Sa NORWAY ang napiling lugar ni Mommy para pagdausan ng kasal namin ni Joyce.
Meron daw kasi syang kaibigan duon na nagta trabaho sa Cityhall kaya mas madaling naasikaso ang permit namin para sa kasalang magaganap.Naging madali din sa amin ang pagpapa book ng plane ticket papuntang Norway dahil ang daddy ni GD na si Tito Mandy ang ninong namin sa kasal.Habang ang mommy naman ni TOP na si Tita AVA ang ninang."Wala po kayong aalalahanin tungkol sa mga damit na isusuot nyo at sa pagtravel Nanay Joy at Ate Zeny.May mga sumagot na po ng mga ito._AKO.
Ngayon ang araw ng pamamanhikan at pagpa plano ng kasal kaya nandito kami ngayon sa sala ng bahay nila Joyce.Ang CKPH ang sumagot ng damit naming dalawa ni Joyce mula sa gown hanggang sa pangloob naming isusuot.Sinagot din nila ang damit ng pareho naming parents."Tama yun balae.Wala ka na ding dapat ipag alala sa pagtravel mo dahil meron ka na ding permit to travel mula sa doctor mo._Daddy.Madali lang kaming nakakuha ng permit dahil kilala namin ang doctor na gumagamot kay nanay Joy.
"Naku,Salamat naman kung ganun.Hindi na kami mag aalala sa kalagayan ni nanay.Pero hindi mo na kailangang ipa book pa ang asawa ko't mga anak ha Terry.Kami na lang dalawa ni nanay ang aatend sa kasal,kaya wag mo na silang ikuha ng passport at Visa._Ate Zeny.
"Syanga naman Terry.Kami na lang muna ni Zeny ang aalis.Maigi na din na may taong bahay na maiiwan dito habang wala kami._Nanay Joy.Alam kong nahihiya silang gumastos kami ng malaki kaya minabuti na lang nilang dina isama ang asawat mga anak ni ate Zeny.
"Kung yun po ang gusto nyo Nanay,Yun po ang masusunod.Sa amin din naman po ay sina mommy at Daddy lang din ang makakasama ko.
Dito na lang po tayo magsasalo salo pag uwi natin para sa iba pa nating mga kapamilya at kaibigan._AKO."Sinabihan ko na din si Terry na ikuha ka ng personal nurse para may mag babantay sayo balae.Kapag kasi nasa bahay na si Joyce,mas makakapante sya kapag alam nyang may tumitingin sa yo dito sa bahay._Daddy.
Tahimik lang si mommy at bihirang sumali sa usapan."Salamat po sir.Salamat po sa pag aalala nyo sa pamilya ko._Joyce.Isa un sa talagang una kong inisip.alam kong mas magiging kampante si Joyce kapag alam nyang may mag babantay sa nanay nya.
"Naku ano bang Sir na bata ka.Daddy na din ang itawag mo sa akin,at Mommy naman dito sa asawa ko.Dapat sanayin mo na kaming tawagin dahil ilang araw na lang,magkakasama na tayo sa bahay._Daddy.
"Mayroon pa nga pala akong isa pang request,Bago pa matapos ang gabing ito.Sana naman ay hindi ikasama ng loob ito ng mga ikakasal._Mommy.Out of nowhere nyang sabi habang nag uusap usap kami kaya lahat kami ay napalingon sa kanya.
"Aba'y anong request ba yan my dear,Parang bigla tuloy kaming kinabahan lahat?_Daddy.
"Gusto kong isabay na din sa pagpapakasal nyo ang pagpapa IVF consultation...Sayang naman kasi yung chance na nandun na kayong dalawa.Gusto ko na kasi kaagad magkaroon ng apo._Mommy.Nakahinga naman ako ng maluwag.
Akala ko naman kung ano na.Pati si daddy ay ganun din naman ang gusto kaya masayang masaya sya."Naku,Gustong gusto ko din yan! Kaya lang sympre,nasa mag asawa yan kung gusto na din ba nila?Anong masasabi mo tungkol dito,Joyce?_Daddy.
"Kung...Kung iyun po ang gusto nyo at payag din po si Terry,payag na din po ako._Joyce.Napayakap ako bigla sa kanya sa kasiyahan.
"Wow naman,ayan Nay ha...Magkaka apo kana kaagad.Pareho pala kayo ng balae nyo na gustong gusto na din ng Apo eh!_Ate Zeny.Masayang masaya kaming lahat habang nag uusap usap.Nakita ko din na napapangiti si mommy kahit na pilit nyang pinipigilan.
Bakit nga ba sa NORWAY napili ni Mommy kami magpakasal?Bukod sa sikat na Northern lights na dun matatagpuan,Ang NORWAY ang tinaguriang "The happiest place on earth".At legal duon ang same sex marriages pati na ang adoption para sa kagaya namin.
"Nakapagpa reserved na din ako ng appointment sa Klinnikk Hausen(largest private IVF center in Norway)duon.Inalam ko na din ang lahat ng kailangan at kung magkano ang magagastos._Mommy.
"Aba,mainam kung ganun.Sa gastos naman ay walang aalalahanin pero papano ba ang magiging kasunduan about sa legalization ng adoption?_Daddy.
"Ang mag asawa na ang bahalang magdesisyon kung sino ang carrier sa kanilang dalawa.Pero mas mainam kung si Katarina ang magbubuntis para siguradong sa kanya naka pangalan ang bata._Mommy.
"Pero mom,Hindi pa po namin napapag usapan yan ni Joyce.Ang kasal na muna kasi ang una naming pinag planuhan.Pwede po bang sa susunod na lang muna natin yan pag usapan?_AKO.Ayoko din namang pangunahan si Joyce sa kung anong gusto nya.
"Syanga naman...Sa susunod na lang yang topic na yan at dun na muna tayo sa kasal mag focus.Sina GD at Top nga pala,nasabihan nyo na ba?Yung mga kasintahan nila,yun din pala ang bridesmaid mo hindi ba Joyce?_Daddy
"Opo sir...i mean,Daddy.Bestfriend ko po ang mga girlfriend nina Top at GD._Joyce
"Wala naman palang magiging problema.Siguradong magiging masaya at maayos ang mgaganap na kasalan.
Kung may mga gusto pa kayong idagdag or ayaw dun sa mga sinabi ko well magpasabi lang kayo pra maiayos natin kaagad ng mas maaga.
Sa ngayon,Magpapa alam na muna kmi mag asawa at salamat sa pagpapatuloy nyo sa amin._Mommy."Maraming salamat din po sa pagdalaw Mrs.Guillermo,Sayo din Mr...
At maraming salmat din po sa pagtanggap nyo sa anak ko.Alam ko po na hindi ganun kadali para sa inyo ang tanggapin na ang kagaya lang po ng anak kong mahirap lang ang magugustuhan ng anak nyo,Kaya kayo na po ang bahalang umunawa sa kalagayan at sitwasyon namin.
Pagpasensyahan na din po ninyo kung wala kaming naiambag man lamang para sa gaganaping kasal._Nanay Joy.Kay mommy sya nakatingin habang nagsasalita."Wag mong alalahanin yun balae.Hindi mahalaga ang gastos basta para sa ikaliligaya ng mga bata.Ang mahalaga,Maging masaya at maayos ang pagsasama nila.Yun lang naman ang hangad nating mga magulang hindi ba,Yung maging masaya ang ating mga anak._Daddy.
"Salamat po sa lahat Nanay Joy.Sobra po akong nagpapasalamat sa inyo sa magandang pgpapalaki nyo kay Joyce.Ganun din po sa pagtanggap nyo sa akin bilang kapamilya nyo.Masaya po akong nakilala ko kayo at itinuring na para nyo na ding anak.-_Ako.Niyakap ko si Nanay Joy ng mahigpit.
Maluha luha ding naki akap si Joyce sa aming dalawa.Sabay sabay na kami nina mommy at daddy na umuwi ng bahay pagkatapos ng pamamanhikan.
Bukas naman namin aasikasuhin ng personal ni Joyce ang mga kakailanganin naming documents para sa pagpapakasal.Isasabay na din namin ang personal na pagsusukat at pamimili ng design ng mga gown na isusuot namin.
Sina GD at TOP din ay kasama sa inisponsoran ng CK kaya sina Dess at Sally na lang ang sasagutin namin.
BINABASA MO ANG
PRICE TAG: MONEY CAN'T BUY ME LOVE (KATARINA AND JOYCE ROMANCE)
RomanceAno nga ba ang tunay na kahulugan ng PAG IBIG? Masasabi nga ba natin na Nagmamahal na tayo kapag nakakaramdam tayo ng kaligayahan tuwing kasama natin ang isang tao? Sina JOYCE AT KATARINA ang ating bida sa kwento. Kung si Terry ay nagmula sa mayaman...