42.JOYCE

1.1K 54 0
                                    

Bagong Environment at mga kasama.Pero mas komportable ako ngayon sa bago kong trabaho kaysa nung nasa mall ako.Masaya pa dahil palagi na talaga kaming magkasama ni Dess dahil sa iisa lang ang workplace naming dalawa.Mas madalas nga lang na sa loob lang ako ng opisina at sya ang nagra round sa mismong boutique as a supervisor.

"Wow naman,Bagay na bagay sayo ang maging manager madam Joyce!
Lalo kang sumusyal! Teka,how about me?Mukha na ba kong supervisor sa pormahan ko?hahahhaha._Dess.Natawa din ako sa biro nya.Bagay na bagay naman sa kanya ang posisyon nya lalo pa ngayong ilang buwan na lang at makakapag tapos na sya ng pag aaral nya.

"Sympre naman bagay sayo noh.Hindi ka lang mukhang visor,Para ka pang asawa ng CEO ng fastfood chain!hahahah._AKO.Masaya kaming pareho ni Dess,bakas yun sa mukha naming dalawa.Pero hindi ganung kasaya lalo pa't alam ko na may mga darating na problema sa mga susunod pang mga araw.

"Maiba nga pala ako Joyce,Totoo ba yung ibinalita sa akin ni TOP na nag propose na din sayo si TERRY?Pero alam na ba yun ng nanay nya?_Dess.
Yun din ang isa sa mga inaalala ko,Hindi na ko magtataka kung isa sa mga oras na ito ay ipatawag na naman ako ng nanay ni Terry.

"Yes,Nag propose na nga sya at pumayag naman ako.Tungkol sa mother nya,hindi ko pa alam kung ano ang naging resulta ng pag uusap nila.
Kanina kasi pagkatapos nilang mag usap ng daddy nya,tumwag sya sa akin at ipinaaalam na magsasabi na nga daw sya sa mommy nya ng tungkol sa amin._AKO.Sa totoo lang,kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

"Wag kang mag alala,Im sure kayang kaya yun i handle ni Terry.Sigurado ako na magiging okey ang lahat.Basta kapag natuloy ang kasal nyo,dapat invited kami ni Sally ha._Dess.

"Sana nga magkatotoo yang sinasabi mo Dess.Alam mo naman yang si Terry,masyadong palaban sa mommy nya kaya nag aalala ako.Ayoko namang tuluyan na silang magkasirang mag ina dahil sa akin.Gusto ko sanang maging maayos ang lahat bago kami magpakasal._AKO.

"Basta think positive lang,magkakatotoo lahat yan.Kita mo nga kung gano ka ipaglaban ng mahal mo diba,kaya ngayon kapa ba mag aalala.Kung ako nga na enggage na din at okey naman sa parent ni TOP hindi sumusuko at naniniwalang darating din yung time na magpapakasal kami,Ikaw pa kaya na sobrang mahal na mahal ni Terry?_Dess.Isang ngiti lang ang itinugon ko sa kanya.Hangad ko din na sana isang araw,marealize ni TOP na malaking pagisisi sa parte nya kapag hinayaan nyang mawala ang taong labis na nagmamahal sa kanya.

"Oo na nga,Naniniwala na ko.Basta kayong dalawa ni Sally ang bridesmaid ko ha.At saka sympre ninang na din kapag nagka baby na kami._AKO.

"Hahahaha.At may plano kaagad magka baby?Wow ha,talagang kinakarir nyo ng dalawa ang pagkakaroon ng pamilya.Mabuti yan,mas maganda yung habang bata pa at malakas,mag anak na para hindi yung kapag may edad na saka pa lang magkaka baby._Dess.Ganun nga din ang napag kasunduan namin ni Terry,Ang magka baby kaagad after the wedding kung sakali.

Mabilis lumipas ang oras,hindi namin namamalayan na hapon na pala at naka abang na ang mga sundo namin sa loob mismo ng shop.Halos magkasunod lang na dumating sina Terry at TOP kaya lumabas na muna ako ng opisina para magsabi na antayin  lang ako saglit.
Napansin ko na medyo malungkot ang itsura ni Terry pero hindi nya lang pinahahalata sa amin.

"Terry,Congrats ha.Kainggit yung diamond ring ni Joyce,Ang laki ng bato!
Kelan nyo ba balak magpakasal?_Dess.Sabay sabay kaming nagdinner sa isang fine dine in restaurant kaya sinamantala ni Dess ang pagtatanong kay Terry.

"Kung ako lang ang masusunod mas gusto ko na next month na sana gawin ang wedding.Kaya lang hindi pa tapos yung bahay na pinapagawa ko eh.
Saka humirit pa si Joyce ng kaunti pang time.Gusto ko na sana talagang makasal na kami eh._Terry.Tumingin sya sa akin at saka ngumiti.Hinawakan ko naman ang kamay nya bilang tugon.

"San nyo ba balak magpakasal,para naman matulungan ko kayo?
May kaibigan ako sa Canada na nagpakasal na din last year,pwede ko syang i ask sa kakilala nyang weddding planner at coordinator at saka dun sa magkakasal._TOP.

"Actually,Si mommy na ang nag prisinta na mag aasikaso sa wedding preparation namin.Hinayaan ko na lang,baka magbago pa ang isip at hindi pa kami payagan._Terry.Napalingon kaming lahat sa kanya.Ibig bang sabihin,pumayag na ang mommy nya na magpakasal kami?

"Really?Good news yan para kay Joyce.Pumayag na si Tita Gina na magpakasal kayo?Wow!Congratulations guys.Im so happy to the both of you!_TOP.Tinignan ko si Terry,masaya naman sya habang nagku kwento pero bakit parang may kulang.

"Sabi ko na sayo Joyce eh,Think positive lang.Kita mo na,Sabi na sayo magagawan ng paraan ni Terry yun eh.So,ayan ha...Tuloy na tuloy na talaga ang pagiging bridesmaid namin ni Sally._Dess.Tumango naman ako ng nakatawa sa kanya.

"Cheers para sa nalalapit na wedding nyong dalawa.At sana'y mas maging matatag at masaya pang lalo ang inyong pagsasama sa mga darating na panahon!_TOP.Sabay sabay naming itinaas ang baso na may lamang wine at saka ininum.

"Salamat guys.Masayang masaya ako at wala ng mahihiling pa dahil natupad na ang pinaka aasam ko sa buhay...Ang maging asawa ang pinaka magandang bride sa buong mundo,Si JOYCE._Terry.Then she slowly kiss me kaya nagblush ako after ng halik na iyun.

"Ayyyyy grabeh sya oh!Blushing bride lang ang peg.Hahahahha.As if naman first time nyo lang mag kiss noh!_Dess.Lalo tuloy akong pinamulahan ng mukha sa biro nya at napatakip ng tuluyan ng mukha.
Naalala ko nga pala na hindi lang naman ito ang una naming halik at naikwento ko yun dati pa kay Dess.

Hahahahha.Babe talaga,Napaka taklesa mo!First time lang ni Joyce mahalikan in public ano kaba kaya ganyan.Ang mabuti pa,pabayaan na natin silang makapag solo para may privacy.Guys,mauuna na kami ng babe ko ha,Enjoy your day.Lets go na babe._TOP.Hiyang hiya naman ako sa naging reaksyon ko,lalo  pa at tawa naman ng tawa si Terry sa harap ko.

"Halika na nga at sa bahay nyo na tayo magkwentuhan.Ikaw talaga...Ang dali mo magblush pagdating sa mga ganung biruan.Masanay kana dun sa dalawang yun,Alam mo namang pareho silang mga pilya at maloko eh.
_Terry.Hinawakan nya ang kamay ko at saka kami sabay ng tumayo at mabilis na sumakay ng kotse.
Sa bahay na kami nagkwentuhan at sinabi nya sa akin ang mga napag usapan nila ng mommy at daddy nya,Kung papanong napapayag nya ang mommy nya sa pagpapakasal namin,Hindi ako sigurado kung totoo nga talagang ganun ganun lang sya pumayag at nag offer pa na syang mag aarrange ng kasal namin.

PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE  (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon