Restday ko ngayon sa boutique pero nasanay na akong gumising ng maaga kaya naisipan kong tumulong kay Manang Edith sa pagluluto ng almusal.
Bacon and egg,Hotdog,tapa at saka sinangag ang menu kaya nag prisinta akong ako na ang magsasangag."Editha,Bakit ganito ang lasa ng sinangag mo.Diba alam mo naman na ayoko ng maraming bawang?Ke aga aga,gusto mo bang sinarain ang magandang mood ko?_Mommy Gina.Sabay sabay kaming apat sa pag aalmusal.
"Pasensya na po Senyora,Papalitan ko na lang po kaagad._Manang Editha.
Hindi ko alam na meron palang ayaw na pagkain si Mommy kaya kaagad akong sumingit sa usapan nila."Sorry po Tita,I mean mommy.Ako po ang may kasalanan.Ako po kasi ang nagprisinta na magluluyo ng fried rice,hindi ko po alam na hindi pala kayo kumakain ng may bawang._AKO.
"Its okey iha,Hindi mo naman alam eh.Don't worry mabilis lang naman magluto si Edith kaya im sure andyan na kaagad yung fried rice._Daddy.
"Kaya naman pala ang sarap,Ikaw ang nagluto mahal.Daddy is right, Di mo naman alam na ayaw ni mommy ng garlic rice,dapat inihanda kaagad yun ni Manang.Anyways,gusto mo bang mag shopping tayo later?_Terry.
Dedma lang sya sa kasungitan ng mommy nya at sa akin lang naka focus ang atensyon nya."Hindi na,Dito na lang tayo sa bahay.Wala din naman akong hilig mag shopping._AKO.Ayoko din kasing may masabi ang mommy nya na puro kami gastos.
"Mabuti pa nga at ipag shopping mo yang asawa mo.Napapansin ko na puro luma at paulit ulit na lang ang damit nyang sinusuot.Pati yung uniform nya sa boutique,Kupas na kupas na._Mommy.Saka ko naalala ng minsan silang mapadaan duon ng mommy ni TOP na si Tita AVA.Halos di nya ako pansinin na parang hindi nya kakilala habang puring puri naman ng nanay ni TOP si DESS.Ibig sabihin,kinahihiya nya akong manugang dahil sa mga luma kong uniporme?Sabagay,May katwiran.
"Abay kahit naman luma at paulit ulit ang damit basta malinis,Ayos lang.
Pero iha,Mas mainam nga siguro na bumili ka din ng mga damit.Alam mo yang mommy Gina mo,kahit yung mga tauhan namin sa Terry's kapag luma na yung mga uniporme,sinisita nya at pinagsasabihan na palitan.
Maganda din naman kasing pang ayaya sa mga costumer kapag nakikita nilang maayos ang dating ng mga empleyado hindi ba?_Daddy Leon.Nakangiti nyang payo sa akin.Kaya naman wala akong choice kundi palitan na nga ang mga uniporme ko at mga damit na pang alis."At sa susunod,Wag na wag ka na ding makialam sa pagluluto.Kaya ako nag hired ng mga tagaluto at taga silbi para sila ang mamahala sa kusina.
Yang asawa mo ang asikasuhin mo at hindi kung ano anong ginagawa mo.
_Mommy.At hindi na nga ako nakapangatwiran pa at tahimik nalang na tinapos ang almusal."Hey,Wag mo na lang masyadong dibdibin yung sinabi sayo ni Mommy.
Ganun lang talaga sya lalo na sa pagkain.Ayaw nyang may ibang nakikialam.Kahit nga kapag wala si Manang Editha para magluto,Hindi na lang sya kakain or sa resto na lang sya maghahapunan.Basta dapat iisa lang ang chef na pinagakakatiwalaan nya,si Manang Editha at si Chef Martin._Terry.Andito kami ngayon sa kotse,papunta kami sa CK mall at dun daw kami magsa shopping."Oo naman,Mali naman talaga ako dun.Pati tuloy si Manang Edith napagalitan dahil sa akin.Dapat talaga hindi na ko nagmagaling pa eh, haay naku._AKO.Malapit na kami sa parking lot ng mall ng mapansin naming madaming tao na nag uumpukan sa tabi ng kalsada.
"Sweety,Okey lang ba na babain ko yung mga nag uumpukan?Sa tingin ko kasi parang may problema sila eh._Terry.Ganun si Terry ka matulungin sa mga tao.Hinayaan ko naman syang bumaba at saka ako naiwan dun sa kotse.
Hanggang sa magulantang na lang ako sa kumakatok sa pinto ng sasakyan.
Meron syang dala dalang mahabang kutsilyo at pilit na binubuksan ang pinto ng kotse.Napatingin naman ako sa direksyon ni Terry na abalang abala sa pakikipag usap sa mga tao duon."Ayaw mong buksan ha,Humanda ka sa akin._Lalaking may patalim.
Kaagad syang kumuha ang malaking bato at saka ihinagis sa pintuan ng kotse.Dahil mamahalin ang kotse,Hindi nya magawang mabasag ang salamin.Medyo dahil naka awang kasi ang salamin ng kotse ng bahagya kaya dinig ko ang mga sinasabi nya.Sa taranta ko,hindi ko na sya nagawang isara kaya pilit nyang ipinapasok ang kamay nya sa butas.Instinct na siguro,kaagad kong pinindot ang busina ng kotse at saka ako napansin ng mga tao.Nakita ko din ang paglapit ni Terry para kalabanin ang lalaking may dalang patalim.
"Ohhhh no,Terry wag kang lumapit.May dala syang patalim.Tulungan nyo kami.Tumawag kayo ng pulis._AKO.Saka ako nagmadaling nagbukas ng pinto sa kotse at nilapitan si Terry.Huli na para makaiwas pa,kaagad akong inundayan ng kutsilyo ng magnanakaw at saka kaagad tumakbo papalayo.
"Ohhh my God Joyce,Whhhyyy? Whhyyyy?_Terry.Umiiyak nyang sabi habang yapos yapos nya ako.Pagkatapos nun,wala na kong nakita pa kundi madilim na kapaligiran.
"Doc pleaseee..Do everything to save my wife.Pleasee save her.Nakikiusap ako_Madilim at tanging pag iyak at boses lang ni Terry ang nadidinig ko.
Nasaan ba ako?Bakit parang may takip ang mga mata ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko?Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa paligid ko.Bakit parang may bahagyang kirot sa tagiliran ko.Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata at bahagya akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa sikat ng araw mula sa bintana.Hindi pamilyar ang lugar, at puro puting pader lang ang nakikita ko.Inilibot ko ang mga mata ko at nakita ko ang madaming bulaklak at balloons na nakapaligid sa akin.Sa paanan ko naman,nakayuko ang ulo ni Terry na halatang magdamag na nakabantay sa akin kaya puyat.
"Mahal,Mahal ko..._AKO.Gusto ko syang patabihin sa akin dito sa kama kaya ko sya gustong gisingin.
"Mahal?Ohhhh thanks God,Your finally awake.I'll just call the doctor to check you.May masakit ba sayo?Teka,Saglit lang ako,wait for me Sweety._Terry.Taranta at halatang wala pa sa sarili si Terry kaya medyo nangiti ako sa kilos nya.Cute yet very touching dahil ramdam na ramdam ko yung concern sa kanya.
"Terry,Kumalma ka lang okey.Pati ako natataranta sayo eh.I che check ko na muna sya at saka kukuhanan ng BP._Doctor.Ngumiti sya sa akin at saka nagsimulang i check ang vital sign ko.Maya maya pa,dalawang doctor pa ang dumating para tumingin sa akin at saka lang kumalma ang itsura ng asawa ko.
"Naku,Okey na okey na naman tong si Misis eh bakit ba masyado kang nag aalala dyan ha Teryang?Ayaw mo pang ang Tita Liza mo lang ang titingin sa kanya ha,Gusto mo pa na pati kami ng Tita Alice mo.Ikaw talagang bata ka.Sabagay,di naman ako magtataka.Kung ganito nga naman kaganda ang misis mo,abay talagang mag aalala ka ng husto diba iha?_Doctor.Kumindat pa sya sa akin at saka tinapik ako sa balikat na parang kilala nya ako.
"Mahal,Ayos ka na ba talaga?Wala bang masakit sayo?Yung tagiliran mo, makirot ba?Magsabi ka lang,wag kang mahiya kasi mga Tito at Tita natin sila.Kapatid sila ng Daddy._Terry.Saka ako biglang na concious sa itsura ko.Kamag anak pala silang tatlo nina Terry kaya ganun sila ka komportable makipag usap.Nahiya naman akong bigla sa itsura ko.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...