4.TERRY

1.9K 66 2
                                    



Habang papasok ng hospital si Joyce,Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makapasok na sya sa loob.Matapos kong malaman ang nangyayari sa kanya sa araw araw,Saka ko lang sya lubos na naintindihan.
Kaya naman pala ganun na lang kalungkot ang mga mata nya.Kaya naman pala kahit na himatayin pa sya sa kalsada,babangon at babangon pa di sya,mapuntahan nya lang ang pinakamamahal nyang ina.

"Anong ginagawa mo dito,Akala ko umuwi kana?_Joyce.Bumili lang ako ng makakain,at saka ko pinagtanong ang pangalan ng nanay ni Joyce.Mabuti na lang at naikwento nya sa akin kanina kung saan naka confine ang nanay nya.

"Actually,Pinagtanong tanong ko pa kung saan ang ward ng mother mo.Buti na lang natandaan ko kung anong sakit nya kaya dito ako agad nagtanong._AKO.Saka ako napalingon sa nanay nyang nahihimbing sa pagtulog.

"Bakit naman hindi kapa umuwi?Masyado na kitang naaabala.
Nagdududa kaba na baka gumagawa lang ako ng kwento kaya siniguro mo na puntahan ako dito?_Joyce.Saka ako tila napahiya.Ganun pala ang akala nyang ginagawa ko.

"Hindi.Hindi sa ganun..Naniniwala naman ako sayo.Im sorry kung ganun ang naisip mo.
Gusto ko lang naman sanang ibigay ito sayo,Saka sa nanay mo na din.
Alam ko namang mula pa kanina,hindi kapa kumain._AKO.This time sana hindi nya na ako pag isipan ulit ng masama.

"May pagkain naman na dinadala ang ate ko,Kaya nakakakain naman ako ng tama.Ganun pa man,salamat sa pag aalala at dito sa binili mo.Dagdag mo na lang sa listahan ng utang na babayaran ko._Joyce. Saka tumalikod na sa akin.

"Ah..ehh,Hindi pa naman masyadong gabi at saka dala ko naman yung kotse ni TOP,Ayos lang ba na samahan na muna kita dito sandali?_AKO.

"Masyadong malayo ito sa inuuwian mo,Baka mapuyat ka ng husto.At saka bawal ang madaming bantay kapag public hospital._Joyce.Kaswal ang pagsasalita na parang gusto na ako talagang itaboy.

"Ganun ba,Kung ganun aalis na din ako kaagad.Para pati ikaw makatulog na din._AKO.Saka ako tumayo na sa upuan pero biglang nagising ang nanay nya.

"Aba,May bisita pala tayo anak.Bakit di mo ako ginising?Nakakahiya naman sa bisita mo._Nanay ni Joyce.Saka ako lumapit sa kanya dun sa ulunan ng kama.

"Hello po Ma'm,Ako po si Terry.Kaibigan po ako ng anak nyong si Joyce.
Kamusta po kayo._AKO.Saka ako sumulyap kay Joyce na wala pa ding reaksyon sa mukha.

"Naku,Hindi ko alam na may bisita pala kaya hindi agad ako nagising.
Pasensya kana iha.Ayos lang naman ako,eto maganda pa din._Nanay ni Joyce.Saka kami parehong nangiti.

"Tama naman po kayo dyan.Maganda nga po kayo.Alam ko na kung saan nagmana si Joyce ng kagandahan._AKO.Saka ako muling tumingin kay Joyce na bahagya namang ngumiti pero ng mahuli ko sya,bumalik ulit sya sa pagsimangot.

"Hahahah.Nagbibiro lang ako iha.Ang totoo nyan,Mas kahawig sya ng tatay nya pati sa pagiging morena.Ikaw din naman maganda ka,Para ka ngang artista.Akala ko nga si Angel Locsin eh._Nanay ni Joyce.

"Ay naku hindi naman po.Mas maganda po ako dun.Biro lang.Actually po, bago pa lang kaming magkakilala ni Joyce kaya medyo nahihiya pa po siyang ipakilala ako sa inyo,ako lang po ang nag insist._AKO.

"Mukha namang mabait ka at masayahin.Masaya ako kapag may mga kaibigang nakakasama yang si Joyce,Para hindi sya yung parang pasan ang daigdig kapag nananahimik lang sa isang sulok._Nanay ni Joyce.

"Nanay naman,Masayahin din naman ako paminsan minsan ah.
Kapag pagod lang sa trabaho,sympre di maiwasang sumimangot.
Paalis na nga po pala si Te..Terry.Malayo pa po kasi ang uuwian nya._Joyce.

"Naku syanga naman.Salamat sa pagdalaw iha.Salamat din sa pakikipag kaibigan mo dito sa masunget kong anak.Pagpasensyahan mo na lang yan dahil pinaglihi ko yan sa sama ng loob._Nanay ni Terry.

"Naaaaay!Grabe ka sa akin.Sa sama ng loob talaga?Matulog kana ulit Nay, ihahatid ko lang sya sa labas._Joyce.Saka nya ako hinila sa damit ko para umalis na.

"Salamat po nay.Nag eenjoy po akong kausap kayo.Magpagaling po kayo ha.At saka nga po pala nay,Ayos lang po bang dumalaw ulit ako dito?Saka okey lang din po bang Nanay na din ang itawag ko sa inyo?_AKO.
Pinandilatan na ako ng mata ni Joyce pero sa nanay nya pa din ako nag focus.

"Nag eenjoy din akong kausap ka anak,Oo naman pwedeng pwede kang dumalaw ulit.At pwedeng pwede mo din akong tawaging nanay Joy.
Salamat sa pagdalaw,at mag iingat ka sa pag uwi._Nanay Joy.
Saka ako kumaway sa kanya habang papalabas kami ni Joyce sa ward.
May mga mangilan ngilan din tao na nakatingin sa amin ni Joyce na naghihilahan palabas.Nginitian ko lang silang lahat.

"Ano kaba,Feeling close ka din anoh?Wag ka ngang mangangako sa nanay ng kung ano ano tapos hindi mo naman kayang panindigan._Joyce.
Nasa labas na kami at saka sya nag salita.

"Wait nga lang,Grabe ka sa akin makahila naman.Para akong aso ah.
Saka ano namang pangako ang sinasabi mo na di ko kayang panindigan?
Wala maman akong sinabi na hindi ko pa nagagawa so far,sa pagkaka alam ko lang._Ako.Nasa parking lot na kaming dalawa.

"Yun lang namang sinabi mo na dadalawin mo sya ulit.Alam mo,yang nanay ko gusto nyang palagi may kumakausap sa kanya.Kaya kapag may dumadalaw dyan o kahit sa bahay,masaya sya._Joyce.

"Oh tapos,Ano namang problema dun?Dadalawin ko naman talaga sya ah.
Ikaw lang naman ang ayaw na ayaw akong mag stay ng matagal para makipag kwentuhan sa nanay mo.Pero sa nakikita ko naman,Nag eenjoy syang kausap ako._Ako.Lumapit ako sa tabi nya pero agad naman syang umiwas sa akin.

"Sige na,umuwi kana.Salamat sa pagdalaw.Sa susunod,hindi ko na tatanggapin yang dadalhin mo ha._Joyce.Saka lumayo sa akin.

"Oiii,Infairness pati sya nag i expect ng muling pagdalaw ko.Hahahah.
Hayaan mo,hindi kita idi dissapoint.Sige,balik ka na din dun.
Matulog ka ng mahimbing._AKO.saka ko sya kinindatan at pumasok na ako sa kotse.

Sa totoo lang,malayo talaga ang pagitan ng Alabang at Maynila pero kapag may sasakyan kang sarili,hindi yun mahirap puntahan.
Isa pa,Natutuwa akong kahit papaano napapangiti ko din si Joyce kahit na asar na asar sya akin dahil sa kakulitan ko.

Seryoso ka ba dyan Teray?Lagi mo kamong dadalawin sa hospital yung nanay ni Joyce,Pero teka,anong meron?_TOP.Kauuwi ko lang sa condo ni TOP at kinwento ko sa kanya yung pagdalaw ko sa nanay ni Joyce.

"Kasi nga nakapangako na ako sa kanya.Alangan namang di ko tupadin. Baka sabihin,puro lang ako salita._AKO.Naghanda na akong magshower kaya agad akong pumasok sa banyo kahit nag uusap kami.

"Hindi naman yun ang isyu,Ang sa akin lang bakit kelangan mong mangako na dadalaw palagi tapos gusto mo pa kamo silang tulungang mag ina mailipat dun sa hospital ng family nyo.Kakakilala mo pa lang dun sa tao ah!_TOP.Nasa labas sya ng banyo kaya nagsisigawan kami habang magkausap.

"Hindi ko din alam.Basta ang alam ko lang,gusto ko silang tulungan lalo na si Joyce.After ko malaman ang buhay nya,yung sakripisyo nya para sa nanay nya,Bigla kong naramdaman na lang na gusto ko syang tulungan.
Mahirap i explain._AKO. Hindi naman na ulit nagsalita pa si TOP kaya dire dire diretso na ako sa paliligo ko.
Naalala ko ang magandang mukha ni Joyce.Yung kahit na alam mong may pinagdadaanan syang problema sa buhay,Ang ganda ganda pa din nya talaga.Yung gandang hindi mo pagsasawaan.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon