17.JOYCE

1.2K 57 1
                                    

Sa labas na ng pasilyo ko inilabas lahat ng nararamdaman ko.Napaupo na lang ako sa gilid ng pader at saka umiyak.Kanina ko pa gustong maluha at yakapin si TERRY pero pinigilan ko lang ang sarili ko.Hindi sa ngayon,at hindi na siguro mangyayari na magiging kami pa kahit sa darating na panahon.Umalis ako sa building ni Terry na mabigat ang loob.

"Joyce,Kamusta naman ang pag uusap nyo ni Terry? Okey lang ba sya,babalik na daw ba sya sa pamilya nya?_Sally.Dumaan na muna ako sa Mall at sa canteen na kami dumiretso para makapag kwentuhan

"Kamusta naman yung pad ni Terry ha Joyce,mas malaki ba kumpara sa condo ni TOP?_Dess.Tumango naman ako sa kanya.Triple ang laki ng pad ni Terry kaysa condo ni TOP pero pareho silang masaya na magkasama silang magkaibigan kahit afford naman nila ng mas malaki pang lugar.

"Okey naman yung pag uusap naming dalawa.Pinayuhan ko din sya na makipagkasundo na sa mommy at daddy nya at pag usapan nilang mabuti ang problema.Ang sagot naman nya sa akin,gagawin nya daw yun sa lalong madaling panahon._AKO.Alam kong mahirap ang gagawin ni Terry pero kailangan nya munang pag isipan ang gusto nyang mangyari.Hindi nya pwedeng pairalin ang galit at pagrerebelde kung gusto nyang mas maintindihan syang lalo ng parents nya.

"Haaay salamat naman kung ganun...Mabuti na lang at nakapag usap kayo.Sabi ni GD,talagang sayo lang makikinig yun eh.Kahit daw sila ni TOP ayaw pakinggan.Tinataguan nga daw sila pag sinabi nilang pupuntahan nila sa K&J._Sally.Saka ko biglang naalala.Alam ba nila GD at TOP kung anong ibig sabihin ng K&J?

"Speaking of K&J...Alam mo bang nagalit pang lalo ang mommy ni Terry ng malaman nyang dahil kay Joyce kaya nya ipinatayo ang building na yun ha?Grabe din kasi mafall yang si Terry sayo eh.Imagine,Katarina and Joyce empire pala ang meaning ng K&J at ang pagkaka alam ni TOP,Pasikreto daw na inilagay ni Terry sayo ang title ng buong building.
As in lahat ng savings ni Terry mula pagkabata,dun nya ibinuhos._Dess.

"Seriously?Wow ha...Ibig sabihin ba nun,parang pirma at confirmation na lang ni JOYCE ang inaantay at sa kanya na ng tuluyan yung building ganun ba?_Sally.Nabigla ako sa nadinig ko.Kaya naman pala ganun na lang ang galit sa akin ng mommy nya.

"Teka teka...Totoo ba yan?Pero im sure hindi naman siguro dahil dun kaya galit na galit ang mommy nya sa kanya.Sa dami ng asset niya at mga sinosyohan nyang mga negosyo,hindi naman siguro bigdeal kahit na ipangalan nya pa kay Joyce ang building nya._Dess.Pero kahit na madami pang ari arian si Terry,hindi pa din tama na ipangalan nya sa akin ang isa sa property nya lalo't wala naman kaming ugnayan sa isat isa.

"Dun nga din nagtataka si GD,kung bakit bigla bigla namang gusto ng parents nyang ipakasal sya kaagad sa anak ng senador.Kung kelan pang nag open na si Terry sa kanila sa totoong gender nya saka pa sila ngayon nagmamadaling itali sya._Sally.Saka ko biglang naalala yung huling sinabi ng mommy ni TERRY sa akin,na lahat daw gagawin nya wag lang daw akong pakasalan ng anak nya.Ibig sabihin,AKO ang dahilan kaya ginagawa lahat ng parent nya wag lang kaming magkatuluyan ni TERRY.

"Ibang klase din pala yang mother ni Terry anoh? Mas masunget pa sa nanay ni GD at mataray pa sa nanay ni TOP.Parang doblehin mo pa yung ka istriktahan nung dalawa hindi uubra dito sa nanay nya.haaaissst.
Ang mayayaman talaga...Oppppssss..Sorrry._Dess.Napatakip sya ng bibig sa nasabi nya.Alam nya kasi na ganun talaga ang pakiramdam ko about sa mayayaman.

"Maiba nga pala ako Joyce,Mamaya na kayo mag uusap ng asawa ng tatay mo.Sigurado ka bang kaya mo na syang makaharap?Kung gusto mo,sasamahan ka namin?_Sally.Nakatanggap kasi ako ng tawag na ngayong araw na ito nga daw available makipag usap si Mrs Clemente.

"Ayos lang ako Sally,Wala ng urungan ito eh.Kung ano at anu man ang mangyari,atlis sinubukan ko kaysa wala akong nagawa.Hindi naman ako nag i expect,pero gusto ko lang din na makaharap sila at makausap._AKO.
Sa loob ng labing limang taon,muli kong makakaharap ang taong matagal kong kinamuhian.Hindi ko alam kung ganun pa din ba ang mararamdaman kong galit o mas nadagdagan pa.

"Goodluck Joyce,Sana nga makuha mo ang talagang para sayo.Basta kung ano man ang mangyari,tumawag ka lang sa amin kaagad ha.Naka timbre na din naman kina GD at TOP ang pagkikita nyo kaya madali ka naming mari rescue kung sakali._Dess. Natawa naman ako sa reaksyon nya habang nagsasalita.Para namang susugod ako sa gyera na may naka abang pang resbak kung magkagipitan.

"Salamat.Mga tunay talaga kayong kaibigan.Hayaan nyo,hindi naman ako pupunta dun ng walang dalang armas.Baka maulit na naman yung nangyari nuon,mabuti na yung handa._AKO.Saka ko inilabas ang spray na dala ko.Kung sakaling may gawin silang di maganda sa akin,madali ko silang mai sprayan sa mukha.

"Hahahhaha.Verygood Joyce.So papano ba yan,Babalik na din kami sa pwesto namin.Balitaan mo na lang kami pag nakauwi kana ha._Sally.
Sabay sabay kaming lumabas na ng canteen at saka ako dumiresto na sa may sakayan.

"This way miss._Secretary ng kumpanya nila.Sya din yung babae na inabutan ko nuon ng contact number ko.Pinaupo nya ako sa waiting area at saka tinawag makalipas ang may sampung minuto.

"Ang lakas din naman ng loob mong kausapin ang mama ko matapos ng ginawa nyong mag ina sa amin noh?_Regina.Bungad na pagbati nya sa akin.Napataas ang kilay ko pero kinailangan kong kumalma.Isa pa,hindi naman sya ang gusto kong makausap.

"May gusto lang sana akong kumpirmahin kaya ko gustong makausap ang mama mo,Sa pagkaka alam ko sya ang ka appointment ko at hindi ikaw._AKO.Kung mataray sya,sympre ako din.May kaunting hawig din sya sa akin habang tinititigan ko sya.Mas maganda lang nga ako ng di hamak kahit mas maputi sya sa akin.

"Wow naman,May tinatago din palang katarayan ang isang bastardang gaya mo noh?Hahahahha.Sabagay,mana mana lang yan sa kakapalan ng mukha eh.Like mother like daughter nga naman pala kasi._Regina.
Isa pang banggit nya tungkol sa nanay ko,masasampal ko na talaga sya.

"Anak,Ako ng bahalang kumausap sa kanya.Iwan mo na muna kami._Mrs. Clemente.Bahagyang tumanda na sya kumpara nung huli ko syang makita
Bakas pa din sa mukha ang katarayan gaya nuon.Pareho sila ng anak nyang naka tattoo na yata ang kilay dahil may kataasan.

"Magandang hapon po._AKO.Sumenyas naman syang maupo ako sa upuan paharap sa kanya na nasa kabilang mesa.

"Nabalitaan ko na may sakit daw ang nanay mo.Magastos ang magkasakit, lalo pa't isa ka lang supervisor sa isang mall...Mabuti at nakakaraos kayo kahit na papaano?_Mrs.Clemente.Ibig sabihin,aware pa din pala sila sa buhay naming mag ina.Sabagay,baka nga ipinamisa pa nila ang pagkakaganun ng buhay namin...

"Sa awa naman po ng diyos,nakaka survive naman kahit na papa ano._AKO.Tumayo sya mula sa kinauupuan nya at saka lumapit sa akin.

"So,Bakit mo naman ako gustong makausap?Sa pagkaka alala ko kasi,Sinabihan ko na nuon ang nanay mo na wag na wag ng magpapakita sa akin kahit na kelan eh.Anong dahilan at gusto mokong makausap?_Mrs.Clemente.

"Sa totoo lang po,Walang alam ang nanay ko sa pagpunta ko dito.
Ako lang po ang nagdesisyon na makipag usap sa inyo.Gusto ko lang sanang itanong kung meron po bang naiwan ang tatay ko sa akin?_AKO.

"Hahahahhaha.Ang tatay mo kung may naiwan para sayo? Meron.Napakalaking pagkakautang!_Mrs.Clemente.Napa angat ang ulo ko sa nadinig ko.Papano na?Wala naman pala akong maasahang mana.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon