...Dont cry Mahal.Hindi mali ang ginawa mo.Alam kong hindi kakayanin ng konsensya mo na hindi sila tulungan.Napakabuti ng puso mo kaya naman lalo kang inuulan ng mga biyaya.Okey lang tumulong,pero dapat may hangganan.Baka abusuhin ka naman nila._Terry.Sinabi ko kasi kay Terry na nagbigay ako ng kalahating milyon kay Marina.At binigyan ko din sya ng recommendation sa GGH para sa libreng konsultasyon.

"Umaapaw talaga ang blessing sa akin dahil sayo Mahal.Ikaw ang pinaka mahalagang blessing na natanggap ko.Sobrang nagpapasalamat ako sa pagkakaroon ng isang Katarina Guillermo sa buhay ko._AKO.Then we kiss passionately.Hanggang sa ihiga nya ako sa kama namin at sinimulang halikan ulit.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon