12.TERRY

1.2K 52 0
                                    

Base sa pag uusap namin ng doktor na kinunsulta nuon nina Joyce,mas mainam daw na may donor ng kidney para agad masimulan ang transplant.Sa ngayon kasi,bukod sa pera na kakailanganin sa pagpapa transplant...Need din na may nakahanda ng kidney para ipalit sa nasira ng kidney ni nanay Joy.Kaya madalas ang pagbalik balik nila sa emergency ngayong panahon na ito.

"So nakausap mo na ba yung family nung i sponsoran ng foundation natin ha Terry,Sa palagay ko naman walang magiging problema sa request mo lalo pa't willing si Yuri na mag donate ng malaki laki ding halaga._Levi.Eksaktong paparating si Yuri na abot tenga ang ngiti habang papasok ng building.

"Hello everyone!Nice to see you all here...Tamang tama pala ang dating ko dahil andito ang "Angel ko..opppsss i mean si Terry pala._Yuri.Saka sila nagtawanan lahat liban sa akin na bahagyang namula.Masyadong open si Yuri sa pagpaparamdam na type nya ako.Hindi ako prepared.

"Hahahahahha.Ikaw na talaga Terry!Kaya madaming lesbian ang may kinikimkim na pagkainggit sayo eh,dahil di ka lang sikat na direktor,habulin kapa ng mga rich and famous celebrities._Agnes.Sya ang tumatayong treasurer ng foundation at bff ni Levi.

"Alam nyo tama na muna yang mga pagpapabebe na yan dahil madami pa tayong kailangang pagmitingan at pag usapan.After nitong meeting,saka tayo magchikahan about sa lablayp nitong sina Yuri at Terry okey?_Levi.
Madaming natutulungan ang foundation na itinayo ni Levi,Pero hindi lahat.Karamihan kasi sa mga gustong gusto nilang tinutulungan ay ang mga kagaya din naming nasa lesbian world lang.

"Syanga pala Terry,Bago ko makalimutan.May 50 members tayong pakakainin sa susunod na linggo at ang request ng mga nakararami ay mag invite daw ng mga artista as guest.Meron ka bang pwedeng mairecommend sa amin?_Levi.

"Walang problema dun Pres,I can invite some celebrities na mga naiderek ko na.Im sure maraming gustong makapagbigay ng libreng saya sa mga taong may sakit at nangangailangan._AKO.After ng meeting namin at kaunting chikahan,nagpaalam na ako sa kanila.Unang unang gusto kong iwasan ay ang pagpapa bebe ni Yuri sa akin.She's much older than me pero may pagka childish sya.Malayong malayo sa matured mag isip na si Joyce.

"Wait Terry,Ipinaaabot nga pala ito ni Yuri.Regalo nya daw sayo at pasalubong na din.Sige ingat ha._Agnes.Saka ko inabot ang shopping bags na dala nya at ipinasok sa kotse ko.

While driving,na curious ako sa laman ng bag at isa isa ko yung tinignan.
Isang Gucci light blue shirt sya at sa kabilang bag naman ay isang pares ng blue sneakers.Napailing na lang ako at napangiti.Parang alam ko na ang ibig sabihin nya sa regalong yun.

"Couple shirt and sneakers?hahahahah.Wow ha,ibang klase din yang tangahanga mo Terry.Infairness,dadaigin nyo pa ang kathniel at Jadine nyan kapag sabay nyong isinuot yan._TOP.Diretso kaming nagkita kita sa bar after work dahil restday daw nilang dalawa bukas.

"Speaking of the devil guys,Yuri is coming to our table right now.And look at her outfit...Yung couple shirt at sneakers nga ang suot nya.hehehhe._GD
Napangisi naman si TOP at saka nakangiting sinalubong si Yuri.

"Yuriiiiii!Welcomeback.Kelan kapa dumating from Taiwan,Infairness ha laki ng ibinata mo ngayon.Share naman ng secret dyan!_TOP.Medyo malakas kasi ang tunog ng music kaya pasigaw sila mag usap usap habang tahimik lang ako.

"Hahahahha.Tooooppp! Hindi kapa din nagbabago kahit balita ko engaged kana...BOLERO kapa din!_Yuri.Saka sya bumeso sa kanila ni GD.Actually, pamilya ni GD ang kakilala ng pamilya ni Yuri kaya hindi imposibleng hindi kami magpanagpo kahit nuon pa.

"Ohhh sympre naman,Kahit engaged na kailangan pa ding mag enjoy.
Hindi naman pupwedeng umikot lang ang buhay sa iisang tao diba?_TOP.
May mga kasama kasing magagandang babae si Yuri kaya im sure duma da moves na naman itong si TOP.

"Tama naman!Hahahaha.Btw Terry,Nagustuhan mo ba yung gift ko sayo?
_Yuri.Sya yung tipo ng babaeng kahit hindi ako ang kausap sa akin lang sya nakatingin.

"Yeah,Salamat nga pala sa gift.Hindi kana sana nag abala..._AKO.Napatigil ako sa pagsasalita dahil isang lasing na guy ang bumangga kay Yuri at napatapon ang dala nyang alak sa damit na suot ko.

"Ohhhh my!Im so sorrry Terry.Hindi ko sinadya.Yung bastos na guy kasi na yun eh,binangga ako._Yuri.Saka nya agad pinahidan ng tissue ang suot ko.

"Its okey.No worries.Alam ko namang di mo sinasadya eh.I'll just go to the washroom muna guys._AKO.Actually,sa kotse ako dumiretso after para magpalit ng damit.Since wala akong dalang extra shirt,Yung iniregalo ni Yuri na lang ang isinuot ko.Hindi naman siguro mapapansin sa loob yun ng bar dahil madilim.

"Ladies ang gentlemen.May i have your attention please!...Special po ang gabing ito para sa lahat ng mga magsing irog o lovers ngayon.Magkakaroon po tayo ng mini contest at makakatanggap po ng special prize ang mapipili nating couples for tonight._Radio DJ na live ang broadcast sa radio station nila.Buti na lang at sa radio lang kaya hindi kami makikita.

"Terry,Ngayon pa lang binabati na kita.For sure kayo ni Yuri ang mananalo dahil naka couple shirt kayo.hehehhe._bulong ni TOP.Kahit alam kong nagbibiro lang sya,kinakabahan din ako sa resulta.Hindi ko din inaasahan na bubuksan ang ilaw sa bar para makita nila ang mga napiling couple.Sa totoo lang,wala akong idea na may ganito palang pakulo ang bar na pinuntahan namin.

"And now ladies and gentlemen...We will now announce the STAR COUPLE OF THE NIGHT.Congratulations to Miss YURI and MISS TERRY!
_Dj host.Mabilis ang mga pangyayari,wala akong nagawa ng hilahin nila ako sa gitna at ipareha kay YURI na halatang enjoy na enjoy sa nagaganap.
Nagtilian pa ang mga babaeng kasama nya kaya lalong nag ingay ang crowd

"Kisssss...Kisssss...Kisssss!_Sigaw ng crowd sa aming dalawa ni Yuri.
Nagulat nalang ako ng bigla akong halikan ni Yuri sa labi at saka nagsipalakpakan ang lahat sa aming dalawa.Hindi ako nagpahalata pero bahagya kong naitabig si Yuri pagkatapos nya kong halikan.Agad akong bumalik sa pwesto ko pagtapos ng announcement.

"Goodluck nalang sayo bukas Bro! Im sure headline ka nyan...
Ang daming kumuha ng pic nung hinalikan ka ni Yuri._GD.Napailing naman si TOP at saka kami sabay sabay ng umalis sa lugar na yun.

"Sorry Bro,Hindi ko alam na may gagawing kababalaghan yang si Yuri eh.
Basta ang sabi nya lang,magkita kita nalang tayo dun.Yun pala may agenda sya.Papano yan kapag nakita ni JOYCE yung halikan nyo ni Yuri?
_TOP.Napatakip na lang ako ng nuo at saka umupo sa sasakyan ko.
Bakit ba kasi hindi ko napaghandaan ang palabas ni Yuri gayong isa akong direktor.Tsk...Anong mukha ang ihaharap ko kay Joyce ngayon.

Agad akong tumawag sa publisher na kakilala ko para ipahinto ang balita kung sakaling lumabas sa public ang nangyari.Pati yung kilala kong computer specialist kung sakaling kumalat sya sa social media.Ang problema lang,madaming nagpicture sa amin,at may mga nag IG at FB live pa nga habang humahalik si Yuri sa akin.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon