41.TERRY

1.1K 50 1
                                    

Ipinakita ko kay Dad ang plano ng bahay na pinagagawa ko.May mga kaunti syang suggestion at ilang hindi nagustuhan pero over all naman nagkasundo kami at nagustuhan nya naman ang gusto kong disenyo ng bahay.

"Dad,Pwede mo ba kong samahan na magpaalam kay mom na magpapakasal na ako?Alam mo naman yun kapag kami lang dalawa ang mag uusap,sa away palagi nauuwi._AKO. Sa mansyon na ako dumiretso pagkatapos kong bumisita sa ipinagagawa kong bahay.

"Talaga bang siguradong sigurado kana sa desisyon mo ha?Baka naman gusto mo munang pag isipan.Pareho pa naman kayong bata ni Joyce kaya may time pa kayo para gawin muna ang mga gusto nyong gawin sa buhay._Daddy.Nasa pool area kami at nakatingin lang sa hardinerong si Mang hernan na matyagang nagdadampot ng mga nalalaglag na dahon mula sa mga puno.Kumaway sya sa amin ng makita nya kaming nakatingin sa kanya.

"Dad,Alam mo naman na matagal ko ng gustong makasama si Joyce.Nuon pa mang una pa lang,Tinamaan na ko talaga sa kanya.Parang hindi ko na kakayanin pang maghintay pa uli ng matagal para makasama ko sya__AKO

"Tinamaan ka talaga ng husto sa kanya ano?Sabagay,Napaka ganda naman talaga ng batang yun.Parang mommy mo lang din nung mga panahong bago pa lang kaming nagkakilala.Talagang hindi ko din sya tinantanan hanggat di ko sya napapasagot._Daddy.Napangiti naman ako sa kwento nya.Nagmana yata ako sa kanya sa pagiging consistent at matyaga.

"Hindi lang maganda si Joyce dad,Napaka mapagmahal pa nyang anak.
Isa yun sa mga katangian nya na lalong nagpayabong sa pagmamahal ko sa kanya.Bukod pa sa kasipagan at sa pagiging marespeto nya sa mga tao.
_AKO.

"Haaayy,Nabalitaan ko nga ang ginawang pag kompronta sa kanya ng Mommy mo nuon.Hindi lang iisang beses kundi nasundan pa.Hindi ko ma imagine ang takot na naramdaman ni Joyce nuon pero nanatili pa din syang tahimik sa kabila ng lahat.Kahanga hangang bata._Dad.

"Ganun ka matured mag isip at ganun kalawak ng pang unawa ni Joyce dad.Hindi sya kagaya ng iba na basta na lang susuko at matatakot.
Alam nyang i handle at timbangin ang bawat sitwasyon.Kaya nga kahit na ano pang mga pinagdaanan nya,hinding hindi sya kaagad nagpapatinag at nagpapatalo na lang._AKO.

"Halika na at kausapin na natin ang Mommy mo.Baka magbago pa ang isip ni Joyce at bigla kang layasan.Aba,base sa kwento mo at pagkaka describe sa kung anong klase syang babae,Kahit ako ay manghihinayang pag pinakawalan mo pa ang kagaya nya._Dad.Natawa naman ako sa sinabi ni Dad at saka kami sabay na pumasok na sa loob ng bahay.

"Mukhang seryoso ang pag uusap nyong mag ama at hindi nyo na ako nagawang silipin man lang sa kwarto ko._Mommy.Saktong pagpasok namin sa loob ay sya namang pagbaba ni Mom sa hagdan mula sa room nila ni Dad.

"Hahahhaa.Hindi naman masyadong seryoso mahal kong asawa.Parang mas kayong dalawa ang kailangang mag usap.Makikinig lang ako at magsisilbing referee kung sakali._Dad.Inalalayan nya si Mom sa pagbaba ng hagdan at saka silang dalawa umupo sa malabot na sofa paharap sa akin.

"At ano naman yang seryosong usapan yan,Dont tell me magpapa alam kana na magpapakasal ka na ha Terry?_Mommy.Napaangat ang ulo ko at nagkatinginan kami ni dad.

"Hahahhaha.Sabi na sayo anak,malakas ang radar nyang mommy mo.
Hindi mo pa sinasabi,Alam at ramdam nya na.Dati kasi yang INVESTIGATOR nung kabataan._Dad.Alam ko namang pinagagaan lang ni dad ang atmosphere kaya sya nagbibiro.

"So,Tama nga ba ako ha Terry?Magpapaksal na kayo ng nobya mo,Yung saleslady sa mall ni CK tama ba?_Mommy.This time,nagbabaga ang titig sa akin ni mom habang nag aantay sa confirmation ko.

"Ahhh.Well Mom...Since nabanggit mo na din naman na tungkol sa pagpapakasal nga ang dahilan kaya gusto kitang makausap ngayon,Gusto ko lang sana na ipaalam sayo na nagpa plano na nga po kami ni Joyce magpakasal._AKO.Hindi ko magawang salubungin ang mga titig ni mom kaya nakayuko ako habang nagpapa alam sa kanya.

"Nagpa plano o naka set na ang date?Kung sinasabi mo yan sa akin para lang hindi ka lumabas na masamang anak,hindi ko yan matatanggap.
Higit kanino man,Magulang specially ang ina ang unang kailangan mong hingiian ng pahintulot kapag gusto mo ng bumuo ng bagong pamilya.
Dahil kapag hindi gusto ng magulang ang mapapangasawa ng anak nya,Hindi kayo magiging masaya sa pagsasama nyo bilang mag asawa._Mom

"Mommy,Hindi ka namin binabalewala.Mahalaga din ang opinyon mo at ang basbas mo.Pero hindi ibig sabihin nun na kapag hindi mo gusto ang taong mahal ko,hindi na din namin itutuloy ang pagpapakasal namin.
_AKO.

"Totoo ngang masyado ka ng nahumaling ng husto sa babaeng yun at nabilog nya n ng husto ang ulo mo.Sa palagay mo ba,Ganun ganun na lang akong mapapapayag mo sa gusto mong mangyari?Alam mo kung anong kaya kong gawin?_Mommy.

"Kaya nga nakikiusap ako mom,Hayaan mo na kami ni Joyce magpakasal.
Hindi ko naman hinihingi sayo na magustuhan mo sya,Pero konting konsiderasyon lang ang kailangan ko.Konting pag asa na kahit sana papaano,bigyan mo sya ng chance na kilalanin din._AKO.

"Kaunting chance na kilalanin sya?Ano pa ba ang dapat kong malaman sa pagkatao nya bukod sa anak lang sya sa labas ng tatay nya at kabit lang ang nanay nya?Pero sige,Ipagpalagay na natin na katanggap tanggap na sa lipunan  ang mga bastardang anak...Pero hindi ko lang matanggap na wala sya kahit na isang kusing na pag aari.Anong akala nya sa pamilya natin,FOUNDATION? NA Kaya ka lang nya ginusto dahil may malaki syang pagkakautang sayo._Mommy.Wala talagang hindi nakakalusot kay mom.lahat ng gawin at ginagawa ko at ni Joyce,alam na alam nya.

"Gina,Teka lang naman.Wag namang ganun.Kahit naman mahirap lang ang pamilya ng mapapangasawa ng anak mo,marangal naman silang namumuhay na mag ina.At saka hindi naman pera lang ang habol nya sa anak natin,Nagmamahalan sila._Daddy.

"Pareho na talaga kayong nabulag ng babaeng yun at nagsanib pwersa pa kayo sa pagtatanggol sa kanya.Ako talaga ang kontrabida at masama?Bakit di mo itanong sa magaling mong anak kung talagang mahal ba sya ng babaeng kinahuhumalingan nya?Baka hindi mo alam na napilitan lang sumagot sa prosal nya ang babaeng yun dahil sa sinabi nyang bayad na lahat ng pagkakautang nila ng nanay nya basta pakasalanan lang sya!_Mommy.Hindi ko alam kung anong isasagot.Totoo naman lahat ng sinasabi ng mom.

"Hindi lahat ng babae,nakukuha at napapasagot lang dahil sa pera Gina.
Ipagpalagay na natin na totoong dahil sa pagkaka utang ni Joyce sa anak mo kaya nya tinanggap ang alok na kasal sa anak mo pero kasama din duon ang kagustuhan nyang maipadama sa anak mo ang pagmamahal nya._Daddy.

"Look at your daughter,Saka mo sabihin sa akin na may kasamang pagmamahal ang pagtanggap ng babaeng yun sa anak mo?Kahit nga sya sa sarili nya alam nyang tanging AWA lang ang dahilan ng lahat.Tama ba ako KATARINA?_Mommy.

"Thats not true Mom.Mahal ako ni Joyce,Nararamdaman ko yun.
Kung sa tingin mo,Ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa then be it...
Mahal man ako o hindi ni JOYCE,PAKAKASALAN KO PA DIN sya sa ayaw mo at sa gusto._AKO.Then saka ako tuluyan ng lumabas ng bahay kahit na tinatawag pa ako ni dad na bumalik.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon