23.JOYCE

1.1K 49 2
                                    

Hindi ko pa din tinanggap ang ini ooffer na tulong ni Terry para kay nanay.Ipinaliwanag ko kay ate Zeny ang lahat kaya naman hindi na din sya nagpilit pa.Hindi birong halaga ang tatlong milyong ilalabas ni TERRY kung saka sakali kapag tinanggap ko ang pag aapply sa foundation.

"Miss Mercado,Nabalitaan ko mula kay GD na may sakit pala ang yong Nanay.Since wala namang problema sa performance mo at mahusay ka namang supervisor,Kinausap ko ang HR na payagan kang pauwiin kaagad kung sakaling may emergency sa pamilya mo.Dun man lang,makagaan gaan ng kalooban mo kapag nagkaka problema ka sa pamilya._Miss Aimee.Nakangiti sya ng sinasabi yun kaya naman masaya ako sa balita.

"Naku maraming salamat po Miss Aimee.Malaking ginhawa nga po sa akin ang prebihiliyo na yan.Pakisabi na din sa Chairman na maraming salamat.
_AKO.Mula ng maging sila GD na at Sally,Naging maganda na ang pakikitungo sa amin ni Madam CK.Kaya naman madami ang naiinggit sa aming tatlong magkakaibigan lalo na kay Sally.

"Syanga pala,Ilang araw ko ng napapansin na parang malungkot si Sally.
May problema ba sila ni Dane?_Miss Aimee.

"Hindi naman po nagku kwento si Sally na may problema silang dalawa.
Sa pagkaka alam ko po,Parang nagpapa alam po yata si GD sa kanya na pupunta ulit sa Hawaii._AKO.Wala naman kasi akong balita sa kanilang dalawa ngayon dahil nga mas maingay ang buhay ni Terry ngayon.

"Ganun ba,Siguro nga.Bakit nga ba sayo ako nagtatanong e mas kayo nga itong malaki ang problema.Bakit ba naman kasi napaka kontrabida nyang si Gina sa lovelife ng anak nya.haaay naku._Miss Aimee.Hindi na ko magtataka kung alam na alam nya ang ugali ng mother ni Terry,pinsang buo sya ni madam CK kaya kilala nya din ang mga kaibigan ni madam.

"Kaya nga po eh.Nakaka awa naman si Terry.Kung may magagawa lang nga po ako para matulungan sya.Makabawi man lang sa mga pagtulong na binibigay nha sa amin ng pamilya ko._AKO.Hindi ko namamalayan na unti unti na pala akong nag Oopen kay Miss Aimee.

"Meron kang magagawa,kaso pinipigilan mo lang.Kasi natatakot kang muling masaktan.Alam mo kasi,nakaka trauma naman talaga yang mayayaman.Grabe makapanakit ng damdamin ng kapwa.Ang tanging maipapayo ko lang sayo,Magpakatatag ka.Ganun naman talaga kapag nagmamahal,naka handa kang tanggapin lahat kahit na masaktan kapa wag lang yung taong mahal mo._Miss Aimee.Matapos ang maiksi pero makabuluhan naming pag uusap,bumalik na ako sa pwesto ko.

"Hoy bru,san kaba galing ha?Kanina kapa hinahanap nung mayamang babae.Nakakatakot kaya sya.Masyado syang istrikta._Lorin.Isa sa mga visor na kasabayan ko.Bigla akong kinabahan sa ibinalita nya.Parang kilala ko na kung sino yjng naghahanap sa akin.

Agad akong pinatawag sa opisina ni Madam CK.Meron nga daw gustong kumausap sa akin.Hindi nga ako nagkamali,Mommy nga ni Terry ang naghahanap sa akin.Mestisa ang mommy ni Terry,kabaliktaran kong kulay kayumanggi pero hindi naman maitim.Naka white dress sya na may black na malapad na belt at saka naka pustura.Gaya ni Madam CK,halata mong mayaman sya sa tindig at paglakad.Tipikal na aristokratang donya.

"Good afternoon po Madam,and  sa inyo din po Mrs.Guillermo. Pinapatawag nyo daw po ako._AKO.Nakatayo lang ako pagpasok ko sa loob ng opisina ni Madam.

"Ohhh yes iha,Halika at maupo ka.Naku,kay gandang bata talaga.Inggit na inggit ako sa ganyang kulay,hindi kagaya kong namumutla._Madam CK.
Ramdam ko,pinapagaan nya lang ang atmosphere para hindi ako kabahan sa muli naming paghaharap ni Mrs Guillermo.

"Salamat po sa papuri Madam.Pero mas maganda po kayo._AKO.Saka ako naupo sa harap ng di umiimik na mommy ni Terry.

"Ay syanga pala,maiwan ko na muna kayo saglit at mag ra round lang ako sa ibaba.Gina,ikaw na muna ang bahala sa empleyada ko ha.Yung pinag usapan natin,kalma lang._Madam CK na ngumiti muna sa akin bago lumabas ng pintuan.

"5 Milyon para sa pagpapa kidney transplant ng nanay mo,kapalit ng di mo na pagpapakita sa anak ko.Tatanggihan mo ba ang offer ko?_Mrs.Gina
Hindi na ko nagulat na alam na alam nya ang tungkol sa nanay ko.
Minsan na nya akong kinausap at alam kong pina imbestigahan nya muna ako nuon bago hinarap.

"Hindi ko ho kailanman ibibenta ang sakit ng nanay ko para lang ma please kayo.Wala ho akong kinalaman sa problema nyong mag ina kaya pakiusap lang sana,wag nyong idamay ang nanay ko._AKO.

"Bakit ayaw mong tanggapin,Dahil ba mas malaki nga naman ang kaya mong makuha kapag pinili mo ang anak ko kaysa sa limang milyon lang tama ba?_Mrs Gina.

"Hindi ko kahit kelan hinangad na gamitin ang anak nyo para lang magka pera.Totoong nangangailangan ako ng limang milyon pero hindi ko kailan man inisip na huthutan o samantalahin ang kabaitan ng anak nyo._AKO.

"Really now?Kaya naman pala dalawang beses kang nagpunta sa opisina ng anak ko.Feeling at home kaba sa building na ipinatayo nya na nakapangalan pa sayo?_Mrs.Guillermo.

"Gaya nga ho ng sabi ko,Kahit na ano pang pilit gawin ng anak nyo para tulungan ako hindi ko po yun tatanggapin.Lalong lalo pa kung mang gagaling sa inyo.Wag po kayong mag alala,kahit hindi nyo ako bayaran, hinding hindi na ako kahit kelan tutuntong sa building na yun para sa ikapapanatag nyo._AKO.

"Malakas ang loob mong sagut sagutin ako ng ganyan palibhasa alam  mong gusto ka ng anak ko.Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa mo sa kanya at nagkaganun sya.Hindi lang gender ng anak ko ang binago mo kundi pati ang pag uugali nya.Hindi na sya ang KATARINA na anak ko.
_Mrs.Guillermo.

"Hindi po totoong nagbago si Terry.Sya pa din po ang mabait at matulunging si Katarina Guillermo.Ipinapakita nya lang po ang totoo nyang pagkatao na hindi nyo gustong makita.Sa totoo lang,Nakaka awa talaga si Terry...Dahil kung kelan nya kailangan ng mga taong IINTINDI AT TATANGGAP sa totoong sya,saka pa sya walang MAKAPITAN AT MATAKBUHAN._AKO.

"Inimpluwensyahan mo lang sya!Hindi Lesbian ang anak ko.Babae sya!
Ikaw ang may kasalanan sa pagkaka ganun nya.Hinding hindi ko matatanggap na magkaroon sya ng karelasyon sa kapwa nya babae lalong lalo na sayo! Kaya bago pa ako may gawing di maganda sayo at sa pamilya mo,LAYUAN mo ang anak ko!_Mrs.Guillermo.

"Hindi ko po maipapangako na hindi na kami magkikita pa ng anak nyo,Maliit lang ang mundong ginagalawan namin dahil sa pareho kami ng mga kaibigan. Pero isa lang po ang sinisiguro ko sa inyo...HINDING HINDI AKO TATANGGAP KAHIT NA KUSING NA TULONG MULA SA PAMILYA nyo kahit na ano pa ang mangyari!_AKO.Agad akong tumalikod.Ayokong umiyak sa harapan nya hanggat maaari.

Iniwan ko sa loob ng opisina ni Madam CK ang nanay ni Terry matapos naming mag usap.Muli na naman akong nakaramdam ng sakit mula sa mga salitang binitiwan ni Mrs.Guillermo.Parang latay syang gumuguhit sa bawat himaymay ng aking pagkatao.Totoong kahit na gustuhin ko mang mahalin din si TERRY,Hinding hindi yun mangyayari.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon